Kabanata 15

743 37 17
                                    

Nagkamali ako nang inakalang mag-isa na akong uuwi tuwing hapon dahil abala si Nico sa training niya. Dumating ang Miyerkules at naabutan ko sila Kuya Alon at Kuya Cho na naghihintay sa akin sa gilid ng Ponce.

Nagulat pa ako dahil tila nasabihan na rin silang magco-commute kami at wala silang dalang sasakyan. Dahil sa hiya ay hindi ako naka-imik at binuhos na lang ang iritasyon kay Nico nang makauwi ako.

Agresibo akong nagtipa ng mensahe dahil sa inis.

You: Bakit inabala mo pa sila Kuya Alon na sunduin ako? Nakakahiya! Napilitan pa silang mag-commute! Nico naman...

Pompous Prick: Kailangan pa ring may maghatid sa'yo kahit wala ako d'yan. Wala namang kaso sa kanila ang pagco-commute, hindi naman iba sa amin 'yon.

I have long observed that. Kahit noong una kong nakasama siya sa pagsakay ng jeep, hindi tulad ko ay alam na niya ang ikikilos sa loob ng pampublikong sasakyan. Gaya nga ng sabi ko dati, iba ang mga Conde sa mga kilala kong mararangyang pamilya.

Ngunit hindi pa rin nakalagpas sa akin ang itim na SUV na nakasunod sa amin. Kahit sinusubukan ng mga bodyguards niyang 'di mahalata dahil sa distansya, ramdam ko pa rin ang pagbabantay nila.

You: Still, I don't want to bother them! It must be really inconvenient for them.

Pompous Prick: Then let them drive you for now. 'Pag ako na lang ang kasabay mo saka tayo mamasahe.

Wala na akong nagawa kundi sumang-ayon na muna. I contemplated for a while if I should mention another thing to him, but decided to let it pass.

Paano kung nagkataon lang talagang naroon si Yuan malapit sa building namin kaninang paglabas ko? Hindi dapat ako agad mag-assume.

Kinabukasan, nang makita ko si Kuya Primo na nakasandal sa gilid ng isang 'di pamilyar na sasakyan ay hindi na ako nagtaka. Sa kanya na agad ako dumiretso matapos magpaalam kila Jill at Blue.

Habang papalapit ay hindi nakatakas sa paningin ko ang isa pang pamilyar na pigura 'di kalayuan.

It was Yuan again.

Iniwas ko ang tingin kay Singh nang may lumapit na isa pang babae kay Kuya Primo. May katangkaran ito, hanggang balikat ang buhok na bumagay sa kanyang maliit na mukha, at morena. Sa unang tingin akala mo'y suplada ngunit sa ngiting binigay niya sa akin, nawala ang unang impresyon ko sa kanya. Ito yata 'yong Charmaine na nabanggit ng kambal noon.

"Heto na pala ang mahal na prinsesa," taas-babang kilay na pagbati sa akin ni Kuya Primo.

Pabiro ko lamang siyang inirapan at humarap sa babaeng kasama niya, "hello," bati ko rito.

Natawa ang babae, "ayan kasi, hindi ka tuloy pinansin, gago." Lalong lumaki ang kanyang ngiti, "so you're Ethan! Ang ganda-ganda mo nga pala, beh. Tara na, hatid ka na namin. Call me Ate Charm, okay?"

"Wow! Ikaw magda-drive? Kotse mo?" singit ni Kuya Primo.

Umirap si Ate Charm, "'wag mo nang pansinin 'tong si ungas. Hoy buksan mo na, ang bagal kumilos!"

Nagtaas ng dalawang kamay si Kuya na para bang sumusuko tapos ay pinindot ang key fob na hawak. Si Ate Charm na mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin at pareho kaming sumakay sa back seat. Nang makasakay na rin si Kuya Primo sa driver's seat ay sumilip pa siya sa amin nang nakabusangot ang mukha.

"Ano 'ko? Driver niyo?" reklamo niya na ikinangiti ko.

"Magmaneho ka na nga lang! Dami pang reklamo, akala mo kung sinong gwapo," si Ate Charm.

"Kung makautos, akala mo kung sinong maganda!" Dahil sa sinabi'y mabilis siyang nakatanggap ng hampas sa braso mula sa kaibigan.

Pinanuod ko silang dalawa, siguro'y ngayon lang kasi ako nakakilala ng matalik na magkaibigan na lalaki't babae, kaya tuloy nagiging malisyosa itong isip ko sa kanila. Ngayo'y nakikita ko na kung bakit 'shini-ship' sila nina Madie at Sola, dahil kahit sa'kin ay tila bagay ang dalawa.

Break the CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon