Chapter 27

463 6 0
                                    

Jennie POV

Tahimik naming binabagtas ang daan pauwi. Sinusulyap sulyapan ko si Lisa habang sya'y nakapikit. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko ang mukha nya.

Mukhang baby parin talaga sya kapag natutulog. Sambit ko, naputol ang isipan kong yun ng tumunog ang phone ko. Tiningnan ko yun at lumabas ang pangalan ni Jisoo.

Hello Jennie, nasan ka ba? Puntahan mo nga ako dito sa hospital. Umiiyak nyang sambit, itinigil ko sa tabi ng kalsada ang kotse ko ng marinig ang sinabi nya. Naramdaman kong nagulat din si Lisa sa biglang preno ko. Napamulat sya, tumingin sya sakin ng anong nangyari look? Minustrahan ko naman syang sandali lang. Tumango sya at nanatiling nakatingin sakin. Ibinaling ko na ulit ang atensyon ko kay Jisoo na kausap ko sa phone.

Anong nangyari? Anong ginagawa mo dyan? Na saang hospital ka ba? Magkakasunod kong tanong.

Si Chaeng, andito kami sa xxxxx. Umiiyak nyang sambit, nagulat naman ako at napatingin kay Lisa na bakas sa mukha ang pag aalala.

Sige papunta na kami dyan. Nasabi ko nalang kay Jisoo at binaba ko na ang call. Binuhay ko na ang makina ng kotse ko at pinagpatuloy ang pagdadrive papunta sa sinabi nyang hospital.

Ano daw yun? Sino yung kausap mo? Sinong nasa Hospital? Magkakasunod na tanong ni Lisa. Sinagot ko naman sya habang nanatiling nakatutuk ang aking paningin sa daan.

Si Chaeng nasa Hospital kasama nya si Jisoo. Seryosong sambit ko.

Anong--- hindi na nya itinuloy ang sasabihin nya at kinuha ang phone nya. Sinulyapan ko naman sya, kitang kita sa mukha nya ang pag aalala. Nangingilid ang luha sa mata nya habang nakatingin sa phone nya.

Shit! Bwesit naman! Sagutin mo naman!! Inis na sambit ni Lisa habang tinatawagan ang number ni Chaeng. Bumaling naman sya sakin at nagsalita.

Wala na bang ibibilis yan Jennie? May pagkairita ang boses nyang yun.

Lisa wag kang mag alala. Andun naman si Jisoo at hindi naman nya papabayaan si Rosé. Sambit ko upang pakalmahin sya.

Paano ako hindi mag aalala si Rosé yun, Jennie?! Paano kung may mangyari sa kanya?! Sigaw nya.

Naiiyak na ako, ngayon lang nya ako sinigawan at ngayon ko lang sya nakitang magalit. Nakita ko namang napatingin sya sakin.

Sorry. Sambit nya, medyo kumalma na din ang boses nya. Hindi ako sumagot at pinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa Hospital, kung saan andun sina Jisoo. Pagkapark ko palang ng sasakyan ay patakbong bumaba si Lisa. Nakasunod lang ako sa kanya, matapos nyang tanungin ang room ni Chaeng ay tumakbo na sya papunta doon.

Pagbukas ng pinto ay nadatnan namin si Jisoo na nakaupo sa tabi ng bed ni Rosé. Napatayo naman sya at lumapit samin. Hinarang sya ni Lisa at kinwelyuhan.

Anong ginawa mo sa kanya? Sambit ni Lisa, bakas sa boses nya ang galit. Lumapit naman agad ako upang awatin sya.

Lisa kumalma ka nga muna! Pagpapakalma ko sa kanya. Tumingin muna sya sakin, unti unti naman nyang binitawan si Jisoo. Pagkatapos lumapit sya kay Rosé, hinawakan nya ang kamay nito at hinalikan.

Im sorry baby. Sambit ni Lisa, napatingin naman ako kay Jisoo na nakatingin din sa kanila.

Jisoo tara muna sa labas, hayaan muna natin silang mapag isa. Tumango naman si Jisoo at nauna ng lumabas ng pinto. Tumingin muna ako kay Lisa na hinahaplos ang buhok ni Rosé. Bakas sa mukha nya ang labis na pag aalala.

Mahal na mahal talaga nya si Rosé. Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko dahil sa isipan kong yun. Lumabas na ako ng room ni Rosé dahil nasasaktan ako sa nakikita ko.

Lisa POV

Lumabas na sina Jennie at ako, nanatili lang akong nakaupo sa tabi ni Rosé. Pinagmamasdan ko lang sya habang mahimbing na natutulog.

