HINDI rin napakali si Rhianna. Hindi siya matahimik dahil sa mga sinabi ng kuya niya. Kaya matapos ang saglit na pagkabalisa ay mabilis din siyang nagbihis na muli at tinawagan si Carrie upang magpasama sa Biker's Grill. Takang nagtanong ito kung bakit dahil parang may iba raw sa boses niya. Sinabi na lamang niya na saka na ito magtanong.
Kaya gamit ang sasakyan ni Carrie ay nagtungo sila sa Biker's Grill. "Teka, ang sabi mo baka nandito ang kuya mo hindi ba? Baka makita niya tayo," nag-aalalang tanong nito habang nagmamaneho.
"Hindi iyan. Hindi tayo magpapakita," walang buhay na sabi niya. Ang totoo, ang mahuli ng kuya niya ang huling bagay na nasa isip niya sa mga oras na iyon. Ang nasa isip lamang niya ay makita at makausap si Cedric. Ang malaman mula rito ang katotohanan at nang mapalagay na siya.
Tulad ng dati ay inihimpil ni Carrie ang sasakyan nito sa di kalayuan. Ngunit sa pagkakataong iyon ay dalawa na silang bumaba ng kotse nito at mabilis na naglakad patungo sa Biker's Grill. Napa-wow si si Carrie nang makita ang Bar at ang mga nakahilerang motorsiklo sa tapat niyon. Siya naman ay nakatutok ang tingin sa pintuan niyon at kumukuha ng lakas upang pumasok doon.
Ngunit bago pa niya maihakbang ang mga paa palapit doon ay bumukas na iyon. Tila dinurog ang puso niya nang makita si Cedric na siyang lumabas doon. May dalawang sexying babae na halos wala ng itago ang saplot sa katawan na nakadikit sa magkabilang gilid nito. Ang dalawang kamay nito ay nasa magkabilang baywang ng mga babae, the same hands that used to touch her a lot. Naramdaman niya ang paghawak ni Carrie sa braso niya, marahil ay alam nito ang nadarama niya. Nag-init ang mga mata niya.
Nang mapatingin ito sa kaniya at masalubong niya ang mga mata nito ay nakita niya ang saglit na pagbakas ng pagkagulat sa mga mata nito na nahaluan ng kung ano pang emosyon. Ngunit saglit lamang ay nawalan rin iyon ng emosyon. Ni hindi nito tinangkang alisin ang mga kamay sa mga babae. Muntik na siyang pumalahaw ng iyak pero pinigilan niya ang sarili niya. Hindi siya ang tipo ng babaeng umiiyak lalo na sa harap ng taong nananakit sa kaniya.
"What are you doing here? May kailangan ka na naman bang kunan?" walang emosyong tanong nito. Base sa pagsasalita nito ay mukhang nakainom ito.
Itinaas niya ang noo kahit ang totoo ay nanlalambot na ang mga tuhod niya sa labis na emosyon. "Ikaw ang ano ang ginagawa? Kakahiwalay pa lang natin pero ngayon ay may kasama ka ng babae? At dalawa pa?! Why are you doing this?!" tanong niya rito sa bahagyang mataas na tinig.
Sa pagkamangha niya at tumawa ito. Sinabayan pa iyon ng dalawang babae na tinaasan pa siya ng kilay. "Excuse me miss, sino ka ba para magsalita ng ganiyan kay Cedric?" tanong ng isang babae.
Tinaasan din niya ito ng kilay. There is no way na magpapaintimidate siya sa kahit kanino much less sa mga babaeng ito! "I am his girlfriend," mariing sabi niya.
Imbes na magulat ay lalo pang tumawa ang mga ito. "Oh stupid girl iyan ba ang pinagmamarkulyo mo? Pinagmumukha mo lang tanga ang sarili mo kung iniisip mong magiging faithful siya sa iyo. Cedric is not owned by anyone," sabi ng isa pa.
Parang dinukot ng mga ito ang puso niya at inapakan sa mga sinabi ng mga ito. Puno ng hinanakit na tinignan niya sa mga mata si Cedric. He saw him flinched. Marahil ay hindi nito akalaing mahuhuli niya ito sa akto. "Totoo ba? Totoo ba na hindi ka seryoso sa akin at pagsasawaan mo rin lang ako?" nanunumbat na tanong niya.
Iniwas nito ang tingin sa kaniya pagkuwa'y nagkibit balikat ito kasabay nang pagakbay nito sa dalawang babae. "Dahil sumugod ka rito ay malamang na nakausap ka na ni Martin tama? So alam mo na siguro ang lahat ngayon at wala na akong kailangan sabihin pa," balewalang sabi nito at nagsimulang maglakad patungo sa mga motorsiklo.
BINABASA MO ANG
TIBC BOOK 3 - THE HEART THIEF
RomanceParang gustong mag-back out ni Rhianna nang malaman niyang isa sa mga celebrity na idi-direct niya sa gagawin niyang liquor commercial ay si Cedric Marcelo, ang sikat na international motorcycle racing champion. She fell in love with him ten years a...