Chapter 6: The City and The Thief

100 19 6
                                    

Blyanna Ailith Salvedo's POV

Putragis! Gaano ba kalayo ang lintik na Region na yun, na hanggang ngayon ay hindi ko pa nararating?!

Ilang oras na akong nagmamaneho ngunit puro mga patay na puno at lubak-lubak at mala-disyertong kalsada ang nakikita ko!

Ngalay na ngalay na ang mga kamay at likod ko sa pagmamaneho, baka tuluyan na akong makuba!

Ako na siguro ang kauna-unahang kubang magnanakaw pag nangyari yun.

Bwesit!

Kaasar naman oh, pagod na nga ako! Sinabayan pa ng gutom at uhaw, hays...

Alaws pa naman akong dala! kaya anong kakainin at iinumin ko?

Peste talaga yung mga ogag na humahabol sa akin! Hindi man lang ako binigyan ng oras na makapaghanda ng babaunin at iinumin ko! mga mukha kasing pera, hindi man lang ako pinagtime-first! Grrr

Paktay talaga ako nito kay mamamiyah kapag hindi pa ako nagpakita, pingot at sermon ang abot ko doon o baka itakwil na niya ako ng tuluyan tapos aampunin  niya si kumag rayden huhu! Pero hindi ako papayag noh.

Pero sana naman okay lang si mamamiyah.

Atsaka sana maisip niya na kapag hindi siya mapakain ni Rayden, si Rayden nalang iluto niya. Tsk! Haha....

Labag man sa akin na hayaang sumama si Mamamiyah kay Rayden wala na din akong pagpipilian. Hays!

Wala na kaming kakampi sa West. Patay na rin lahat ng mga dating kaibigan ni Papapiyah.

Pinatay din siguro ni Archer.

Malaking palaisipan pa rin para sa akin ang dahilan kung bakit?

Basta kahit anong mangyari poprotektahan ko si Mamamiyah.

Hays! Paano ko naman siya poprotektahan eh wala naman ako sa tabi niya ngayon. Nangako pa naman ako na susunod sa kaniya, pero diba lahat ng pangako napapako?

Tsk!

Kung buhay lang sana si papapiyah, hindi sana ganito ang kapalaran ko.

"Teka! parang bumabagal ang takbo mo baby ah! anak ng teteng naman oh! wag mong sabihing ngayon ka pa susuko baby!"

Yung motor ang kausap ko, atleast may kausap pa rin!

"Hihinto muna tayo para tingnan ang sira mo pero sana naman huwag malala ayokong pumirme dito nang matagal!"

Ayoko ring maglakad noh! nasisiguro kong malayo-layo pa ang Region na yun. Baka uugod-ugod na ako ay hindi pa ako nakarating doon...

Ano ba kasi ang problema mo baby? Kakaayos ko pa lang sa iyo, kakapalit mo lang ng gulong, sapat naman ang gasolinang pinainom ko sa'yo.

"May topak ka na yata! Wag kang magpabebe! kailangan kita ngayon ayokong mapudpud ang paa ko sa kaka-lakad sa walang kasiguruhang paroroonan, baby naman, hindi ka ba naawa sa akin?" paawa effect kong litanya sa big bike ko na pinangalanan kong baby, pero ang loko hindi sumasagot...

Nagtatampo yata. Tsk!

"As if namang sasagot yan!" bulong ng kung sino man.

Teka parang pamilyar ang boses na yun ah?

Hmmm?

"Tama! Si kumag Rayden ang may-ari ng boses na iyon, pero anong pang ginagawa niya rito? Diba dapat nasa Perousial Region na siya kasama si mamamiyah?" Bulong ko sa sarili sabay libot ng tingin sa buong paligid para hagilapin siya pero ni anino o bakas niya'y wala...

Perils Of Sealed Battlefield: A Transcendent Adventure [On-Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon