Chapter 23

431 8 0
                                    

Rosé POV

Mahal na mahal kita Roseanne Park. Kung ano man yang gumugulo sa isip mo sana'y huwag wag mong takasan. Kahit ano mang maging desisyon mo ay igagalang ko. Kahit ang kapalit pa ay sarili kong kaligayahan. Sambit ni Lisa, nakatingin lang sya sa mga mata ko at kitang kita ko ang lungkot na nararamdaman nya ngayon.

Alam na kaya nya ang tungkol sa nakaraan ko. Tanong ko sa isip ko.

Wala akong masabi sa sinabi nya. Kanina lang ay subrang sweet nya sakin, tapos ngayon parang may pinapahiwatig sya.

Lisa. Yan lang ang tanging nasabi ko. Tila blangko ang utak ko.

Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti sya sakin.

Rosé, maiintindihan ko. Paano ka mabubuo kung hindi mo haharapin ang nakaraan mo?Ayaw kong matali ka sakin ng hindi ka pa buo. Ito lang ang tangi kong kayang gawin para sayo. Alam mo naman kung gaano kita kamahal diba? Tanong nya. Tumango naman ako at nanatiling tahimik na nakikinig sa susunod nyang sasabihin.

Baby may isang taong naghihintay sayo ng matagal na panahon. Hindi ako makasarili para pigilan kang bigyan sya ng pagkakataong makasama ka. Puntahan mo sya, wag mong pigilan yang sinasabi ng puso mo. Sundin mo kung anong makakapagpasaya sayo. At kung sakaling ako parin, bumalik ka. Mas magiging masaya ako kung magiging totoo ka sa sarili mo. Sabi ni Lisa, Kita sa mga mata nya ang mga luhang nangingilid habang sinasabi ang mga salitang yun.

Lisa paano ka? Tanong ko sa kanya. Binigyan nya ako ng isang pilit na ngiti bago sya nagsalita muli.

Okay lang ako, magiging ok din ako. Sabi nya at doon tuluyan ng bumagsak ang luhang namumuo sa mga mata nya. Agad ko syang nilapitan at niyakap.

Please wag ka ng umiyak. Hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan. Umiiyak kong sabi sa kanya. Kumalas naman sya sa pagkakayakap, pinunasan nya ang luha ko at nakangiti syang nakatitig sakin.

Sige na, puntahan mo na sya baka hinihintay ka na nya. Baka mainip pa yun at humanap  ng iba. Biro nya. Sa halip na sumagot ako, hinawakan ko ang batok nya, kinabig ko ito papalapit sakin at sa huling pagkakataon muling naglapat ang mga labi namin. Nakapikit lang kami na tila ninanamnam ang huling sandali na kasama namin ang isa't isa.

Ilang sandali pa ay naghiwalay na ang aming mga labi.

Thank you Lisa. Nakangiting sambit ko at lumakad na ako palayo sa kanya. Narinig ko namang tinawag nya ako dahilan para mapalingon ako.

Mag iingat ka. Sambit nya, tumango naman ako at tuluyan ng lumakad palabas ng restaurant.

Dali dali akong pumunta sa bahay para kunin ang sulat na iniwan sakin ni Jimin. Dumaretso ako sa kwarto ko at binuksan ang drawer kung saan ito nilagay. Agad kong binuksan ang subre. Nang kunin ko ang papel na nasa loob nito ay may nalaglag na bracelet na may letter J. Kinuha ko ito pagkatapos binasa ko na ang sulat.

Hi honey,
Alam ko sa mga oras na to na aalala mo na ang nakaraang nakalimutan mo. Pasensya ka na kung hindi ko agad sinabi sayo. Natakot akong mawala ka sakin kaya itinago ko sayo ang tungkol kay Jisoo. Sa totoo lang mga bata pa tayo gusto na talaga kita. Kaya lang, alam kong si Jisoo ang gusto mo kaya wala akong magawa kundi ipaubaya ka sa kanya.

Nung araw na maaksidente ka at nalaman kong wala kang maalala ginamit ko yun para kunin ka sa kanya. Naging makasarili ako dahil sa subrang pagmamahal ko sayo. Si Jisoo hinihintay ka nya, palagi syang nagpupunta sa lugar kung saan tayong tatlo nagkakilala. Puntahan mo sya Chaeng at kung maaari ihinge mo ako ng tawad sa kanya. Napakadaming oras ang ninakaw ko sa inyong dalawa. Patawarin nyo ako.

Chaeng mahalin nyo ang isa't isa. Magiging masaya ako kung kayo ang magkakatuloyang dalawa. Mahal na mahal ko kayo.

                                                         Jimin

Pagkatapos kong basahin yun ay agad akong nagbihis upang puntahan si Jisoo sa condo nila ni Jennie.

12:00am na ng makarating ako dun. Nagdoorbell ako ng nagdoorbell hanggang sa may magbukas ng pinto. Papikit pikit pa ang taong nagbukas nito.

Alam mo bang---- hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya.

Si Jisoo andyan ba? Tanong ko sa kanya. Napamulat naman sya ng mata ng mapagtanto nya kung sinong kaharap nya.

Rosé anong--- hindi ko na muling pinatapos ang sasabihin nya at nagsalita ako ulit.

Please Jennie wag ka ng marami pang tanong nasan si Jisoo? Pagmamakaawa ko sa kanya.

Isang linggo na syang hindi umuuwi at pumapasok sa office. Hindi ko alam kung nasan sya pero merong isang lugar na madalas nyang punta--- hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya. Patakbo akong nagtungo kung saan nakapark ang kotse ko, dali dali akong sumakay at mabilis kong tinahak ang lugar kung saan andun si Jisoo.

Jisoo hintayin mo ako dyan. Nasabi ko nalang habang nagmamaneho.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon