Letter 3 - John

183 1 0
                                    


My dearest John,


Anak, I am so sorry. 


Pasensya ka na at sinaktan nanaman kita. I know how vulnarable you are. I saw it. Sa lahat ng iiwan ko ikaw siguro ang pinaka masakit. Nakita ko kung paano ka unti unting naging bata. Na ang tagal tagal mong tinago, ang tagal tagal mong pinagkait sa sarili mo.


Ang akala mo ata, kailangan mong  laging maging matapang, maging malakas. Para sa lahat. Para kay Julian, because he is the emotional one. But baby, you are allowed to feel too. You are allowed to be weak.


Wag mo ipagkait sa sarili mo ang makaramdam, ang masaktan. Ang mabuhay.


Anak, patawad. Kasi akala mo ata pwede na, kasi andito na si mommy. Tapos iniwan nanaman kita. Anak hindi ko to ginusto. Hindi ko ginusto iwan ka, hindi ko ginustong saktan ka ng paulit-ulit. 


Kung pwede lang akin nalang lahat ng sakit. Kung pwede lang ako nalang ang masaktan, wag na kayo. Wag ka na.


Anak, wag parating malakas ha? Baka manghina ka niyan. Baka maubos ka. Okay lang manghingi ng tulong. Okay lang kailanganin ang ibang tao.


Anak mahal na mahal ka ni Julia, ni Julian, at ni Stella. Sana hayaan mo silang mahalin ka. Sana hayaan mo silang alagaan ka rin. Gaya ng pagaalaga mo sakanila.


Anak, pwede substitute muna? Pwedeng si Julia muna maging mommy mo? Pwedeng siya muna ang magalaga sayo?


Mabait na tao si Julia, anak. Sobra. Wala siyang ibang hinangad kundi ang ikabubuti ng lahat. Sana anak wag ka na mag tayo ng pader sa harap mo sa lahat ng tao.


Sana balang araw, kahit hindi pa ngayon tanggapin mo ang mga taong nagmamahal sayo. Kasi deserve mong maging masaya anak.


Deserve mo maging masaya, kahit wala na ako.


Wishing you all the best,

The proud mom of yours.

She claimed himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon