Kabanata 10

715 35 5
                                    

Hindi na nagtanong pa si Nico nang pinili kong umupo sa backseat at sumunod din siya nang hilingin kong i-on ang radyo.

Napuno ng boses ng isang commentator ang buong sasakyan dahil hindi na niya pa iniba ang istasyon, at nanatili ito sa real-time commentary ng isang NBA game. Tahimik lang siyang nagmaneho habang sinadya kong umupo mismo sa likod ng driver's seat upang hindi n'ya ako gaanong makita.

I have long given up trying to stop my tears and they are now freely staining my cheeks. Ang pinipigilan ko na lamang ay ang mga hikbi ko, ngunit alam kong wala naman itong epekto dahil naririnig niya pa rin ang aking malalim na paghinga at pagtikhim.

The sounds coming from the radio comforted me, kahit papa'no'y naloloko ko ang sarili kong baka doon nakatuon ang atensyon niya at hindi sa akin.

I even wished he had forgotten that I am in fact, sitting on the back seat of his car.

Bakit ba kasi gano'n? Bakit hindi na lang makalimot nang matapos na agad? Kinalimutan ko na nga pero sila naman 'tong pilit nagpapaalala. Bakit 'pag sinabi kong kalimutan na, ako pa rin ang nagiging masama sa huli? Don't we all want that? To forget? To leave the past behind? That's what I've been doing! Bakit mali pa rin?

They've emotionally and mentally tortured me already for liking the wrong person. Akala ko hanggang do'n na lang, pero heto, hindi pa pala tapos. Ang tanga-tanga kasi, Anisha. Sobrang tanga mo, puta.

Where were your morales? What? Just because you've felt it for the first time? Just because someone actually understood you and treated you well? Just because you were thrilled by something forbidden... pumayag kang maging third party?

Nakakahiya.

Kahit nauna si Olivia na manloko, sana ay hindi ka pa rin pumatol! Ano naman kung nagkakalabuan na sila no'n? Sila pa rin! Kabit ka pa rin!

Pero sobra nang nakakapagod 'to. It's been a year and just imagine how many times I've tortured myself of these thoughts. Nakakapagod nang makonsensya dahil paulit-ulit na lang. Dadalhin ko na yata 'to hanggang kamatayan ko.

Is this karma? Right, it is. This mental torture is my karma.

Hindi ko alam kung kailan tumigil sa pag-andar ang sasakyan, ngunit bigla na lang bumukas ang pinto sa tabi ko at nang bumaling ako roon ay nakatayo na sa harap ko si Nico.

Napatitig ako sa kanya nang ilang saglit, habang siya rin ay nakatingin lamang pabalik sa akin. I felt another wave of tears rolling down my cheeks as I looked up to him.

Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na pinigilan pa ang aking paghikbi habang siya'y hinila ako muli sa kanyang yakap. Nanatili akong nakaupo at siya'y nakatayo sa labas ng sasakyan, magkalihis ang aming mga hita at ka-lebel ng aking ulo ang kanyang dibdib. Sa pagsandal ko rito ay agad kong narinig ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

"Sa buong buhay ko, I did everything to give my mom a comfortable life," I found myself opening up. "Hindi ko siya sinuway, dinisiplina ko ang sarili ko, hindi ako naghangad ng kahit na ano na hindi ko naman kailangan. I've been an obedient daughter to my mother, the ever-proper eldest grand daughter of Timotheo Delgado, a considerate friend, a hardworking student... I became the ideal. But I made one—only one fucking mistake—and the next second, I became a bad person."

Marahan akong tumawa at bahagyang lumayo upang makatingala sa kanya, "naging masama ako bigla. Isn't it a bit unfair?"

"When did life ever become fair?" sambit niya.

Napangiti ako, "right... you're right." Pinalis ko ang aking mga luha at huminga nang malalim, "I'm sorry, hindi mo na dapat nakita pa 'to." Unti-unti kong kinalma ang sarili ko at sa wakas ay tuluyan ko nang nagawa iyon. Buti naman at naubos na, ayoko nang makita pa ako ni Nico na ganito.

Break the CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon