Kabanata 01

1K 47 9
                                    

Our new house may be smaller than Gran's back in Rizal, but it was enough for my mother and I. Fully furnished na ito at may pagka-American ang estilo ng exterior habang ang loob ay puno ng brown, beige at white accents.

Agad kong nagustuhan ang ambiance ng bahay kaya matapos lang ang ilang minuto ay nilingon ko na si Mama at nginitian. She sighed in relief before turning to my cousin again.

"Are you sure hindi ka muna magdi-dinner dito, Cal?" Mama asked him for the umpteenth time. Mula pa sa byahe hanggang sa makarating kami rito ay paulit-ulit na siyang tinatanong ni Mama.

"Ma, 'wag mo nang pilitin. You know he still had to visit the farm in Pampanga," pagtulong ko na kay Kuya Cal. Nakangiti namang lumingon sa akin ang nakatatanda kong pinsan—nagpapasalamat—at tinawanan ko lamang siya pabalik.

"Ethan's right, Tita. Iyon pa naman ang bilin sa akin ni Gran," Kuya added.

Callahan Delgado is my eldest male cousin; his father and my mom are siblings. Kahit hindi man mapapalitan ninuman ang aking tunay na kapatid, pero masasabi kong si Kuya Cal na rin ang pumuno ng naiwang posisyon ni Kuya Lemuel sa buhay ko. Laking pasasalamat ko na kahit sa ginawa ni Mama noon ay natanggap pa rin nila kami.

My parents apparently eloped back in the days. Iyon din ang dahilan kung bakit kailanman ay hindi ko nakilala ang mga kamag-anak namin sa side ni Mama, not until bumalik kami ng Rizal pagkamatay nila Papa at Kuya.

I remember only knowing that my mom was from a prominent family in her hometown, I never knew how known they really were back then. Isa pa, sa murang edad ko noon ay wala rin naman akong pakialam sa ganoong mga bagay.

Growing up, everything finally made sense to me. Timotheo Delgado, my grandfather, or 'Gran' like how we call him, owns hundreds of hectares of coffee plantations both in Batangas and Rizal, and recently, in Pampanga as well. Sa kasalukuyan, si Tito Romualdo na ang nagma-manage ng mga 'yon, ang ama ni Kuya Cal.

Ibang-iba ang naging buhay ko sa puder ng pamilya ng aking ina sa kinalakihan ko sa Bulacan. I had more privileges and more opportunities to get used to the luxurious life like my cousins, but I chose to always remind myself of the values my father thought me.

Iyon na lamang ang maaari kong gawin upang kahit papa'no ay may manatiling alaala sa akin ang aking ama, because to be honest, most of my memories of him are already blurry in my mind.

Kailanman ay hindi ko naisip na maninirahan muli kami sa dating probinsya, lalo na't sa bawat taon ay nakakauwi lang kami ni Mama tuwing Pasko para bisitahin si Lolo. Ngunit noong namatay siya three years ago ay tumigil na rin kami sa pagbalik sa Bulacan.

So imagine my shock when my mother told me last month about her business venture here and our need to go back once again—this time, for good. Hindi man sa Sta. Ana ay nakakapanibago pa rin na narito na kami muli, lalo na't unang taon ko pa ito sa kolehiyo.

And if the couple of news I heard about Sta. Ana are indeed true, hindi malayong may mga dating kakilala kaming makita rito. The town my mom chose to transfer to is more urbanized than Sta. Ana, at mas malapit din ito sa Capitolio kung nasaan ang unibersidad na aking papasukan.

"Will you be fine going to the university alone tomorrow?" tanong ni Kuya Cal nang tulungan niya akong iakyat ang aking maleta.

"Of course, bakit naman hindi?" sagot ko sa kanya bago buksan ang pinto ng pinakadulo na kwarto.

The house has four bedrooms, isa sa unang palapag at tatlo sa pangalawang palapag. Pinili ko ang pinakadulo dahil tanaw mula sa bintana ang malawak na bakuran sa aming likod-bahay at sa malayo ay ang mga sakahan. The subdivision where the house was situated in is rather new and is adjacent to hectares of rice fields, sa tingin ko pati ang subdibisyon ay dati ring bukirin.

Break the CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon