“Alis na po ko ma , babye!” Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. “Ingat ka.” Tumango ako sa sinabi niya at dali-daling lumabas.
Napagplanuhan namin ni Ally na sabay kaming papasok sa university kaya kung sino man ang mauna sa tagpuan namin ay hihintayin ang huli. I ran as fast a I can , para kung nandun na si Ally eh hindi na siya matatagalan kakahintay sa akin. Pero malapit na ako sa tagpuan namin , ni anino niya ay hindi ko nakita kaya siguradong ako ang nauna sa amin.
Where are you? Nandito na ko.
I send that message to her just to let her know that I'm here already. Tumunog ang phone ko sa pag-aakalang si Ally ang nagreply pero it's an unknown message.
Good morning my love . Hope to see you again. Take care.
I felt chills when I read the message . Parang alam ko na agad kung kanino galing ang message na ito. I tried my best to reply eventhough my hand's shaking.
Where did you get my number?
Ilang segundo lang ang hinintay ko nang magreply ito, agad ko naman iyong binasa .
It's a secret . By the way you're so gorgeous with that clothes.
Napatingin ako sa paligid ko dahil sa nireply niya. After reading his text I feel that someone's watching me.
You're creepy.
I send that at ilang minuto na ang nakalipas hindi pa rin ito nagreply hanggang sa dumating na si Ally kaya hinayaan ko na . My tongue's so itchy , gusto kong ikwento kay Ally iyon pero pinigilan ko ang sarili ko .
“Nakapag-aral ka ba ngayon?” Umiling ako , wala naman kasing test para mag-aral. “Huh? Bakit hindi ka nag-aral? Diba may test tayo ngayon sa finance?” Nanlalaki ang mata ko. Paanong hindi ko alam , masyado na ba talaga akong lutang kahapon? Nahihirapan pa naman ako sa subject na yun.
Walang sabi-sabi ay nilabas ko ang mga notes ko at libro . Ayokong bumagsak na naman ulit ako si finance , masyado ng lubog ang grade ko sa subject na'to.
“Ay nako! Lutang pamore . Anyways ,study well , alis na lang muna ako para makapag-aral ka ng mabuti. ” Umalis na ito at hindi na niya hinintay ang sagot ko dahil hindi naman talaga ako sasagot . I'm busy reading when suddenly someone put a bread on my notes kaya napaangat ako ng tingin , nakakunot ang noo.
“Hi.” Parang gusto kong tumakbo . Isang napakapamilyar na lalaki ang nasa harap ko ngayon , may hawak itong dalawang juice sa isang kamay niya habang ang isa ay humahawak sa kinakain niyang tinapay. “Gulat ka noh?” Napakurap-kurap ako nang ngumiti ito umiwas rin agad ako ng tingin nang mapagtanto kong para akong tanga.
“Sino ka?” I tried my best not to stutter. Kilala ko siya , pero pwede naman akong magkunwari na hindi. After all , I just met him in my dreams and it's impossible for him to know that. “You really forgot my name that quick huh. By the way I'm Apollo.”
“Y-you , you know it?” My voice raised a little bit the reason why some of the students near us look at our direction. Mahina siyang natawa sa ginawa ko at kalaunan ay tumigil rin. “Yes Molen. It's really mesmerizing , isn't it?”