Kabanata 26

649 37 13
                                    

Buong byahe ay pareho kaming tensyonado ni Kuya Cal, none of us even dared to say anything. Nabanggit lamang niya sa akin na siya'y nasa Pampanga nang ibalita ni Tito Romualdo na inatake sa puso si Gran. Si Mama naman ay nauna na roon.

Kila Jill at Blue ko lamang nagawang makapagpaalam. I trust them to talk to Ashley for me, siguro'y magtetext na lang rin ako.

My grandfather has been very stubborn when it comes to his diet. Kahit may diabetes na, ayun pa rin at hindi namin makontrol ang pagkain ng mga bawal sa kanya, kaya madalas ay tumataas ang cholesterol. I'm sure that has to do with his current condition, ang pinagdarasal ko lang ay hindi pa huli ang lahat.

When we arrived at the hospital, saktong nag-text na rin si Tita Tanya na stable na raw si Gran at nasa loob na sila ngayon ng private room na pinaglipatan nito. Sa pagkakataong iyon ay nakahinga na kami nang maluwag.

"Kuya! Ethan!" rinig naming pagtawag ng isang pamilyar na boses habang hinihintay naming magbukas ang elevator. Agad kaming bumaling sa direksyon ng boses at naabutan si Keziah na papalapit na sa amin.

"Kizh, galing ka na sa taas?" tanong ni Kuya Cal matapos mayakap ang kapatid. Pati ako'y yumakap at bumeso na rin sa kanya.

Tumango ito, "I'm going home to get some clothes and necessities for Gran, susunduin ko na rin si Manay."

"Kaya mo na ba? Gusto mong samahan na kita?" alok ko.

"No need Nish, hinihintay ka ni Tita Pillar sa taas. You too Kuya, Dad and Mom's waiting. Kaya ko na, kasama ko naman si Kuya Bert."

The elevator doors slid open and we decided to just let her be. Nang makapasok kami sa loob ay naramdaman ko agad ang pag-akbay ni Kuya sa akin. I know he was worried-sick too at ngayong nalaman naming maayos na ang lahat, tila nawala na rin ang bigat na nakapatong sa aming mga balikat.

Hinayaan ko siyang maunang maglakad at hanapin ang room number ni Gran. Naabutan naming medyo nakabukas ang pinto ng silid at bago pa maitulak ito ni Kuya, ay mabilis ko siyang pinigilan.

"He's been stressed out about the case as well," boses iyon ni Tito Romy.

"Kuya, we've talked about this! Hindi na tayo mangingialam pa roon, at bakit hindi niyo man lang pinaalam sa akin na may pumupuntang tauhan ng mga Alvidrez sa bahay para mag-imbestiga? I should have been informed about this!" galit na sambit ni Mama. Halatang pinipigilan ang pagtaas ng kanyang boses.

"And what after, Pillar? Once you get involved in the case again, they will take advantage of you and probably use your history with the Singhs and the Alvidrezes! What about Anisha? Huwag na natin siyang idamay pa rito."

"What about you and your family, Kuya? What about Papa? Tingnan mo ang nangyari sa kanya ngayon. Kahit sabihin niyo man sa akin nang paulit-ulit na hindi ko dapat sisihin ang sarili ko sa nangyari, we all know that I should take the blame as well."

"We're going to be fine, Pillar," si Tita Tanya.

"No! Ate naman, ayoko na ng ganito. They are investigating our family, making it look like we're behind that tragedy years ago. My husband and my son died that day, how could they suspect us? Hindi ko na kaya ang pambabastos nila sa pamilya natin! We have to get involved."

Saglit na hindi nakasagot ang mag-asawa hanggang sa pumailanlang muli ang boses ni Tito; "anong balak mo? We're gonna side with the Condes? But they're siding with the Alvidrezes! Hindi ko nga alam kung bakit malapit ka pa rin sa mga iyon, Pillar, they're trying so hard to act neutral pero hindi naman gano'n ang nangyayari!"

Kumunot ang aking noo at ako na mismo ang tumulak sa pinto na bahagyang ikinagulat ni Kuya Cal. Agad na napabaling sa amin ang tatlo.

Si Tita ay nakaupo sa isang monoblock chair katabi ng kama ni Gran habang si Tito ay nakasandal malapit sa built-in kitchen counter sa gilid ng silid. Si Mama naman ay nasa may paanan ng kama at nakatayo. Hula ko'y kanina pa siya nagpapabalik-balik ng lakad sa espasyong iyon. It was her mannerism when she's stressed out.

Break the CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon