Chapter 8

6.4K 348 23
                                    


HUMINGA ng malalim si Cedric nang nakapasok na siya sa elevator. Nang pindutin niya ang button para sa second floor ay lalong tumindi ang kaba niya. Ni hindi na niya pinansin ang humahangang tingin na ipinupukol sa kaniya ng mga babaeng empleyadong kasakay niya roon. His mind was filled with Rhianna.

Hindi niya akalaing ganoon pa rin katindi ang mararamdaman niya kapag nakita niya ito ng personal. Akala niya ay nagi-guilty lang siya sa ginawa niya rito kaya palagi pa rin itong sumisingit sa isipan niya sa nakaraang sampung taon. Kaya nga mas dinalasan niya ang pagkakarera para may ibang pupuno ng isip niya at huwag itong masyadong maalala. Pero ngayon ay sigurado na siyang iba ang dahilan kung bakit hindi pa rin niya ito nakakalimutan kahit mahabang panahon na ang lumipas.

Bumukas ang elevator at naglakad palabas. Hinanap niya ang silid na sinabi sa kaniya ni Richard na gaganapan ng story conference. Hindi naman siya nahirapang hanapin iyon dahil glass panel lamang ang pader ng mga silid doon. Imbes na pumasok na ay tinanaw pa muna niya kung sino na ang naroon.

Tila may sumipang sampung kabayo sa sikmura niya sa nakita niya. Si Rhianna, nakaupo sa isang upuan at nakatingin sa mga papel sa harap nito habang si Richard ay nakaupo sa tabi nito at nakapatong ang isang kamay sa sandalan ng inuupuan ni Rhianna. They look so intimate. Na para bang natural lamang sa mga itong gawin iyon. And it was pissing him off big time. Kailan pa naging ganoon ka-close ang mga ito? O baka naman noon pa malapit sa isa't isa ang mga ito. Baka kaya gagawin ni Rhianna ang proyektong iyon sa CFB ay dahil may relasyon ito at si Richard.

Tila may lumamukos sa puso niya nang maisip iyon. Biglang tila nais niyang sumugod sa loob at haklitin ang kwelyo ni Richard at ilayo kay Rhianna. That place on her side was supposed to be his! Walang ibang pwedeng tumabi kay Rhianna nang ganoon maliban sa kaniya!

But then who was he to say that? Nasaktan niya ito noon. O mas tamang sabihing sinadya niya itong saktan upang iwan na siya nito noon. Later did he realize that it was the stupidest thing he had ever done in his life. O mas tamang sabihing habang nakatitig pa lamang siya sa mga mata nitong puno ng hinanakit sa kaniya nang gabing iyon sa Biker's Grill ay nagsisisi na siya. Nang makita niyang tila iiyak na ito ay parang nais na lamang niyang bawiin ang lahat ng sinabi niya dito. He had an urge to run to her and hug her and kiss her. Bigla ay nais niyang sabihing walang katotohanan ang lahat ng sinabi niya. Na bukas ay balik ulit sila sa dati na masaya sa piling ng isa't isa. Na habambuhay silang magiging ganoon.

Pero kung ginawa niya iyon ay magsisinungaling siya rito. Dahil sa totoo lang ay hindi talaga siya sigurado kung ano ito sa buhay niya noon. Basta alam lang niya, nang gabing maghiwalay sila ay hindi niya makalimutan ang mukha nito. Maging ang mga sinabi nito, ang tinig nito, ang ngiti nito ay hindi maalis sa isip niya. At iyon ang unang beses na nangyari iyon sa kaniya. Women come and ho in his life and he doesn't even bother to remember their names. Ngunit iba si Rhianna. Ibang-iba ito sa lahat ng babaeng nakilala niya. Kaya hinanap niya ito. At nagpadala siya sa emosyon niya na hindi pinagiisipan ang lahat.

Nagbago ang lahat ng kausapin siya ng masinsinan ni Martin. Talagang nagulat siya na magkapatid ang mga ito. Alam niyang may kapatid si Martin pero hindi niya alam na si Rhianna pala iyon. At nang makita niya ang seryosong mukha ng kaibigan niya ay alam niyang hindi simpleng pag-uusap lamang ang gagawin nila. Kilala niya ito at alam niya kung gaano ito ka-overprotective sa kapatid nito. Iyon ang unang beses na kinabahan siya sa tanang buhay niya.

Nang magsimulang magtanong si Martin ng kung anu-ano ay bigla siyang napuwersang harapin ang sarili niyang damdamin. At alam niyang ang gago gago lang ng mga naisagot niya kay Martin, puro walang kasiguruhan. Kaya hindi na siya nagtaka sa sumunod na sinabi ni Martin na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakalimutan.

TIBC BOOK 3 - THE HEART THIEFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon