chapter 6: Predicting my Fate

3 0 0
                                    

Hawak hawak ko pa rin ang kamay ni Louisa habang titig na titig sa kaniya.

Madilim pero kitang-kita ko ang kinang ng maamo nitong mga mata.
My heart skips beats. Hindi ko alam kung bakit ganon ka grabe.

Inlab na yata ako.

"Paumanhin po".

Sabi niyang nagpagising sa akin. Mabilis kong kinuha ang kamay ko sa kamay niya.

"Okay ka lang?".
Tanong ko para lang makausap siya.
"Yung kamay mo hindi ba gaanong kasakit?".

Pag-alala ko. Medyo mabilis kasi ang paglipad ng kamay ko papuntang base eh.

"Ah, hindi. Okay lang po."

"S-sorry".

"Wala po yun. Hindi po talaga maiwasan sa laro na hindi masaktan."

Lumapit na ang iba naming kasama sa base. Pati na rin si ate na may kasama na rin.

Si Leiro.
Ang nagyaya sa amin kanina.

Palagay ko, may mga bagay na rin na nangyayari sa kanila. Ngiti pa lang ni ate, abot hanggang panga na.

Ng gabing yun, hindi kami ni ate makatulog pareho. Iniisip ko si Louisa, at malamang iniisip niya rin si Leiro.

Singkitin ang mata ni Leiro, katulad ng mga oppa niya sa kdrama land. Kaya hindi nakapagtataka kung crush niya na si Leiro.

Ako naman...
Wala. Masaya lang ako.

Hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang bawat pagngiti ni Louisa sa akin. Ang kislap na dala ng bawat pagkurap niya ay nagdudulot ng saya.

Hinawakan ko ang puso ko.

"Kanina ang lakas ng tibok nito."

Ang huling sambit ko bago ako nakatulog.

Lumipas ang ilang araw, hindi ko nakita si Louisa.
Sabi ni lolo maliit lamang ang barrio pero bakit hindi ko man lang nakita ang hinahanap ko.

"Magtatatlong araw na pero bakit hindi ko man lang siya nakitang dumaan o ano?".

Tanong ko sa sarili.

"Huy!".
Tawag sa akin ni ate.
"Anong ginagawa mo?".

Tumabi siya sa may bintana kung saan tapat sa kalsada na dinadaanan ng mga tao.

"Wag ka dito. Doon ka sa kabilang bintana".

Siko ko sa kanya kahit ako yung mas bata. Tinarayan niya ako.

"Eh pwesto ko to lagi eh. Kaya wag kang ano. I have somethin' na inaabangan."

Napatingin ako sa kanya.

"Alam ko na yan. Si Leiro inaantay mo".

"What are you talkin' about? Hindi noh!".

I laugh to make her annoyed.

"Umuwi na yon".

"Umuwi!? Si Leiro?!".

Bumilog ang malalaking mata niya sabay harap sakin.

"Sabi na nga si Leiro eh. Oo, umuwi na yun sabi ni Aling Teresita, nagkausap kami kahapon diyan sa gulayan ni lolo".

"What!?".
Biglang naging soprano ang boses niya.

"Bingi naman tong si ate".

"Are you joking? Dahil kung napakalaking  kasinungalingan to, iiwan ka namin dito ni mommy. Mauuna kaming umuwi sa linggo."

Hi and GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon