[Veinease Eastern Region]
Twilla Miles Evergreen's POV
Napangiti ako nang malawak nang masilayan ang unti-unting pag-angat ng araw mula sa asul na mga bundok.
Umaliwalas ang paligid at nasinagan ang tuktok ng mga matatayog na kakahuyan ng Elar.
Kuminang ang mga luntiang dahon at damuhan at tumingkad sa sikat ng araw. Banayad ang simoy ng hangin na napakapresko sa balat.
Maaga akong nagtungo rito para lang panoorin nang paulit-ulit ang pagsikat ng haring araw at ang magandang tanawin ng kalikasan.
Pakiramdam ko nginingitian ako ng mga makukulay na mga bulaklak sa paligid. Napapikit ako nang marinig ang mga huni ng ibon sa katabing puno kung nasaan ako,
Kasalukuyan akong nakatuntong sa matibay na sanga ng pinakamatangkad na puno sa gubat na ito. Tinatawag ko itong Seqiee.
Ito ang pinakamatanda sa lahat ng Sequoia Trees na narito at mula sa pinakatuktok na sanga, ang pwesto ko, tanaw ko ang kabuuan ng Veinease Eastern Region.
Ang tahimik ng mga villages sa ibaba, mga valleys, ravines, hilly zones at farmlands.
This is my place, my nook...
The serenest kingdom among the five Regions...Minsan nagpapantasya ako na ako ang reyna ng lugar na ito, ang tagapangalaga ng buong kagubatan, at tinitinghala at hinahangaan ako ng mga nasasakupan ko, pero palaging binubulabog ng mapanghimasok na ibon ang mga pantasya ko.
"Hindi ka maaaring maging Reyna ng Veinease Region" wika ng itim na ibong kasama ko mula pa noong bata pa lang ako.
Sinamaan ko siya ng tingin sabay taas ng sulok ng labi ko.
"Bakit hindi? Mabuti at mahusay na pinuno naman ako ah" sumbat ko sa kanya.
Dumapo siya sa maliit na sanga sa harap ko at bahagyang umiling.
"Kahit pa mabuti ang puso mo, ang katotohanang isa ka lamang Mute ang malaking balakid sa mga pangarap mo" saad niya.
"Kainis ka naman tandang Waku, lagi mo nalang pinapaalala sa akin na Mute lang ako... hay, pambihira!" reklamo ko sa kanya sabay halukipkip.
Tinuka niya ang tungki ng ilong ko kaya napaigtad ako.
"Aray! Anak ng uwak---"
"Lagi kong sinasabi kung ano ka, dahil masyadong mapusok 'yang puso mo, agad sumusugod ng walang sandata, mabilis maawa ngunit wala namang awa kapag napopoot. Hoy Twilla, wala kang Seal katulad ng iba sa mundong ito, kaya kahit pa gaano ka kagaling sa mga bagay-bagay, sa paningin ng nakararami, walang espesyal sayo, at isa pa, hindi pa ako matanda! Mas bata ka lang talaga!" Bulyaw niya pa.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Tama si Waku, walang espesyal sa akin dahil Mute lang ako. Pero madaling mag-apoy ang paningin ko sa tuwing nakakasaksi ako ng pang-aabuso at pang-aapi lalo na sa mga mahihina at sa mga tulad kong Mute.
Madalas na gawain ng mga Pure sealed o yaong mga may taglay na espesyal na kakayahan ang mga pang- aalipusta sa mga tulad namin. Ayaw ko talaga sa mga katulad nila!
May mga pure-sealed talaga na mahilig manggamit at mag-manipula ng kapwa mortal, mapa-mute man o kahit ka-uri nilang pure-sealed na mas mahina sa kanila.
Talamak daw ang ganoong mga pangyayari sa ibang rehiyon, lalo na sa Dominial Region, ang pinakasentro kung saan naninirahan ang mga alagad ng batas at mga pinuno 'kuno' ng Ethernum.
BINABASA MO ANG
Perils Of Sealed Battlefield: A Transcendent Adventure [On-Going]
FantasíaThis is a tale of heroes and heroines fated together to fight the wicked twist of their world's future. A serial-killer huntress, a smart but lonely heiress, a rebellious city chick who thinks she's the prettiest and an ingenious thief whose talent...