Paano ba kita ipagkakatiwala sa kanya? Kung kunting oras ka palang mawala sa tabi ko nagkakaganito na. Paano ba kita hahayaang mawala sa tabi ko kung hindi ako sigurado kung kaya ka nyang alagaan katulad ng pag aalaga ko sayo. Sabi ko sa isip ko, inalis ko ang tingin ko sa kanya. Tumungo ako at hinalikan ang kamay nyang hawak ko.

Namimiss na kita baby. Sambit ko habang umiiyak. Naramdaman kong gumalaw sya.

Lisa. Pabulong nyang sambit sa pangalan ko, pinahid ko muna ang mga luha ko bago ako tumingin sa kanya. Binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti bago ako nagsalita.

Hi. Bati ko sa kanya, tumingin naman sya sa paligid na parang may hinahanap at nagsalita.

Anong nangyari? Si Jisoo? Andito ba sya? Tanong nya.

Ako ang nandito pero iba ang hinahanap nya.  Sana naman maisip nyang nasasaktan ako. Siguro nga talagang hindi ako ang kailangan mo Rosé. Siguro hanggang dito nalang talaga ang kwento natin. Kailangan ko ng tanggapin na hindi talaga ako. Sabi ko sa isip ko. Ngumiti nalang ako sa kanya upang maitago ang sakit na nararamdaman ko.

Nasa labas sya, wait lang tatawagin ko lang sya. Pagkasabi ko nun ay tumayo na ako, hahakbang na sana ako ngunit tinawag nya ako. Kaya tumingin ako sa kanya ng nagtatanong.

Thank you. Nakangiting sambit nya. Tumango naman ako at ngumiti muli, lumabas na ako ng room ni Rosé, agad ko namang nakita sina Jisoo at Jennie na magkatabing nakasandal sa pader sa labas ng kwarto. Napatingin sila sakin. Lumapit ako kay Jisoo at tiningnan ko sya ng daretso sa mata.

Ingatan mo sya. Wag mong hahayaang masaktan sya dahil kapag nalaman kong sinaktan mo sya, hinding hindi na ulit ako papayag na makuha mo sya. Ngayon, puntahan mo na sya sa loob at hinihintay ka nya. Pakisabi nalang sa kanya na nagka emergency ako kaya kailangan ko ng umalis. Seryosong sambit ko, nakatingin lang sakin si Jisoo na parang di makapaniwala sa sinasabi ko.

Pupuntahan mo pa ba sya o babawiin ko na sya ngayon din? Dagdag ko. Mukha namang natauhan sya at niyakap ako.

Thank you Lisa. Iingatan at aalagaan ko sya katulad ng bilin mo. Sabi ni Jisoo, kumalas na sya pagkakayakap sakin at ngumiti.

Puntahan mo na sya. Kanina ka pa nya hinihintay. Sambit ko at ngumiti sa kanya pabalik. Dali dali na syang pumasok sa kwarto ni Rosé.

Nagkatinginan nalang kami ni Jennie pag alis ni Jisoo.

Thank you. Pabulong na sambit ni Jennie at ngumiti sya sakin, naglakad sya palapit sakin at niyakap ako.

Napakatapang mo Lisa. Hindi lahat ng tao kayang gawin yan. Sambit ni Jennie habang nakayakap sya sakin, gumaan naman ang bigat na nararamdaman ko sa mga sinabi nyang yun at niyakap ko sya pabalik.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa twing nasa tabi ko si Jennie. Hindi ko alam kung bakit kumakalma ako. Yakap palang nya na iibsan na ang sakit na nararamdaman ko. Nararamdaman ko parin ang kakaibang tibok ng puso ko noon na sa kanya ko lang naramdaman. Mahal ko si Rosé, kaya dapat subra akong nasasaktan ngayon. Ngunit may kung ano sa puso ko ang nararamdaman ko na hindi maipaliwanag ng isip ko. Sabi nila utak ang nagdidikta sa puso natin kung ano dapat maramdaman. Pero bakit nagugulohan ako?

Mga ilang minuto din ang yakap na yun bago kami kumalas. Nakangiti syang nakatitig sa mata ko bago sya muling nagsalita.

Tara na, uwi na tayo. Pag aaya nya sakin, hinawakan nya ang kamay ko at naglakad na palabas. Nagpahila nalang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa kotse nya.

Inihatid nya ako sa company namin dahil andun ang kotse ko. Pagkababa ko, isinara ko na ang kotse nya at lumakad na ako papunta sa kotse ko ng tinawag nya ako.

Lisa! Tawag nya, tumigil ako at lumingon sa kanya. Nakababa ang bintana ng kotse nya.

Mag ingat ka! Dagdag nya, tumango nalang ako at ngumiti sa kanya pabalik. Itinaas na ulit nya ang bintana ng kotse nya at umalis na.

Nakatingin lang ako sa kotse nya hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi parin tumitigil ang hindi normal na pagtibok nito.

Ano ba tong nararamdaman ko? Nagugulohan kong tanong sa sarili ko.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon