The morning classes ended just like that , without having a test , just a simple discussion. Kasama ko pa rin ngayon si Ally habang tumatambay kami sa mga bench dito pa rin sa university . We planned to study here but it got canceled . Sabi niya kasi ay kailangan rin naming magpahinga sa klase at kumain kaya heto kami ngayon kumakain ng lunch habang tumatambay .
Tahimik kaming kumakain ni Ally ng pagkain , napatigil nga lang kami nang may lumapit na isang lalaki , may dala itong bulaklak sa kanang kamay niya.
“A-ate , may nagpapabigay p-po sa inyo.” Walang salita ko naman itong tinanggap at tiningnan ang nakasulat . Magpapasalamat pa sana ako sa lalaki pero umalis na ito. I look at the card and there's a letter. “Hope all! Anyways , anong nakalagay dyan ? Patingin.” Sabay naming binasa ni Ally ang nakasulat sa card.Your beauty is mesmerizing ,
Just like the sunrise .
Don't let your smile fades.
-ASabay kaming napatingin ni Ally sa isa't-isa nagtataka kung sino ito. This is the first I recieved a one piece of flower , I'm not complaining thou it's too bewildering . “Sinong A?” Nagkibit-balikat ako dahil kahit ako'y hindi ko alam kung sino ito. “Baka bago mong manliligaw o kaya naman secret admirer?” Parang uod na binudburan ng asin ang kasama dahil sa nararamdamang kilig .
Matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na ito mawala sa isip ko ,kahit pa nasa klase ako. Imbis na tuwa , kilig ay kaba ang naramdaman ko sa mga oras na mabasa yung sulat. Lumipas na ang ilang oras at natapos na ang buong klase ay wala sa sariling niligpit at inayos ko ang mga gamit ko .
“Hoy!” I snap back at my senses when Ally suddenly showed up infront of me. “Zup?” Halos batukan ko ang sarili ko dahil sa salitang lumabas sa bibig ko . Tinawanan naman ako ni Ally kaya wala na ako nagawa kundi hayaan na lang iyon .
“Di pa rin makaget-over sa secret admirer mo? Kaninang lunch ka pa lutang.” Aniya. “Kinakabahan kasi ako . This is the first time I have a secret admirer.” Hindi naman sa ano ako pero puro nanliligaw ang mga lalaking nagkakagusto sa akin o kung hindi man ay nananatili silang tahimik , hindi yung may pasecret-admirer pang nalalaman.
“Ano ka ba , natural lang yan! Malay mo torpe pa siya kaya hanggang ganun lang ang magagawa niya... sa ngayon!” Pilit mang pinapagaan ni Ally ang loob ko ay mas nangingibabaw pa rin ang kaba sa aking dibdib.
“Bye. Take care.” I waved my hands at her. Maghihiwalay kami ng daanan kaya ganito. Nagsimula na akong maglakad papasok sa isang kanto , malapit sa bahay namin. Habang naglalakad ay iniisip ko pa rin ang kanina , OA na kung OA pero talagang kinakabahan ako.
Napalingon ako sa likod nang maramdaman kong may naglalakad rin , pero pagtingim ko ay walang tao at tanging ilaw lang ng street lights ang nagbibigay liwanag sa madilim na daanang ito.
Nagsimula ulit akong maglakad at hindi na pinansin pa ang mga hakbang ng paa sa aking likuran . Binilisan ko na lang ang paglakad hanggang sa maging takbo na ito . Nang nasa labas na ako ng bahay ay tiningnan ko ang paligid at may nakita akong isang anino na nakatago sa isang poste kaya mabilis akong pumasok sa bahay.