Hindi tulad kahapon ay naka-uniporme na kaming pumasok sa ikalawang araw. Gaya ng mga estudyante ng Nursing ay naka-all-white din kami. It is compulsory for us to always tie our hair up in a neat bun kaya siguro'y hindi ko muna masusunod ang payo ni Mama na magpagupit, lagi ko rin namang itatali ang aking buhok.
Umupo ako sa pwestong binantayan nila Jill at Blue para sa'kin bago ngitian silang dalawa. "Good morning," bati ko.
"Morning, mars," bati pabalik ni Blue habang inaayos ang ngayong nakahalf-bun na niyang buhok. Mabuti at pinayagan siyang gano'n, kung sabagay balita ko ay LGBTQ-friendly itong Durand—which is actually commending. "Bakit natagalan ka? Nauna pa kami sa'yo, ikaw 'tong umalis ng bahay nang maaga."
"Buti hindi ka na-late," dagdag ni Jillian. Sa sinabi nila'y mabilis na nabura ang ngiti sa labi ko. Ano ba 'yan, pinaalala pa ng mga 'to.
"Na-traffic lang." I know omission of details can be considered lying but still, it's forgivable... I guess?
"Ay wait, saan ka uli nanggagaling? Baka nadaanan mo yung pinag-uusapan sa Forum kaya ka na-traffic," si Blue habang nagsi-scroll sa phone niya.
"Forum?"
"Gaga 'di mo alam? Sabagay, dinadaldal nga pala kita kahapon sa orientation kaya baka 'di mo narinig," binaba niya sa desk iyong phone at nilapit sa akin para makita ko yung pinagkakaabalahan niya simula pa pagdating ko. "Mayroong private forum ang Durand students online, makakapag-login ka lang kung may official student number ka kaya talagang exclusive lang siya. Nasa campus portal ang link no'n. Ang latest chika, meron daw naka-spot kanina kay Nadalia Palmeira sa waiting shed doon sa may Holy Trinity Parish, may kasamang babae tapos umiiyak daw yata."
Saglit na nanlaki ang mga mata ko pero hindi ko masyadong pinahalata. Okay, kalma lang Anisha, wala siyang binanggit na pangalan mo kaya malamang hindi ka nakilala.
Tiningnan ko ang dalawang litrato sa isang thread sa sinasabi nilang Forum, low quality ang mga 'yon at ang tanging kita lamang ay ang likod ko, itim na buhok at puting uniporme. Napaayos ako sa pag-upo at medyo napaubo upang alisin ang nararamdamang kaba. Bakit ba kasi ako kinakabahan? Wala naman akong ginawang masama!
Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Jill.
"Baka hindi niya kilala si Nadalia, sis," sabi nito. "Siya yung tinutukoy namin na nanalo sa Miss World PH pageant na ex ni Code, though runner-up lang pero malaking bagay na rin. Ka-edad 'yon ni Code so halos tatlong taon lang tanda sa atin, sa Maynila nag-aaral pero nag-stop muna para sa 'duties' niya," sunod na paliwanag niya.
Ngayon ay lalo ko nang napagtagpi-tagpi ang mga pangyayari. Wala akong alam pagdating sa pageantry, Miss Universe lang yata ang nakikita ko minsang pinapanuod ni Mama, kaya hindi ko talaga kilala iyong Nadalia.
"Nasa ibang bansa dapat siya ngayon pero ang daming nagulat dahil bigla siyang sumulpot dito sa'tin. Saka pa lang naliwanagan ang lahat nung may nag-post ulit ng pictures," tapos ipinakita muli sa'kin ni Blue ang isang panibagong thread.
May dalawang photos ulit, ngayo'y mas klaro na ngunit mabuti na lang ay natatakpan ako nung isang poste ng waiting shed. 'Di gaya kanina ay may kasama na kaming lalaki sa sa litrato—sino pa nga ba?
"Ang daming nagsasabi ngayon na pinuntahan daw ni Nadalia si Code para makipagbalikan, tapos mukhang kilala raw ni daddy ko yung isa pang babae nilang kasama kaya malamang si Madie raw 'yon," dagdag ni Blue.
Napataas ako ng kilay, they're thinking it was Madie? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o makokonsensya, nadamay pa tuloy ang nananahimik na Madeleine. Pero kung sabagay, magka-height kami ni Mads at hindi nalalayo ang pangangatawan niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Break the Code
Romance(CONDE BOYS SERIES #1) We all know about this rule among men called 'Bro Code,' at buong akala ni Ethan Alcala, mapanghahawakan niya ito upang pigilan ang nararamdaman para sa matalik na kaibigan ng kanyang yumaong kapatid. Ngunit hindi sa lahat ng...