PINILIT ni Rhianna na magpakakaswal habang pinaguusapan nila ang commercial na gagawin nila. Kahit na aware na aware siya kay Cedric na katabi lamang niya sa upuan ay hindi siya nagpakita ng pagkailang. Iyon nga lang, hangga't maari ay iniiwasan niyang mapatingin dito lalo na nang pirmahan nito ang kontrata dahil baka bigla siyang magback out at sabihin kay George na hindi na niya gagawin ang commercial ng CFB.
Ngunit alam niya na hindi na siya pwede pang umatras sa usapang iyon. Kapag ginawa niya iyon ay siguradong magtatanong ang mga ito kung bakit at ayaw niyang sabihin sa mga ito ang tunay niyang dahilan. Isa pa ay ayaw niyang isipin ni Cedric na masyado siyang apektado sa presensiya nito. Kahit totoo iyon ay ayaw niyang malaman nito iyon.
Naipagpasalamat niya nang sa wakas ay matapos na ang pag-uusap nila. Napagkasunduan nila na sa susunod ay sila na lamang ni Richard ang mag-uusap. Bago iyon ay kailangan muna niyang umisip ng konsepto para sa commercial na ipepresent niya sa marketing department.
Sabay-sabay din silang lumabas ng restaurant. Saglit silang tumigil doon habang hinihintay nila ang sasakyan ni George. Si Cedric ay nakatayo pa rin ilang pulgada mula sa kaniya. Ni hindi niya maintindihan kung bakit nasa tabi niya ito. Sana doon na lang ito sa malayo sa kaniya.
Nang dumating ang sasakyan ni George ay humarap ito sa kaniya. "Then, babalik na kami sa office at marami pa akong papeles na kailangang pirmahan. Nice to see you well Yana," sabi nito.
Ngumiti siya at niyakap ito. Hinalikan niya ito sa pisngi. "Me too George. See you again. The next time na magkita tayo dapat makilala ko na si Patricia ha," nakangiti pa ring sabi niya.
"Sure. At umuwi ka na. Alam ni Martin na magkikita tayo ngayon. Hindi mo pala sila kinocontact at malamang sesermunan ka ng mga iyon pag-uwi mo. Lagot ka sa kanila," sabi pa nito.
Idinaan niya sa tawa ang pananakot nito. "Oo na. Uuwi na nga ako ngayon eh. Hindi ko sila kinocontact dahil alam kong kukulitin lang nila ako pauwiin. At hindi ko pwedeng gawin iyon habang nasa gitna ako ng trabaho. But that's a secret," aniya rito.
Tinapik nito ang ulo niya. "Still you should make them know that you are okay. They are just worried about you. Especially Martin. Kahit palaging masungit sa iyo iyon alam mo naman na ikaw lang ang only sister 'non. He will protect you more than anything."
"I know," nakangiti pa ring sabi niya. Alam naman niya na kaya masungit sa kaniya ang kuya niya ay dahil over protective ito sa kaniya. Kadalasan nga lang ay sumosobra ito.
"Paano Cedric, see you when I see you again," baling naman nito sa lalaking nakatayo pa rin sa tabi niya.
"Yeah. Ingat pare," sagot nito.
Kinawayan pa niya si George bago ito pumasok sa sasakyan nito. Nakisabay na rin dito si Richard dahil iisa lang naman daw ang pupuntahan ng mga ito. Pinanatili niya ang ngiti hanggang sa hindi na niya matanaw ang sasakyan. Nang mawala na iyon ay nawala na rin ang ngiti niya. Hindi tumitingin kay Cedric na lumakad siya palayo sa restaurant. Wala siyang balak pang mapalapit dito nang mas matagal pa.
Naglalakad na siya sa gilid ng daan nang maramdaman niyang may nakasunod sa kaniya. Napahinto siya at marahas na lumingon. Nagitla siya ng makitang nakatayo sa likuran niya si Cedric. Nakapamulsa ito at tila naglalakad lang sa parke. Deretso ang tingin nito sa kaniya. Nang magkasalubong ang mga mata nila ay ngumiti pa ito.
Tumalon ang puso niya sa ngiti nito dahilan upang lalo siyang nakaramdam ng inis. Naiinis siya sa sarili niya dahil naapektuhan pa rin siya ng ngiting iyon na alam niyang wala namang ibang kahulugan. Dahil alam naman niya na ibinibigay nito ang ngiting iyon kahit kanino partikular na sa mga babae.
BINABASA MO ANG
TIBC BOOK 3 - THE HEART THIEF
RomanceParang gustong mag-back out ni Rhianna nang malaman niyang isa sa mga celebrity na idi-direct niya sa gagawin niyang liquor commercial ay si Cedric Marcelo, ang sikat na international motorcycle racing champion. She fell in love with him ten years a...