Blyanna Ailith Salvedo's POV
Nang imulat ko ang aking mga mata ay puting kisame ang unang tumambad sa akin. Agad akong napabalikwas ng higa nang mapagtantong hindi ko alam kung saang lugar ako naroon.
"Huh! Asan na ako ngayon?" bulong ko sabay libot ng tingin sa buong paligid.
Umaga na pala, nakaawang ng kaunti ang puting kurtina dahilan para lumusot ang liwanag galing sa labas.
Nasa kuwarto yata ako ngayon pero teka, paano ako napunta dito? ang naalala ko lang ay kasama ko si babaeng bakulaw sa kotse at nakatulog ako sa sobrang pagod at gutom.
Teka, nasaan na ang mga gamit ko? tinignan ko ang kabuuan ng kuwarto at nahagilap ko sa taas ng cabinet ang mga gamit ko. Haaay! Nakahinga ako nang maluwag...
Agad-agad ko itong kinuha at binuksan, baka kasi may nagbukas dito at may kumuha pero buti na lang at ganun pa rin ang ayos nito.
Kaya imbes na ilagay sa taas ng cabinet ay inilagay ko na lamang ito sa ilalim ng kama ang backpack at bo-staff ko.
At lumabas na ako, buti na lang at hindi naka-lock ang pinto.
Sa pagbukas ko ng pinto ay ang pagbukas rin ng pinto na katapat ng kwarto na pinanggalingan ko...
Woaah, bakit parang ang daming pinto sa bahay na ito?
Masyadong magarbo ah!
Napagawi muli ang tingin ko sa kaharap ko,
Isang lalaking naka T-shirt na black at maong shorts, masasabi kong gwapito si kuya---yung buhok niya na kulay tsokolate na may pagka-messy, kagigising lang siguro niya humikab-hikab pa eh.
Yung mga features niya sa mukha ay parang feminine ang datingan. Yung katawan niya sakto lang hindi payat hindi rin mataba, atsaka ang tangkad niya rin, hanggang baba lang niya ako kahit matangkad akong babae...
Pero ang nakakapagtaka lang kasi yung postura at galaw niya medyo malambot parang galaw---- pero teka medyo pamilyar siya?
Huh? Ewan?
Siya siguro ang nagdala sa akin dito... Bahay niya ba to? Asan na kaya yung babaeng bugbog sarado kagabi?
Matanong nga si gwapito kung nasaan ako...
Agad ko siyang tinawag
"Psst, gwapito! " pagtatawag ko sa kaniya kaya agad siyang lumingon sabay turo sa sarili niya.
"Tsk! Ayy hindi ikaw, yung pintuan! malamang ikaw! dalawa lang naman tayong tao dito" pang-uuyam ko sa kaniya.
Ang taray ah tinaasan ako ng kilay ni gwapito.
"Anong kailangan mo ghurl?" pagtatanong niya sabay halukipkip.
G-ghurl?
"Saglit nga lang?" nagtataka kong sambit sabay atras,
"Parang pamilyar ang boses ni gwapito ah? Saan ko ba iyon narinig?" turan ko sabay tingin sa kisame para alalahanin kung saan ko ba narinig ang tinis ng boses na yon.
Itong kaharap ko ngayon gwapong lalaki.... Kahapon ay babae...
"Bingo! Ikaw ba yung kapatid ng niligtas ko kahapon?" pagtatanong ko sa kaniya.
Ang ganda ng lahi nila ha, infairness!
Nakita ko ang pagyuko ni gwapito at ngumiti habang umiiling.
"Nah ah. I am that gorgeous girl ghurl, ang bilis mo naman maforgot yesterday lang kaya nangyari iyon" usal niya.
Napatakip ako ng bibig......
BINABASA MO ANG
Perils Of Sealed Battlefield: A Transcendent Adventure [On-Going]
FantasyThis is a tale of heroes and heroines fated together to fight the wicked twist of their world's future. A serial-killer huntress, a smart but lonely heiress, a rebellious city chick who thinks she's the prettiest and an ingenious thief whose talent...