*PROLOGUE*
Along the vast abyss beyond the unfathomable corners of the universe, there exist an iridescent galaxy bearing a whole new planet named "Ethernum".
The abode of not-so-ordinary beings, magical creatures, and enchanted souls.
An idiosyncratic planet consisting of five different divisions with such enormous cities and towns.
Beneath the planet, there are living entities fighting for tranquility of life, but on the other side, one ambitious soul will cross the line of arrays for rapacity of power... A greedy mortal who desires for omnipotence...
Envious.
Deception.
Murderous.
Immorality.
Vengeance.
Maniacal.
Are all root of evil...
Don't let the venom creep into your veins, the slumbering monster may wake up.
It'll bring a peril,
It'll ignite a battle,
A war that will destroy the whole world you're in.
~~~~~~~~~~~~~
NOONG NAKARAANG TATLONG DEKADA....
Tahimik ang gabi sa Tribo ng Ollopa, maayos na natutulog ang mga mamamayan sa loob ng kani-kanilang mga tahanan nang may marinig silang ingay galing sa labas.
Isang binatilyo ang sumisigaw at pinagsisira ang anumang madaanang mga kagamitan nila, marahas na pinagtatadyakan ang mga taong umaawat at sapilitang pinapabangon ang mga natutulog...
Marami siyang mga alipores na kasama, paraan niya para takutin ang mga mamamayan ng Tribo Ollopa na mistulang hindi naman nasisindak sa mga ginagawa niya, sapagkat hindi na ito bago sa kanila.
Anak siya ng makapangyarihang opisyal ng Sentro kaya't kahit sa edad na labing-lima ay malakas ang loob niyang abalahin at bastusin ang kagalang-galang na Tribo.
Ang Tribo ng Ollopa ay nasa gitna ng matataas na kabundukan at napalilibutan ng kakahuyang singtanda ng pamayanang ito.
Ang binatilyong ito ang kauna-unahang nilalang na lumapastangan sa kapayapaan ng Tribo.
At ang kaniyang nais?
Isang bagay na maituturing na walang saysay.
Nais niyang mas dumami ang mga taga-sunod niya nang sa gayon ay kilalanin siya ng lahat bilang dakilang pinuno.
Nais niyang kumuha ng mga tauhan sa Tribo ng Ollopa upang gawin silang alipin na magtratrabaho para sa kaniya sa lungsod
Isa siyang ganid at marahas na lalaki na kayang gawin ang lahat para sa ikalulugod niya, minsan niya na ring nasabi na sasakupin niya ang buong mundo at gagawin itong pagmamay-ari niya.
Makapangyarihan siya sa lahat ng aspeto, sa uri ng pamilyang kinagisnan at sa kapangyarihang dumadaloy sa kaniyang sistema... Isa siyang "pure-sealed" ang katawagan sa mga nilalang na may mga nakakakilabot ngunit kagila-gilalas na kakayahan sa planetang ito.
...at kapag sinabi niya tiyak na gagawin niya...
"Damputin ang mga iyan" bulyaw niya sa kaniyang mga kasama na nanginginig rin sa takot sa kaniya at sa mga mortal ng Tribo.
BINABASA MO ANG
Perils Of Sealed Battlefield: A Transcendent Adventure [On-Going]
FantasyThis is a tale of heroes and heroines fated together to fight the wicked twist of their world's future. A serial-killer huntress, a smart but lonely heiress, a rebellious city chick who thinks she's the prettiest and an ingenious thief whose talent...