Chapter 14: The Wicked Formula

98 3 3
                                    


Reo Rylant Skywalker's POV

"Reo, nandito na si Ebony." Teal said in a placid voice that breaks the silence of my room and the loudness of my thoughts.

Nag-angat ako ng tingin kay Teal at tumango. I followed her to the drawing room.

Bagsak ang balikat naming dalawa at parang mga zombies na kung gumalaw. Walang tulog, walang maayos na kain.

I stared at Teal's clothes. Di pa yata siya nagbibihis. She's still wearing the yellow annoying pajamas of yesterday. Baka hindi pa rin siya naliligo katulad ng kambal niya. Right now, we are devastated to the point that we can't tend ourselves.

She's been waiting for her twin brother, Ebony, since morning and I guess she didn't ate breakfast too. It's already noon. Ako rin, walang ganang kumain.

Si Ebony ang isa sa mga kasamahan kong Scientist ng Research Laboratory namin, siya ang Lab Technician while Teal, na siyang kakambal niyang babae ay isang chemists. They're fraternal twins and both my childhood bestfriends as we grew up together in this Laboratory.

Galing si Ebony sa Aseal Institute para kumalap ng clues because until now we're still bewildered about our Professors' kidnapping and murder case. Gulat, lungkot, pagkalito at galit ang nananatili sa sistema naming tatlo na mga apprentice nila sa Laboratoryong ito na tahanan para sa amin.

Days ago natagpuan naming patay ang tatlong ama namin sa batis ng Elar Forest sa Veinease. Isa yun sa pinakamasakit na pangyayari sa buong buhay ko. Bago namin sila mahanap, nakatanggap muna kami ng breach sa communication system sa sinasakyan nilang van, kaya nalaman namin na nasa peligro sila.

Namatay ang mga tracking devices at hindi namin sila matawagan.

Akala namin maaabutan namin silang buhay, pagkatapos ng ilang oras na pag-trace ng location nila, huli na pala kami.

On their way to Aseal Institute, they're abducted by what the authorities' know as 'Assassins' or maybe 'terrorist'. Naiwan ang sasakyan nila sa gitna ng kalsada na napapalibutan ng kakahuyan. There are no witnesses on that scene.

I know, pinalabas lang na terrorista o assassins ang may sala. May nag-utos sa kanila. May rason kung bakit sila pinatay. The answers are inside Aseal Institute.

Aseal Institute is the most evil institution to ever exist.

They test living people and animals, torturing their physical bodies for the sake of advance knowledge and fate-changing discoveries. The owner of that cruel institution is the pretentious Mr. Alaric Amherst, the Vice President of Planet Ethernum. His personality is inscrutable and obnoxious.

The contributors and executives of that Institute were as mysterious as him. It's hard to read their intentions, which obviously pure evil like them. But I'm trained to decipher daedal stuffs. May hinala ako na ang Aseal Institute ay may involvement sa pagkamatay ng mga professors ng Laboratory namin.

After their sudden deaths, our Laboratory became barren, tanging kaming tatlo nalang ang natira dito. Halos lahat ng staffs at mga kapwa namin analysts ay umalis dahil sa takot na baka sila ang isunod na patayin. Ang dating abala at maaliwalas na Laboratoryo ay naging tahimik at madilim.

Nakasara ang mga bintana, nakalock ang mga pintuan. Parang abandonadong gusali na may tatlong naninirahang multo. Kami na yun, syempre. Malaking kawalan sa amin sina Professor Dean, ang founder ng Laboratory namin gayundin sina Professor Sid at Emanuel na nagsisilbing utak ng mga pananaliksik namin.

Wala na sila, gumuho na lahat ng mga sinimulan namin. Naging directionless ang mga bagay bagay. We're in despair. We don't know what to do anymore.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perils Of Sealed Battlefield: A Transcendent Adventure [On-Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon