Chapter 32

439 10 0
                                    

Irene POV

Maaga akong pumasok para ayusin ang schedule ni Jennie sa araw na to. Habang naglalakad ako papunta sa office nya ay ngumingiti ako sa mga nakakasalubong kong mga empleyado.

Napadaan ako sa office ni Jennie at sinilip ko kung andun na sya. Tulala sya na tila malalim ang iniisip, paminsan minsay napapangiti sya at hinahawakan ang labi nya. Naisip kong pumasok ng hindi kumakatok.

Anong meron? Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. Nagulat naman sya na tila hindi manlang ako napansing pumasok.

Ano ba Irene! Ginulat mo naman ako, bakit ba hindi ka manlang kumakatok dyan? Sambit nya habang nakahawak sa dibdib.

E kasi po, mukhang nanaghinip ka pa ng gising dyan. Nakakahiya naman kung maiistorbo ka. Sambit ko, habang pinipigilan ang tawa dahil mukha na syang kamatis sa subrang pula.

Wala. Magtrabaho ka na nga lang! Ano bang schedule ko ngayon? Pag iiba nya ng usapan, ibinaling na nya ang atensyon nya sa pagtingin sa laptop nya ngunit hindi ako nagpatinag.

Wala? E bakit may pahawak hawak ka pa sa labi mo tapos ngingiti ngiti ka? Pag papaamin ko sa kanya.

Wala nga! Wag ka ngang makulit. Naiinis nyang sambit. Sumeryoso naman ako ng mukha bago magsalita.

Jennie! Tawag ko sa pangalan nya, tumigil sya sa ginagawa nya at tumingin sakin.

Best friend mo ako! Bakit parang may tinatago ka na sakin. Seryosong sambit ko, bumuntong hininga muna sya senyalis na napilitan na syang magsabi sakin.

Oo na! Nagkiss kami ni Lisa. Okay na? Namumula ang mukha nyang sambit.

Kelan? Paanong nagkiss kayo? Nilalandi mo ba sya kahit na alam mong ikakasal na sya? Jennie baka masaktan ka lang dyan sa ginagawa mo ha. Alam mo ng ikaw ang talo dyan. Nag aalalang sambit ko. Ngumiti naman sya bago magsalita.

Wala ng kasal na magaganap Irene. Sambit nya, napamaang ako. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Jennie.

Alam kong mahirap paniwalaan pero totoo yun. Ang bilis ng mga pangyayari, si Jisoo at si Chaeng na ang magkarelasyon ngayon. Sambit ni Jennie.

Jennie POV

Kenwento ko kay Irene ang lahat ng detalye kung bakit hindi na matutuloy ang kasal nina Lisa. Hindi sya makapaniwala na si Chaeng pala ang batang babae na matagal ng hinahanap ni Jisoo.

Bago si Irene lumabas ng office ko may sinabi syang hindi maalis sa isip ko.

Jennie alam kong mahal mo pa si Lisa. Kaya kung ano man yang binabalak mo sana pag isipan mo muna ng maraming beses. Baka masaktan ka lang sa bandang huli. Alam nating mahal na mahal ni Lisa si Rosé kaya napakaimposible na masuklian nya ang pagmamahal mo sa kanya. Sana wag mong hayaang gawin ka nyang panakip butas. Ayaw ko na ulit makitang nasasaktan ka ng dahil sa kanya. Ingatan mo ang puso mo Jennie. Pagkasabi nya ng mga salitang yan ay tuluyan na syang lumabas. Napatingin ako sa picture namin ni Lisa na nasa table ko.

Handa akong maging panakip butas para makasama ka lang Lisa. Ito na yung hinihintay kong pagkakataon para mapasakin ka muli. Hindi ko na to papalampasin pa, mahal na mahal kita Lisa. At gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako muli. Tawagin man nila akong Dakilang Taga abang, wala akong pakialam.

Kung noon ikaw ang lumaban. Ngayon, ako naman ang lalaban para sating dalawa. At sa pagkakataong ito, hinding hindi na ako papayag na mawala ka pa.

Naputol ang pag iisip ko ng may kumatok sa pinto.

