CHAPTER 9

2 1 0
                                    

My jaw literally dropped when I saw their house outside. Sa tagal ko sa lugar na'to ni minsan hindi ko pa nakita ang bahay na'to. While I'm busy appreciating the view , Ally utter a one word reaction.  “Wow!” Both of us witnessed how the gate of Apollo's house suddenly opened.

“Let's go inside. Feel at home.” Nilibot ko ang tingin at namangha sa mga palamuti na nakasabit sa kanilang pader.  “Mayaman pala kayo , hindi halata.” Gulat kong tinakpan ang bibig ko dahil sa mga salitang bigla na lamang lumabas . Nilingon naman ako ni Apollo at ngumisi lang.

“My mother and father is not here so you're free to do whatever you want.” Tumango ako at tiningnan ang bawat palamuti sa dingdimg , hindi na siya pinansin . Parang wala din naman siyang paki kasi bigla niya na lamang kaming iniwan dito sa sala.

Lumapit ako sa lamesa kung saan may mga picture frames na nakapatong. Namangha ako nang makitang mga larawan pala ito nila ng kaniyang pamilya .“I imagined Apollo being rich but not this much , gosh.” Nilapitan ko si Ally dahil may hawak-hawak itong isang makinang na bagay . “Wow! All of these is unbelievable.” I blurted out . Ally's holding a golden arrow surrounded with a laurel.

“Are you two still okay there? Bakit parang hindi na kayo gumagalaw.” Hindi kami lumingon kahit na narinig namin ang boses ni Apollo sa likod. “Ano bang hina-- oh my ghad , please give it to me Ally.” Kahit nagtataka ay agad naman binigay ni Ally kay Apollo ang gintong palaso. “Sa'yo ba yan Apollo?” Tumango naman ito sa tanong ko.

“Ah ano , may suggestions ba kayo kung ano ang gagawin natin sa bahay? Wala kasi akong maisip.” Aniya. “Maybe movie marathon?” Suggest ko . In the first place hindi ko  naman kasi talaga alam kung bakit kami dito napuntang tatlo. “Okay , anong gusto niyong panoorin?”

Halos mapasigaw ako sa horror movie na pinapanood namin ,napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat ng bigla na lamang nagpakita yung white lady . Si Ally na nakabaluktot habang nakaupo sa sofa , medyo nanginginig pa , sa aming tatlo siya yung sigaw ng sigaw . Si Apollo naman komportableng nakaupo sa sofa na parang wala lang sa kaniya ang pinapanood namin.

“Teka muna , kukuha lang ako ng juice.” Hindi niya hinintay ang sagot namin at nilisan ang lugar , gusto ko pa naman sanang pigilan siya . Dumikit ako kay Ally na ngayon ay nakatakip na ang dalawang kamay sa kaniyang mga mata. “Bakit ba kasi ito pa yung napili mong panoorin Molen , jusko naman!” Pangsusumbat niya.

Kanina kasi pinapili ako ni Apollo kung alin ang panonoorin at bumunot na lamang sa lagayan ni hindi na ako nag-abalang tingnan ang cover kaya heto kami ngayon nagdudusa. Parehas kaming pumikit ni Ally ng sa tingin namin ay lalanas na yung white lady pero isang pagkabasag ang narinig ko kaya napapitlag ako ganun rin ang katabi ko.

“Sorry.”Si Apollo lang pala. Nalaglag niya yung basong hawal niya kaya nagkalat ang laman nito sa sahig. “Naman Apollo , alam mong nanonood kami ng horror eh!” Napatingin ako kay Ally na ngayon ay nakahawak na sa dibdib sa sobrang kaba .

Apollo's Undying Love (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon