Chapter 2

7.3K 389 17
                                    


"OH my God! Anong nangyari sa iyo?!" tila nakakita nang multong bulalas ni Carrie nang pagbuksan siya nito ng pinto ng high end apartment nito. Pinasadahan pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at nalukot ang mukha. Hindi na siya nagtaka sa reaksiyon nito. Sa suot niyang maluwag na poloshirt, baggy pants na marumi at hiking boots na maputik ay siguradong maeeskandalo ito sa itsura niya. Buhay pa naman nito ang pagiging fashionista. Iyon nga at kahit nasa bahay lang ito ay animo lalabas ito para mag mall.

Pinatirik ni Rhianna ang mga mata sa reaksiyon ng matalik na kaibigan niya. "Carrie duh?! Baka pwede mo muna akong papasukin bago mo ako laitin? Baka may makakita sa akin dito isumbong pa ako kina papa. Malalaman nila na sa iyo ako unang umuwi bago sa kanila," sabi niya rito.

"E bakit naman kasi para kang namundok ng isang buwan at hindi naligo at natulog sa itsura mo?! My God have you even gone to the spa lately? Ang itim mo na!" lait nito sa kaniya kasabay nang pagluwag ng bukas ng pinto.

Inirapan niya ito at pumasok sa apartment nito na umaalingasaw sa amoy ng lavender. Adik ito sa scented candles at scented oils kahit noong bata pa sila. "Put off your muddy boots for God's sake Yana!" mabilis na saway nito sa kaniya.

Natawa na siya. "Ang arte nito. Pwede namang linisin ang putik pagkatapos," aniya at ibinaba sa sahig ang mabigat niyang backpack. "And just so you know ay namundok talaga ako. May kinunan akong commercial para sa isang energy drink. Empowerment at getting into the top and temang ibinigay sa akin. Kaya sa tuktok ng bundok namin kinunan. In fairness muntik pa kaming makidnap. May mga NPA pala doon," kwento niya habang naghuhubad ng boots.

Manghang nakatingin lang sa kaniya si Carrie. "Yana, are you out of your mind! Kaswal mo pang ikinukwento sa akin iyan? Paano kung nakidnap ka talaga? Paano kung alam ng mga iyon na unica hija ka ng isa sa pinakamayamang pamilya sa pilipinas ha!"

Tiningnan niya ito at nginitian. "Carrie naman. I am okay see? Huwag ka ng mag-alala diyan. Besides ang alam ng lahat maliban sa inyong mga nakakakilala sa akin ay isa lamang akong simpleng direktor," pampapalubag loob niya rito. Pabagsak siyang humiga sa sofa nito. Pumikit siya at huminga ng malalim. "Ang sarap. The best talaga ang sofa mo," nakapikit pa ring sabi niya.

Narinig niya ang marahas na pagbuntong hininga nito. "Maligo ka muna bago ka matulog. Ang laki na ng eye bags mo. Ang lagkit na rin tingnan ng buhok mo. At may body scrub ako sa banyo. Mag scrub ka ng kahit papaano ay bumalik ang natural na maputing balat mo. Maghi-hysteria sila tito at tita kapag umuwi kang ganiyan," sabi pa nito.

"Kaya nga dito muna ako dumaan. Baka i-lock na ako ni mama sa bahay kapag umuwi akong ganito. Isa pa ay tatawagan ko pa si George at makikipagkita pa ako sa kaniya bago ako umuwi. May ibibigay daw siyang trabaho sa akin. Balak ng CFB na gumawa ng major television commercial para sa liquor nila. Kaya dito muna ako makikitulog ngayong gabi," aniya.

Umupo ito sa katapat niyang sofa. Tiningnan niya ito. May malungkot na kislap ang mga mata nito. "Yana, when will you stop doing this to yourself?" seryosong tanong nito.

Nawala ang ngiti niya. Pagkuwa'y isinubsob niya ang mukha sa sofa. Matagal bago siya sumagot. "Kapag sigurado na akong hindi ko na maiisip ang mga nangyari kapag mag-isa na lang ako."

Matagal bago ito sumagot. "I wonder if that's even possible. Kahit anong gawin natin mahirap makalimutan ang mga nangyari. Kung ang mga may amnesia nga bumabalik din ang alaala in time. Ikaw pa kaya?"

Muli ay sinulyapan niya ito. "Then how about you? Do you think you are okay? Ngayong isa ka ng sikat na television personality at host, sa tingin mo ba nakamove on ka na kay kuya?" balik tanong niya.

Hindi ito nag-iwas ng tingin. "I am trying to. Kaso ayaw talagang mawala eh. Kaya tinanggap ko na lang na habambuhay ko yatang mamahalin si Martin. Pero wala na akong magagawa maliban sa mahalin siya. Nilinaw naman niya noon pa na wala akong aasahan sa kaniya. He never gave me false hopes. Besides, anong laban ko sa isang alaala?" simpleng sagot nito at tumayo. Ngunit hindi nakaligtas sa pandinig niya ang lungkot sa boses nito. Bigla rin tuloy siyang nakaramdam ng lungkot para dito. "Teka nga kumain ka muna. Tamang-tama I cooked lasagna," pag-iiba nito sa usapan sa halatang pilit pinasiglang boses.

TIBC BOOK 3 - THE HEART THIEFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon