Chapter 10: The Escape Plan

112 13 3
                                    

Twilla Miles Evergreen's POV

"So you started that terrible food fight?" Tanong ng lalaking nakasuot ng puting coat kay Drishti habang nakahawak sa baba.

Isa siyang siyentipiko na may katangkaran, matalim na panga at matangos na ilong.

Jensen Gray ang pangalan. Nakita ko sa suot niyang ID. Nagtratrabaho siya sa institution na ito.

Isa siya sa mga siyentipiko na mage-eksperimento sa amin. Isa siya sa mga tauhan ng Aseal Institute.

Sa tingin ko ay nasa bente pataas ang edad at kahit pa matalim ang tingin niya sa amin, hindi maikakailang maganda ang mga mata niya.

Overall he's attractive.

Pambihira ka Twilla.... Ngayon lang talaga ako nakakita ng mga gwapong lalaki. Puro puno lang nakikita ko sa Town namin noon hehe.

Pero yung boses niya, parang narinig ko na yun kung saan....

"Ang tanong ko ang sagutin mo! May kasama ka ba?!"

Napatagilid ang ulo ko habang tinititigan si Jensen Gray na nasa harap namin.

Kaboses niya ang lalaking may asul na baril sa Elar Forest. Yung mga nakasagupa ko.

Pero hindi naman siya mukhang kriminal. Napaka-sopistikado ng awra niya para maging kriminal. Marahil nagkamali lang ako ng hinala... Wala akong iba pang basehan bukod sa boses niya.

Hindi ko naman nakita ang mukha ng lalaking may asul na baril na binalak patayin si Reo dahil may suot silang maskara.

Woah! Teka, teka! parang may maliit na koneksyon...

Scientist si Reo, Scientist rin si Jensen Gray at yung mga pinatay sa Elar Forest ay mga professors nila Reo na kapwa mga siyentipiko rin....

Hindi ko maipaliwanag pero parang----hay pambihira! Haka-haka ko lang 'to.

Hindi si Jensen Gray yun.

Pero hindi naman malayong maging posible iyon...

Ang kailangan lang ay motibo, ano ang motibo nila sa pagpatay?

Napaiwas ako ng tingin ng magawi sa direksyon ko ang mata ni Jensen Gray.

Narito kaming lima sa loob ng silid kaharap ang lima pang babae na nakabatuhan namin ng mga ulam kanina.

"Yes I am. You'll punish me? Keep in mind scientist, your operation is illegal. Literally speaking, you kidnapped us and put us in this damn place with these Ill-mannered Mutes..... Does our family know you're going to transform us into a stupid Half-sealed?!" Bwelta ni Drishti na pati ako nasisindak sa tapang niya.

Sige sumbatan mo sila Drishti...

Tahimik lang kaming tatlo nila Velvet at Blyanna samantalang si Fayre nakikipagpaligsahan ng titig sa mga kuhol na kaharap,

Inayos ng lalaki ang salamin... Naalala ko sakanya si Reo.

He strolled across the room. He stopped in front of Drishti and bent his back and levels his face to Drishti's.

Drishti remained unwavered.

"It's not kidnapping Ms. Schwanger, we had your family's permission. Except for these criminals and vagabonds." He said huskily and gestures on us.

Napatikhim si Blyanna at tumingin sa akin. Nanatiling magkasalubong ang titig nilang dalawa. Paano nakakatagal sa titig niya si Drishti?

Nakakabilib din ang Drishti, matibay.

Perils Of Sealed Battlefield: A Transcendent Adventure [On-Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon