“Teka lang! Paanong ...” Nilibot ko ng tingin ang buong paligid at ni pinto o bahay ay wala akong nakita , puro mga bulaklak lang. “Hoy! Nasaan tayo?” Hinarap ko siya . “Basta , h'wag ka ng magtanong.” Napaatras pa ako nang lumapit ito sa akin at niyakap ako. “Just enjoy this moment.” Naistatwa ako sa kinatatayuan ko at hinayaan siyang yakapin ako . Pero agad ko ring siyang natulak , napakaano talaga ng lalaking 'to.
“What the ---- !” Tumunog ng malakas ang hampas ko sa kaniyang pero kagaya kanina ako yung nasaktan imbis na siya. Sa huli hindi ko na lang siya pinansin at inappreciate ang magandang view.
Nilabas ko ang phone ko para sana makuhanan ko ito ng litrato pero wala ng battery , sa pagkakatanda ko 50% pa yun kanina. “Psst !” Tawag ko sa kaniya kaya nga lang hindi ako narinig .Nilapitan ko siya .“Pwede mo'kong kuhanan ng litrato sa phone mo? Dead-batt na kasi yung akin.”I asked him politely . Dapat lang kasi kay hinihingi ako sa kaniya , hehe.
He took his phone out and he told me to position myself . “Ready ? One , two, three, smile!” Ngumiti ako ng malawak habang nakapeace sign ako sa harap ng camera. Nilapitan ko siya para tingnan kung maganda ba ang kuha at okay naman . Kumuha pa kami ng maraming litrato hanggang sa magsawa na kaming dalawa .
“Let's go back now.” Dahil napagod ako sa kakapose sa harap ng camera ay tumango na lang ako kahit hindi ko alam kung paano kami makakabalik . Imposible naman atang may portal dito. “Close you eyes please.” Katulad ng sinabi niya ay pinikit ko nga ang mata ko at isang na namang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa nakapikit kong mga mata.
“Nandya lang pala kayo , kanina ko pa kayo hinahanap.” Minulat ko ang mga mata ko at gulat na napatingin kay Ally na ngayon ay ayos na ayos na. “Ah yeah ! Kanina ka pa nagising?” Tanong ko . Tumango naman ito at sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi. “Uuwi na tayo , alas-singko na ng hapon.” Nag-angat ako ng tingin at nagkasalubong ang mga mata namin ni Apollo . “A-alis na kami . Thank you !”
“Naistorbo ko ba kayo sa gagawin niyo?” Nagtataka kong tiningnan si Ally . “Hindi naman.” Ani ko pero hinampas niya ako ng mahina at tumawa . “Wala ka diyan. Eh bakit nakapikit yung mata mo kanina. Naku sinasabi ko talaga Molen , kapag naglihim ka sa akin F.O na tayo!” Napailing ako sa kadramahan niya at saka ano yung F.O? “Mali yang nasa utak mo Ally , pwede ba.” Rason ko . Totoo naman kasing walang ibang nangyari , maliban na lang sa dinala niya ako doon sa magandang tanawin.
“Gosh!” Natampal ko ang noo ko nang maalala na hindi ko pala nasabihan si Apollo na isend yung picture . “Bukas na lang siguro.” Bulong ko .
The day ended with a new memories . Not just new but a happy memories that I'll treasure.