Blyanna Ailith Salvedo's POV
Andito na naman kami sa harapan ng gusali kung saan ipinaranas sa akin ang matinding paghihirap lalo na ang sakit ng katawan, mga lintik na mga nerd yan!
Nanggigigil ako talaga sa mga taong 'yon.
Pinag-eksperimentuhan ba naman ang katawan ko, kung anu-ano pa ang ipinasak na karayom, ginawa ba naman akong guinea pig. Tsk!
Isaksak ko kaya sa lalamunan nila ang mga matutulis at mahahabang injeksyon na 'yon, tingnan natin kung hindi sila mangisay sa sakit! Peste!
Buti na nga lang at nakatakas kami dati at nakayanan ng katawan namin ang seal na inilagay sa kaibuturan ng mga sistema namin kundi natodas na ako ngayon... Salamat talaga kay bansot, hindi ko nga inakala na siya ang magiging daan para makatakas kami rito dati. Sa liit ba naman niya, eh nakaya niya pang kalabanin at harapin mag-isa yung mga nayts? Mas napabilib rin ako sa kaniya noong nagpaiwan daw siya upang magawa naming makatakas sa impyernong lugar na ito.
Hindi ko na rin kasi alam ang mga naging sumunod na kaganapan noong mga oras na iyon dahil nga knocked-out ako, hindi kasi kinaya ng katawan ko ang pagod buhat sa paggamit ng seal na inilagay sa akin, Ikinuwento lang nina tropa sa akin sa byahe kanina ang mga bagay na iyon, hays. Pakiramdam ko tuloy naging pabigat ako nung mga oras na yun. Kaasar.
Salamat rin kay Leo...este Neon sa pagliligtas niya sa amin, sa totoo lang hindi pa rin ako naniniwala na isa daw ako sa magiging tagapagligtas 'kuno' ng mundong ito, HAHAHA nagpapatawa ba sila? Eh kasi isang dakilang magnanakaw magiging tagapagligtas? Gusto kong maglupasay at tumawa, pero mukhang totoo rin kasi. May patraining-training pa silang nalalaman, tapos may magical world pa na Ollopa Tribe raw.
Hindi kapani-paniwala diba? Kaya ayun, kahit may kaunting pagdududa, ay sumama pa rin ako sa pagsasanay, eh paano ba naman? Hindi naman ako makasibat sa mala-palasyong lugar na iyon, dahil nga may nakaharang na malaking barrier na pumigil sa akin para makasibat. Gaya rin ito ng taglay kong seal, isang malaking pwersa na pumoprotekta sa sakop nitong teritoryo.
At kahit may ibinigay na kwintas sa amin si tanda---si Mr. Ambrose na susi raw sa paglabas-pasok namin sa Ollopa, may kung ano pa ring konsensya na nagdidikta sa akin na hindi dapat ako sumibat. Sinubukan kong labanan nung isang gabi kaso nahirapan lang ako, lagi akong kinokonsensya nito... Yun din ang nagbulong sa akin na iligtas sina Drishti at Fayre nung gabing muntik na silang mahulog sa bangin...
Hindi ko man aminin, ngunit nawawala na nang pakunti-konti ang pagdududa ko at nagsisimula na akong maniwala. Marami nang nangyari na nagpatunay na totoong may pagkakawasak na mangyayari sa hinaharap.
Ayos din ang pagkakataon eh, makasama ko pa naman sa adventure Time na ito ang dalawang babaeng ninakawan ko? Dabest diba?
At bonus pa na makakasama ko rin ang isang loding kriminal na gaya ko upang iligtas ang mundo at ang prinsipe ng magical tribo na si Neon, tapos may hahanapin pa kaming apat na tinakda. Wow!
Di nga ako nakapag-aral tapos may reunion?
Hays! Paano na ito, alam kong hinahanap na ako ni Mamamiyah, pero paano ko siya hahanapin eh nasabit ako bilang tagapagligtas 'kuno'? Ang baduy naman pakinggan, Ewan.
Ilang araw narin kaming di nagkikita mas lalo lang akong nag-aalala. Pagkatapos nitong misyon dito sa Aseal hahanapin ko na talaga si Mamamiyah.
Peste talaga si Archer----kung si Archer man yun na tatay ni sirenang bakulaw, siya ang dahilan kung bakit napunta ako sa sitwasyong ito, pero kasalanan ko rin naman, kung hindi sana ako sumunod sa kaniya at kung hindi ako naki-osyoso, edi hindi sana ako mapapasama sa Project Sealveyance na yan, tsk!
BINABASA MO ANG
Perils Of Sealed Battlefield: A Transcendent Adventure [On-Going]
FantasyThis is a tale of heroes and heroines fated together to fight the wicked twist of their world's future. A serial-killer huntress, a smart but lonely heiress, a rebellious city chick who thinks she's the prettiest and an ingenious thief whose talent...