Chapter 4

6.5K 328 10
                                    


"YANA, sigurado ka ba talaga dito? Kapang nalaman ito ni Martin hindi lang ikaw ang pagagalitan niya, mababad shot din ako sa kaniya," kanina pa paulit-ulit na angal ni Carrie kay Rhianna. Sakay sila ng kotse nito at nakapark sila sa isang bakanteng lote ilang metro mula sa mainroad na walang katao-tao o sasakyan man lang.

"I am sure. Matagal kong pinagisipan ang magiging topic ko para sa documentary film na gusto kong gawin. At sigurado akong mananalo ako kung ang tungkol sa underground motor racing ang gagawin ko," determinadong sabi niya rito.

Matagal ng bali-balita hindi lamang sa all-girl's school na pinapasukan nila ni Carrie kung hindi maging sa mga kalapit na unibersidad ang tungkol sa nagaganap na underground motor racing sa liblib na parteng iyon ng kalsada na matatagpuan sa pagitan ng mga magkakalapit na unibersidad. Noon ay iniisip niya na Urban Legend lang iyon sa eskuwelahan lalo na sa kanilang all-girl's na interesado sa mga men related topics.

Pero minsang bumisita ang pinsan niyang si George at ang kababata nito at ng kuya niya na si Yuuji sa bahay nila ay aksidenteng narinig niya ang usapan ng mga ito. Nalaman niya ang dahilan ng madalas na pag-uwi ng kuya niya nang sobrang gabi na at pagpili nitong motorsiklo ang gamitin imbes na ang nakahilerang sasakyan nila sa pagpasok. Iyon pala ay sumasali ang mga ito sa underground motor racing na iyon.

Kaya naman nang magdesisyon siyang sumali sa isang documentary film festival na sponsored ng isang malaking organisasyon sa bansa ay iyon agad ang sumagi sa isip niya na topic. Mas lalong tumindi ang paghahangad niyang i-pursue ang dokyu niyang iyon nang magkaroon sila ng papa niya ng pustahan na nakataya ang kagustuhan niyang maging isang mahusay na director balang araw.

Tumingin siya sa wristwatch niya. Mag-aalasnuwebe na ng gabi. Muli niyang tiningnan ang camcorder niya at sinigurong fully charged ang battery niyon. Sinet-up na rin niya iyon sa night mode para makakuha siya ng magandang footage sa dilim. Malaki ang tiwala niyang mananalo siya kapag iyon ang isasali niya. "Great all set!" masayang sabi niya.

"I still think this is crazy Yana. Kapag nalaman ni Martin na kinunsinti kita ay tiyak na bad shot talaga ako sa kaniya. Paano kung kasali pala sila ngayong gabi sa karera at mahuli nila tayo? Sasabunutan kita kapag tuluyan na niya akong hindi pinansin," reklamo pa rin ni Carrie.

Itinirik niya ang mga mata. Sa hindi pa rin niya makuhang dahilan ay patay na patay ito sa kuya niya. "For your information matagal ka ng bad shot sa kaniya. Kaya okay lang iyan. Besides naconfirm ko na na hindi sasali si kuya sa karera ngayon. May tinatapos siyang software na pinapagawa ni papa sa kaniya. At ayon sa pasimpleng pagtatanong ko sa kaniya kaninang umaga ay may iba ring gagawin ang mga kaibigan niya ngayong gabi. Kaya wala sila. At iyon ang sasamantalahin ko," aniya pa rito.

Nagbuga ito ng marahas na paghinga. "Fine. Tara na nga para matapos na ito agad," sabi nitong tinangkang lumabas ng kotse nito.

Mabilis niya itong pinigilan. "No! Ako lang ang pupunta. Masyadong kahina-hinala kung dalawa tayo. Besides masyado kang maganda para isuong kita sa lugar ng mga tigre. Baka makursunadahan ka doon. Puro lalaki iyon at hindi natin alam kung ano ang likaw ng mga bituka ng mga tao 'don," sabi niya rito. Ayaw niyang mapahamak ang kaibigan niya dahil sa kaniya.

Bumakas ang pagkamangha sa mukha nito. "Now that's what you call really crazy Rhianna! Ano ang tingin mo sa sarili mo hindi babae na hindi makukursunadahan? Mas delikado ang naiisip mong iyan! Pati sila tito at tita papatayin ako kapag pinayagan kita! No uuwi na lang tayo kung ganiyan ang set up," pinal na sabi nito at binuhay ang makita ng kotse nito.

"Wait lang Carrie makinig ka muna!" pigil niya rito. Tiningnan siya nito. "Sa tingin ko kasi mas maganda kung ikaw ay nasa safe na lugar. Tatawagan kita kung tapos na ako at susunduin mo na ako. Kapag nasa alanganing sitwasyon ako nakaemergency number kita kaya ma-ko-contact kita agad. Kapag nasa safe na lugar ka pwede ka tumawag ng tulong. Hindi ba mas magandang plano iyon? Kapag dalawa tayong naroon sino ang hihingi ng tulong hindi ba?" paliwanag niya.

TIBC BOOK 3 - THE HEART THIEFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon