Finals week eventually came and I could almost feel the tension in the air. Tila lahat ay sasabak sa giyera at sa kahit saang sulok ng unibersidad ay may makikitang mga nakadukdok sa libro o kwaderno at nag-aaral.
Big deal ito lalo na sa aming mga freshmen dahil ito ang unang pagkakataong mararanasan namin ang katakot-takot na final exams sa kolehiyo.
Kahit pakiramdam ko'y maayos naman ang naging takbo ng aking unang semester—matataas naman ang grado ko sa mga pagsusulit at midterm exams—pero ang laking bagay pa rin nitong finals dahil halos twenty-five percent ng grades ay dito manggagaling.
Kahit tuloy tinanong ako ni Mama kanina kung anong gusto kong gawin sa nalalapit kong kaarawan ay wala akong naisagot at sinabi na lang na after ng finals week ako magde-decide.
Nakaupo kami sa isang concrete bench nila Jill at Blue nang may lumapit sa amin. Awtomatiko kaming napatingala mula sa aming mga reviewers at naabutan si Ashley na nakangiti.
"Uy hello!" bati ko nang nakangiti sabay mabilis na yakap sa kanya. Kumaway din siya sa dalawa kong kasama na nginitian siya pabalik.
"Buti nakita ko kayo rito," sambit niya bago may kunin sa kanyang bag. Mga sobre iyon na kulay dark red at isa-isa kaming inabutan, "debut ko next week, sana makapunta kayo. Hindi naman siya grand celebration na parang kay Madie, luncheon lang sa bahay."
Oh! December din ang birthday niya?
"Sure! Salamat sa pag-imbita ha," ngiti ni Jillian.
"Punta kayo ha? Lalo na ikaw Ethan, isama mo si Tita," baling niya sa akin.
"Sige, I'll tell her."
Ashley nodded, "okay! Sige, nagre-review yata kayo, malapit na rin next class ko so mauna na 'ko."
Isa-isa kaming nagpaalam sa kanya hanggang sa naiwan na nga muli kaming tatlo.
"Pareho kayo ng birthmonth sis," komento ni Blue sabay lagay ng invitation sa loob ng kanyang bag.
"Hmm..." I drawled, turning back on my notes.
But my mind failed to focus for it was filled with other thoughts.
December at eighteenth, hindi kaya...? Agad na nanlaki ang aking mga mata, ngunit pilit ko rin pinakalma ang aking sarili bago sumulyap sa mga kaibigan. Nang makitang wala sa akin ang kanilang atensyon ay muli kong inisip ang hinala.
Siya ba? Siya ba ang babaeng hinihintay ni Nico? Hindi imposible 'yon, matagal na rin niyang kakilala si Ashley at malapit pa sa kanyang pamilya. Ang laki rin ng nabigay niyang tulong sa mga Terrencio. I remember Ash talking about his shares in their company, how Nico saved it from bankrupcy.
Gano'n na lang kalaki ang naging kontribusyon niya sa kanilang kumpanya, he cared greatly for them. Hindi na rin ako nagtataka, maganda si Ashley; mahinhin at magandang manamit, bagay na bagay sa kanya, pareho silang stylish.
"Ethan?"
Agad akong napatingala, medyo wala pa sa sarili, "ha?"
"Ayos ka lang ba? Rinig na rinig ko yung hingal mo," Jill worriedly asked.
That's when I realized everything—ang lalim ng aking paghinga at ang bilis ng tibok ng aking puso, medyo sumasakit na rin ang aking dibdib dahil dito. Kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka, what is this all about? Para saan ang sakit na 'to?
Don't tell me... no, no way!
"Ayos lang, medyo nahihirapan lang akong intindihin 'tong binabasa ko," pagsisinungaling ko.
Nagkatinginan ang dalawa hanggang sa tinanggap na lamang nila ang palusot kong iyon at bumalik sa pagbabasa. Iniyukom ko ang aking kamay at marahang pumikit, what the hell, Anisha?
BINABASA MO ANG
Break the Code
Romance(CONDE BOYS SERIES #1) We all know about this rule among men called 'Bro Code,' at buong akala ni Ethan Alcala, mapanghahawakan niya ito upang pigilan ang nararamdaman para sa matalik na kaibigan ng kanyang yumaong kapatid. Ngunit hindi sa lahat ng...