Pasok! Sambit ko at tumingin ako doon. Iniluwa nun si Jisoo na nakangiti.

Anong ngiti yan? Kinakabahan ako sayo, ano na namang kailangan mo? Sambit ko at ibinaling ko na ang tingin ko sa laptop na nasa harap ko.

Jennie gusto ko na kasing bumalik sa condo ko. Gusto na naming magsama ni Chaeng habang inaayos namin yung kasal. Magkakasunod nyang sambit, nagulat naman ako sa sinabi nya at seryoso akong napatingin sa kanya. Sinigurado kong hindi sya nagbibiro at nung mapagtanto kong seryoso sya. Saka ako muling nagsalita.

Teka! Bakit parang ang bilis naman ata? Saka nakausap mo na ba mga magulang nya pati na din sina tito? ( parents ni Jisoo) Tanong ko sa kanya. Nalungkot ang mukha nya matapos kung sabihin yun.

Natatakot ako Jennie, baka di nila matanggap yung samin ni Chaeng. Alam mo naman ang mga magulang natin masyado silang istrikto pagdating sa personal nating buhay. Baka hindi sila pumayag lalo na kapag nalaman nilang babae ang karelasyon ko. Malungkot na sambit ni Jisoo. Tumayo ako at niyakap ko sya.

Jisoo! Wag mong hayaang pangunahan ka ng takot. Tingnan mo ako, mas pinili kong mawala yung taong mahal na mahal ko. Anong naging resulta ng kaduwagan ko? Hanggang ngayon pinagsisisihan ko paring hindi ko sya pinaglaban. Kaya wag mo ng gayahin ang ginawa ko noon. Ipaglaban mo si Chaeng! Hindi ko to sinasabi dahil gusto kong makuha si Lisa. Sinasabi ko to dahil ayaw kong matulad ka sakin. Mabuti ka nga at kaya mo na syang ipaglaban kumpara sakin noon. Isang 15 years old na babaeng walang kayang gawin. Kaya ikaw, Laban lang! Isang beses lang tayong mabubuhay sa mundo, kaya kung alam mong magiging masaya ka kay Chaeng wag mo na syang pakawalan. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mabubuhay kaya dapat bawat sandali pahalagahan natin. Pagpapalakas ng loob ko sa kanya. Kumalas naman sya sa pagkakayakap.

Salamat Jen! Salamat sa pagpapalakas ng loob ko. Sambit nya. Medyo malakas ko naman syang pinalo sa balikat.

Aray naman Jennie! Para san yun? Sambit nya

Wala. Naninibago lang ako sayo, masyado kang seryoso. Iba talaga nagagawa ng pag ibig. Patawa tawa kong sambit, at naglakad na ako pabalik sa upuan ko.

Bakit ikaw Jenduek? Ano bang nagawa sayo ng pag ibig? Sambit nya sabay ngisi.

Aba! Bakit sakin napunta ang usapan? Patawa tawa kong sambit.

Sus! Parang di ko alam ikaw ang pinakamasaya na hindi na matutuloy ang kasal nila Lisa at Chaeng. Pang aasar nya sakin.

Hoy hindi ha. Nalungkot din kaya ako. Pagtanggi ko sa paratang nya, pero sa halip ay tiningnan nya ako ng nakakaloko at muling ngumisi.

Anong tingin yan? Umalis ka nga dito. Hindi ako makapagfocus sa trabaho ko. Pagtatabuy ko kay Jisoo, tumayo na sya at pailing iling na binuksan ang pinto. Ngunit bago pa sya lumabas tinawag ko muli sya.

Jisoo! Tawag ko sa kanya, napatigil sya at lumingon sakin.

Salamat. Pagpapatuloy ko. Napatawa naman sya at nagsalita.

Sabi na e. Pinagdasal mo talagang mangyari to nu? Pang asar nyang sambit.

Hay naku! Sabing hindi! Umalis ka na nga lang. Naiinis kong sambit, ngumisi muna sya at tuluyan ng lumabas ng office ko.

Tama ka Jisoo, ginusto ko ding mangyari to. Ganito ba talaga kapag nagmamahal nagiging makasarili?

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon