Chapter 5

6.3K 325 18
                                    

SAGLIT na nagkatinginan ang mga lalaki at muling tiningnan si Cedric. Marahil ay sinisiguro ng mga ito kung nagsasabi ito ng totoo. Si Rhianna ay muling napatingala rito. Bahagya siya nitong niyuko at pabulong na nagsalita. "Sumakay ka na lang kung gusto mong makaalis ng ligtas dito."

Hindi siya nagsalita at napatitig na lang dito. Tama ba ang pagkakaintindi niya na tinutulungan siya nito? Pero bakit? Kanina lang ay tila nais siya nitong saktan. Ngayon naman ay pinagtatakpan siya nito.

"Ah ganoon ba. Ngayon ka lang nagsama ng babae rito ah. Balak mong magpasikat sa karera ngayon? Sinasabi ko sa iyo hindi ka namin pagbibigyan," sabi ng malaking lalaki matapos bumakas ang tila nanghihinayang na kislap sa mga mata nito.

Tumawa si Cedric at lalo pa siyang inilapit sa katawan nito. "Alam ko iyan. Pero pagbubutihan ko rin this time since my girl wants to document my race today. She loves memories you see," sabi pa nitong hinawakan ang kamay niyang may camera at bahagya iyong ipinakita sa mga ito.

Tumango tango naman ang mga ito habang nakatitig sa camera niya. Pagkuwa'y pumalatak ang kanina pa nagsasalita. "Ingat lang. Baka kung saan makarating ang video na makukunan niya alam mo na kung anong mangyayari sa kaniya."

"Wag kayong mag-alala, sagot ko siya," sagot ni Cedric.

Saglit pa na pinasadahan siya ng tingin ng mga ito bago umalis matapos ipaalala kay Cedric ang karera. Ilang saglit pa siyang hindi nakagalaw at napatingin na lamang sa papalayong bulto ng mga ito. Natauhan lang siya nang muli niyang maramdaman ang pagpisil nito sa balikat niya. Mabilis siyang kumalas dito at tiningala ito. Nakatingin lang din ito sa kaniya. May kumislap na pagkalito sa mga mata nito na para bang kahit ito ay hindi alam kung bakit tinulungan siya nito.

"Salamat sa pagtatakip mo sa akin," sa wakas ay nasabi niya.

Saglit pa siya nitong tinitigan bago ito nagbuga ng hangin at hinawi ang buhok patalikod. "It's not that I really want to do it. Mahalaga lang sa akin ang lugar na ito at ayokong madungisan iyon. At iyon ang mangyayari kapag napasakamay ka nila o mahuli ka nila sa ginagawa mo. Ngayon umalis ka na habang may pagkakataon ka pa," sabi nitong tinalikuran na siya at tangkang aalis na.

Mabilis na gumana ang utak niya. "Wait! Hindi ako pwedeng umalis ngayon.This is the only chance I have para makakuha ako ng footage. Tinulungan mo na ako baka pwede namang lubusin mo na?" aniya rito kasabay nang pagpigil sa braso nito.

Napaigtad ito at mabilis na napalingon sa kaniya. Nakakunot ang noo nito. Marahil ay naiirita na ito sa kakulitan niya pero hindi niya talaga pwedeng palampasin ang pagkakataong iyon. "I promise na hindi malalagay sa alanganin ang biker's grill o ang ginagawa niyo. I will protect the confidentiality of my source. Kaya pwede bang magkunwari ka pa ring girlfriend mo ako para makunan ko ang karera at makapasok ako sa biker's grill pagkatapos? Gusto ko rin kasing makausap ang may-ari ng bar. Promise tatanawin kong malaking utang na loob ito sa iyo," pakiusap niya pa rin.

Tuluyan na itong humarap sa kaniya. Naging matiim ang tingin nito. Pagkatapos ay bumaba ang tingin nito sa kamay niyang nasa braso pa rin nito. Biglang nag-init ang mukha niya at mabilis na nabitawan ito. Bigla siyang nakaramdam ng pagkapahiya ngunit ayaw niya iyong ipahalata rito. Muli niyang sinalubong ang tingin nitong tila tumatagos sa kaniya. "S-so? Tulungan mo naman ako o," aniya pa rito.

Napasinghap siya nang bigla itong humakbang palapit sa kaniya dahilan upang maging ga hibla na lamang ang layo nila sa isa't isa. Halos nararamdaman na nga niya ang init na nanggagaling sa katawan nito. Tinitigan siya nito na para bang tinatakot siya nito. "It's not easy to be my girlfriend. Kahit kunwari lang. I bet you know that by now right?" seryosong sabi nito na tila nanghahamon.

Sa sinabi nito ay bigla niyang naalala ang eksenang naabutan niya kanina. Nag-init ang mukha niya sa implikasyon ng pagpapaalala nito niyon sa kaniya. Ang gusto ba nitong sabihin na kung gusto niyang magpanggap na nobya nito ay dapat maging ganoon siya kaintimate dito? Parang hindi niya kaya! Ngunit bakit tila may parte ng utak niya ang inaanticipate na magkaroon siya ng ganoong eksena kasama si Cedric? At kailan pa naging malaswa ang isip niya? Ipinilig niya ang ulo upang alisin ang agiw sa utak niya.

TIBC BOOK 3 - THE HEART THIEFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon