Bigla akong tumayo at nilapitan yung dalawa. “Ah naku ma ,hindi ko po manliligaw si Apollo. Ah ano , new friend ko po siya.” Pasimple kong kinurot ang tagiliran ni Ally at napaigtad rin ito.“Diba Ally?” Pinalaki ko ang mata ko nang tumingin ako sa kaniya. “Ah hehe, opo tita new friend po namin si Apollo. Nagbibiro lang po ako kanina.” Dumako ang tingin ko kay Apollo na ngayon ay nakangiti habang umiiling.
“It's okay . Iho , you can also join us . Molen paki-kuha si Apollo ng pinggan at kutsara.” Nakahinga ako ng maluwag . Agad kong sinunod ang utos niya ay bumalik dala-dala ang isang piraso ng kutsara at pinggan . Nilapag ko iyon sa harap ni Apollo.
“Eat what you want iho. Pasensya ka na kaunti lang ang pagkain, hindi ko naman kasi inaasahan ang oagdating niyo.” Alanganing ngumiti si Apollo at nagkamot sa kaniyang batok. “Okay lang po tita. Kahit nga ako hindi inaasahang makapunta sa bahay niyo eh.” Aniya sabay tingin kay Ally kaya napatingin rin ako rito. Sinamaan ko siya ng tingin dahil paniguradong siya na naman ang may pakana nito , pasimple itong kumain at hindi pinansin ang mga matatalim kong titig.
“Sya nga pala Ally , saan ba ang punta niyo?” Uminom muna ng tubig ang katabi ko bago sumagot . “Sa bahay po nina Apollo.” Tumaas ang kilay ko at tiningnan si Apollo, halata sa mukha niya na naguguluhan siya. “Huh? Sa bahay?-- Ah oo , sa bahay.” Tiningnan ko siya ng maigi at nagawi ang tingin niya sa akin pero agad niya rin itong iniwas.
Parang gusto kong sabunutan si Ally kahit na nasa harap namin ngayon si mama. Ano na naman ba ang mga plano nito. “Oh , sa school ba?” Mabilis na tumango si Ally na may pilyang ngiti . “Opo tita. Kaya sa tingin ko po matatagalan makauwi si Molen. ” Natapos na kaming lahat sa pagkain . Tumayo na ako para magsepilyo at para makaalis na rin kami pero ng makabalik ako ay sige pa rin sa talak si Ally.
“Tumigil ka na diyan Ally , aalis na tayo. Ma, alis na kami.” Hinila ko si Ally at nagreklamo pa ito pero hindi na rin nagpumiglas .
“Ikaw talagang babae ka , napaka-ano.” Panenermon ko sa kaniya ng tuluyan na kaming makalabas sa bahay at nagsimulang maglakad. “Atleast diba , nakilala na ni Tita si Apollo.” Tiningnan ko si Apollo ng maalala ang reaksyon niya kanina. “Isa ka pa!” Hinampas ko siya sa braso pero imbis na siya ay ako yung masaktan sa ginawa ko.
“Ikaw mauna Apollo , bahay niyo yun kaya siguradon alam mo kung saan tayo dadaan.” Napasinghap ako sa biglaang pagsalita ni Ally . Hindi ko kanina sineryoso ang sinabi niya dahil akala ko ay nagbibiro lamang ito. “Oh anong reaksyon yan Molen.” Tanong nito nang makita ang mukha ko . “Akala ko nahbibiro ka lang kanina.” Tinawanan niya ako at sumunod sa isang kasama namin na ngayon ay nagsimula nang maglakad kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod na rin sa kanilang dalawa.
Pakiramdam ko tuloy pinagkakaisahan nila . Parang sila pa yung magbestfriend sa lagay na'to e.