K-Kiss?
"Lasing ka na," iling ko kasabay ng pagtulak ko sa kanyang dibdib.
Tila may kung anong bagay na nakadagan sa puso ko at dahil sa bigat ay hindi ako makahinga nang maayos. Patuloy ko siyang pinagmasdan na nang-aakusa.
Kiss? Anong klaseng hiling 'yan!? Hindi iyon ginagawa ng mga magkaibigan! Bakit ba ganito siyang magsalita? Bigla-bigla na lang.
I haven't even gotten my first kiss yet. Siguro'y para sa kanya wala na lang iyon dahil nagkaroon na siya ng seryosong relasyon at nakasisigurado akong... may karanasan na siya sa gano'ng mga bagay. Pero ako, I've dated, yes, but it was all a childish game.
Tila walang epekto ang ginawa kong pagtulak at 'di man lang siya gumalaw, imbes ay lalo pang lumapit! Kinulong niya ako sa pagitan ng kanyang mga braso at hinawak ang parehong kamay sa railing na aking sinasandalan.
My eyes narrowed as he continued staring at me with a smirk on his lips. "I'm not drunk. 'Di nga ako naka-isang lagok ng alak," natatawa niyang sambit.
Tinaasan ko siya ng kilay, "'yan ang sinasabi ng mga lasing—hindi sila lasing."
Bumuntong-hininga siya at yumuko, para bang pasuko na ngunit bigla-bigla na naman siyang nag-angat ng tingin na halos ikaatras ko. Ramdam na ramdam ko na ang bakal sa aking likod, kahit sa dobleng pang-itaas ko'y tagos pa rin ang lamig nito.
"I'm serious, Anisha," diretso siyang tumingin sa akin.
Namilog ang aking mga mata kasabay ng pagsubok kong magsalita, ngunit walang kahit anong lumabas mula sa aking bibig kundi ang hinihingal ko lamang na hininga. My chest is starting to ache because of my wild-beating heart.
Hindi ko siya maintindihan! Is this a prank then? Inuuto lang ba ako ng isang ito para mapagtawanan? I know we've been closer lately but he had no right to say things like... that! Nakakagulo ng isip! Para akong tumakbo anng ilang milya dahil sa tindi ng nararamdaman!
I should really confront him about this absurdity, right here, right now. Hindi siya dapat nagbibiro ng ganito!
"Hindi magandang biro 'yan, Nico," kunot-noo kong panimula. "Alam kong kumportable na tayo sa isa't isa at matuturing na malapit na magkaibigan pero... yung hahalikan mo ako? That's crossing the line! Matanda ka na, you should know the bounderies of friendship. Kissing is not something friends do! Why are you requesting something like this? Alam mo, kalimutan na natin 'to. Patatawarin kita sa kahibangan mo, let's forget about it."
Patuloy niya akong pinagmasdan nang ilang segundo ngunit unti-unting tumaas ang gilid ng kanyang labi hanggang sa bigla na lang siyang humaglpak ng tawa. I watched him with a deathly glare, sinasabi ko na nga ba't niloloko lang ako ng isang 'to! Lintek!
Humalukipkip ako at iniwas ang tingin sa kanya. This annoying bastard! Bakit ba ang hilig niyang mang-asar? Sa akin lang naman niya ginagawa 'to! With other people, he's one brooding jerk, pero kapag ako na'y lagi na lang may nakahandang pamimilosopo at pang-iinis.
Kaya hindi ako pinaniniwalaan ng ibang tao e, ang tingin lagi sa kanya'y maginoo at misteryoso, kung sana nakikita lang nila ang isang 'to ngayon!
Matapos ang halos isang minuto ay sa wakas, tumigil na siya at tumayo muli nang maayos. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking baba bago marahang hilahin ito upang bumaling muli ako sa kanya. I rolled my eyes once I saw his teasing smirk again.
"You misunderstood, Anisha."
"What?" I frowned.
Mula sa baba ay humaplos paitaas ang kanyang daliri at sa huli'y tinapik ang aking noo, "here."
BINABASA MO ANG
Break the Code
Romance(CONDE BOYS SERIES #1) We all know about this rule among men called 'Bro Code,' at buong akala ni Ethan Alcala, mapanghahawakan niya ito upang pigilan ang nararamdaman para sa matalik na kaibigan ng kanyang yumaong kapatid. Ngunit hindi sa lahat ng...