Chapter 10 [END]

9.9K 541 64
                                    


NAPANGIWI si Cedric nang makaramdam ng kirot sa dibdib niya nang makita niyang hinawakan ni Richard ang kamay ni Rhianna. Parang may sumipa sa sikmura niya nang makitang nagtitigan ang mga ito.

Kanina pa niya sinusundan ng tingin si Rhianna. Nakita pa nga niya ito nang umupo ito sa bar counter. Susundan na sana niya ito nang makita niyang biglang umupo sa tabi nito si Richard. Tuloy tila ipinako siya sa kinauupuan niya at napatingin na lamang sa mga ito. At ngayon nga ay nakikipaghawakan ng kamay at titigan si Rhianna sa lalaki. Iyon ay pagkatapos niyang maging tapat dito kanina at sabihin dito ang tunay na nararamdaman niya. Nakipagngitian pa naman ito sa kaniya kanina. Akala pa naman niya okay na sila. Nawala sa isip niya na may isang Richard pa nga pala sa eksena.

"Huy George, pinopormahan ba ng empleyado mo si Rhianna?" tanong ni Yuuji dahilan upang mapaalis ang tingin niya sa dalawa. Ibinalik niya ang tingin sa beer na nasa lamesa niya. Nasa isang lamesa lang silang magbabarkada at muntik na iyong mawala sa isip niya dahil sa kasusunod niya ng tingin kay Yana.

"I don't know. But he said he likes her. And they seemed to be getting along well I think," simpleng sabi ni George. Napainom siya ng beer sa sinabi nito.

"Ah talaga? Huy Martin ayos lang ba sa iyong maging brother in law ang lalaking iyon?" pangungulit pa rin ni Yuuji. Malapit na niya itong kutusan sa mga pinagsasabi nito. Lalo lang kasi siyang nagiging miserable.

Nagkibit balikat si Martin at biglang tumingin sa kaniya. Napaatras siya. "Matanda na Rhianna. Nasa kaniya na kung sino ang pipiliin niya. Ang sa akin lang ay kung seryoso sa kaniya ang lalaki at kaya siyang panindigan at pasayahin ayos na ako roon. If she will choose that guy then I'll support her," sabi nito na hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

Bigla siyang pinagpawisan ng malapot ng maging sila Yuuji ay napatingin na rin sa kaniya. Muli siyang napalagok ng beer.

"Oy pare, balak mo bang maglasing? Hindi ka masyadong umiinom diba?" tanong sa kaniya ni Aio.

"At bakit pinagpapawisan ka diyan ha?" biro ni Yuuji. Naniningkit pa ang mga mata nito na tila tuwang tuwa.

Naiinis na tiningnan niya ito. "Bakit ka ba ganiyan makangisi ha? Kanina ka pa," angil niya rito.

Ang hinayupak tinawanan pa siya. "Pareng Cedric, halatang halata ka na ayaw mo pang umamin. Ano bang kinatatakot mo? Itong si Martin? Sus huwag kang matakot diyan kunwari lang nakakatakot iyan," sabi pa nito. Tinapunan ito ng matalim na tingin ni Martin. Imbes na matakot ay ngumisi pa ito.

"Oo nga. Ako ang nahihirapan sa iyo sa totoo lang," naiiling naman na sabi ni Aio.

Napatunganga siya sa mga ito. "You... you all knew?!" manghang tanong niya. Paanong alam ng mga ito ang nararamdaman niya para kay Rhianna gayong wala naman siyang sinasabi? Naging madalang na rin ang pagkikita nilang magkakaibigan nang makagraduate sila kaya paanong alam ng mga ito.

"You don't have to tell us for us to know," sabi naman ni George. Maging si Patricia ay ngumiti sa kaniya na patunay na may alam ito. Si Jet ay nagkibit balikat lang. Sa mga ito ay ito ang alam niyang may alam talaga dahil saksi ito sa una nilang pagkikita ni Rhianna. Pero alam niyang malabong sinabi nito iyon sa barkada nila. Hindi madaldal si Jet sa mga alam nito, hindi gaya ni Yuuji na daig pa ang tabloid sa pagkachismoso.

Pagak na lamang siyang tumawa at sinaid ang laman ng bote niya ng beer. "Fine. Alam niyo na kung alam niyo na. But what difference would it make? Sabi niyo nga mukhang nagkakamabutihan naman sila ng lalaking iyon. Besides, Martin doesn't like me for her sister. Kahit noon," aniyang tiningnan si Martin.

Nalipat naman ang tingin ng mga ito kay Martin at hinintay itong magsalita. Umiling si Martin. "Pare, hindi ko sinabing ayoko sa iyo para kay Rhianna. Ang sabi ko lang kung hindi ka seryoso sa kaniya ay layuan mo siya. Now tell me, seryoso ka ba sa kaniya?" seryosong tanong nito.

TIBC BOOK 3 - THE HEART THIEFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon