Kabanata 05

806 41 25
                                    

Hindi ko siya sinagot.

His message, hindi ko sinagot tapos in-unfriend ko siya ulit. Naisip ko, baka mapagtagpi-tagpi ng fans niya ang mga nangyayari at madamay pa ako, dapat wala akong kahit anong koneksyon sa kanya.

Hindi na ako pwede pang madawit sa 'messy breakup' nila o kung anuman 'yon lalo na't ayoko ng pakiramdam na ganoon, parang may pinagtataguan... at kahit hindi naman, parang ako pa ang mali, ewan.

Lumipas ang mga sumunod na araw at hindi na kami muling nagkita muna ni Madie, dahil naging mas abala siya sa paghahanda sa kanyang debut. Naging malapit ako kila Jill at Blue, at 'di tulad dati'y may nakakausap na rin kami sa mga blockmates namin, lalo na iyong co-officers ng dalawa.

Inalok ko silang sumama sa akin sa party ni Mads pero agad nila itong tinanggihan—kahit si Blue, surprisingly—nakakahiya raw kasi dahil exclusive celebration 'yon. Saka na lang daw sila sasama kapag hangout lang o kakain sa labas.

Hindi rin nagtagal iyong usapan tungkol sa nangyari kila Nico, Nadalia at 'White Girl'—aka me, muntik pang maging white lady. Buti na lang at may panibago na silang trending topic, pero hindi pa rin nalalayo sa mga Conde, this time it's Kuya Primo.

He was apparently spotted in a newly-opened dessert shop with a girl. Noong nakita iyon nila Jill at Blue ay hindi na sila nagtaka, normal na raw iyon. Bago pa lumipad ang isip ko kung saan, agad na silang nagpaliwanag sa akin—sobrang friendly lang daw talaga ni Kuya Primo kaya ganyan.

Itong mga malisyosa naman, hindi na raw nasanay, lahat ng napapalapit na babae kay Kuya ay iniisip nang may namamagitan sa kanila. Nakailang ganyan na raw na balita, hindi lang kay Kuya Primo, kahit sa iba ring Conde dahil lahat sila'y wala namang girlfriend sa kasalukuyan, pero kahit kailan ay hindi napatunayan.

Dumating ang Sabado at habang namimili ng isusuot ay biglang nag-ring ang phone ko, kaya kinuha ko ito sa vanity table. The name Callahan Delgado greeted my sight.

"Kuya," maikli kong bati, inaasahan na ang dahilan ng kanyang pagtawag.

"One week, Ethan," malamig niyang sabi. "It took you one week to forget about what I said, nasaan iyong 'they're strangers to me, Kuya' na sinasabi mo?" Nagawa pa niyang paliitin ang kanyang boses para magaya ako.

As if I really sounded like that.

"Hindi ko kasalanan, Kuya," pilit ko kasabay ng pagkuha sa isang dress mula sa clothing rack. "They are strangers to me but not I to them, hindi ko rin inasahan na makikilala nila ako. Anong gusto mong gawin ko? Hindi sila pansinin? That's rude. Kahit nga si Mama nakakausap na rin sila Tita Connie at Tita Mira."

Sandaling natahimik ang kabilang linya kaya pinatong ko muna ang phone ko sa kama at ni-loudspeaker ito, bago magsimulang magbihis.

"Then don't talk to them again after this event," seryosong sabi niya. Natigilan ako at tumingin nang masama sa phone ko, imagining it was him. Ano bang problema ng isang 'to?

"Para kang timang."

"I'm serious, Ethan!"

"Then I am, too. Ano bang problema mo sa kanila? May nakaaway ka ba or what? Sabihin mo na nang iyon na lang ang lalayuan ko."

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nagustuhan naman ang nakita. Buti na lang at naturuan ako ni Keziah na mag-ayos dati at may konting alam naman ako sa pagme-makeup. Naka-high ponytail ang aking buhok habang isang navy blue, boat-necked, midi dress naman ang aking suot.

Break the CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon