Kusang sumunod ang aking mga labi sa kanya. Ang kaninang kasabikan ay unti-unting nawala, dahil maingat niyang sinapo ang aking mukha at marahan akong ginabayan sa bawat halik.
It almost felt like he was relishing each second of the kiss, making me warm all over. Every move of his lips wasn't forceful, it was thorough—as if exploring every inch of my mouth. My eyes just unknowingly closed on their own, wanting to focus on the sensation of his lips brushing and occassionally sucking mine.
Hindi ko na alam kung maayos pa ba ang aking paghinga, o normal pa ba ang lagay ng aking puso, dahil para itong lalabas na mula sa aking dibdib.
Ganito pala ang pakiramdam ng totoong halik. I am not saying that our first kiss was not real but that was just like a peck, something he did to prove a point. Ngunit ang isang 'to, para akong nilulunod pero wala akong pakialam. I'll gladly drown in his kisses.
Nang magsimulang lumalim ang aking paghinga ay dahan-dahan siyang lumayo. Hindi ko binuksan ang aking mga mata, at patuloy lang na hinabol ang aking hininga. God, this must be a dream.
This is the perfect time for me to wake up.
"Baka panaginip lang 'to," bulong ko sa sarili.
I gasped when I suddenly felt hot breaths on the side of my face, "is this your way of telling me that you dream of me too, Anisha?"
Dali-daling bumukas ang aking mga mata bago wala sa sarili ko siyang tinulak. Ngunit dahil sa panghihina ay wala iyong epekto sa kanya. Patuloy niyang niyakap ang bewang ko, at lalo pa nga itong hinigpitan.
Paulit-ulit akong kumurap, pero hindi pa rin siya naglalaho. Kitang-kita ko ang mapaglarong ekspresyon sa kanyang mukha, parang ilang sandali na lang ay hahagalpak na siya ng tawa.
Bwisit! Sa tuwing kaharap ko siya ay parang nawawala ang pinagmamalaki kong common sense.
"No," buntong-hininga ko sabay takip sa mukha gamit ang magkabilang kamay ko. "No-no-no... this is not right! Anong ginagawa mo rito? Wala ka dapat dito," binaba ko ang aking mga kamay bago siya bigyan ng nag-aakusang tingin.
I'm here to get over him! Paano ko 'yon magagawa kung pati dito'y makikita ko siya? And we're not supposed to be seen together! He's engaged, our families are practically rivals now!
Tumaas ang kanyang kilay at ilang segundo akong pinagmasdan bago siya magkibit-balikat, "I'm here to... see you, and work."
Hindi makapaniwalang bumuka ang aking bibig, at sa wakas ay nakalas na ang mga braso niyang nakakapit sa akin bago humakbang palayo.
"Work? What work? Kaka-graduate mo lang! And see me? You should be in Bulacan with your girlfriend! Goodness, you even kissed me," I groaned before calming myself down. "Let's just forget about that. I'm sorry. Not again... I can't be the third party again."
Tanga! Ang tanga-tanga mo Anisha, alam mong committed na yung tao. God, you should've learned your lesson already.
"Anisha."
"Ano?" 'di ko sadyang pagtataas ng boses pero wala na akong pakialam, naiinis ako sa sarili ko at sa kanya. "Bakit nakatayo ka pa riyan?"
"Come here," masuyong sambit niya sabay bukas muli ng kanyang mga braso.
"Nico, hindi ako nagbibiro."
"Mukha ba akong nagbibiro?"
I frowned, "you have a girlfriend, you're engaged even!"
Sa mga salitang iyon ay biglang dumilim ang kanyang ekspresyon kasabay ng pagbaba ng kanyang mga braso. "The last time I confessed to someone, she didn't let me court her. Hanggang ngayon ay naghahabol pa rin ako sa kanya at hanggang ngayon ayaw pa rin niya akong pagbigyan. But she kissed me, it must mean something, huh?"
BINABASA MO ANG
Break the Code
Romance(CONDE BOYS SERIES #1) We all know about this rule among men called 'Bro Code,' at buong akala ni Ethan Alcala, mapanghahawakan niya ito upang pigilan ang nararamdaman para sa matalik na kaibigan ng kanyang yumaong kapatid. Ngunit hindi sa lahat ng...