Yoola's POV
"Maaga pa ah. Maglalunch na ba tayo?" Tanong ko kay kuya nang pumasok na siya ng opisina ko ng wala pang tanghalian."I'm not here for lunch. Balak ko sana sabihin sayo ang gusto kong sabihin pagkatapos na natin maglunch, kasi baka mamaya mawalan ka na ng gana kumain. Pero di na ako makapaghintay na sabihin na sayo." Sabi ni kuya na mukhang mainit ang ulo.
Umayos ako ng upo sa upuan ko at tumingin sa kanya ng direkta. "Ano ba ang sasabihin mo. 'Yun ba ang dahilan kung bakit masama ang mood mo ngayon?"
Pasalampak na umupo si kuya sa upuan na madalas niyang upuan kapag kumakain kami. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang doctors robe at pinalapit ako sa kanya pagkatapos. Kunot nuo naman akong lumapit sa kanya.
"Ano bang meron?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanya at saka ako tumingin sa screen ng cellphone niya.
"Liam told me something about Trevor and you won't like it." Kinabahan agad ako sa sinabi ni kuya.
"B-Bakit ano ba ang sinabi ni kuya Liam?" Kuya Liam is one of his friends at silang tatlo nila Trevor ay nasa iisang circle of friends.
"Tsk!" Napailing si kuya at ilang sandali pa ay lumabas na sa screen ng cellphone niya ang mga pictures ni Trevor na may kasamang babae.
Hindi ko alam kung ito ba yung kasama ni Trevor nung mahuli ko siya sa isang sasakyan nung minsan na nagdala ako ng lunch sa Library Hub. Gusto ko umiyak pero hindi ko gagawin 'yon sa harap ng kapatid ko. Ayokong makita niya ako sa miserableng lagay. Alam kong malaki na ang galit niya kay Trevor at mas lalaki pa 'yon kung ipapakita ko na sobra na akong naaapektuhan.
Nagkatinginan kami ni kuya pagkatapos niyang ipakita ang mga pictures na nasa cellphone niya. "You won't cry?" Tanong niya agad.
Ngumiti ako ng malungkot saka bumalik sa upuan ko. Kahit noon pa man ayokong nakikita ako ni kuya na nahihirapan dahil alam ko na sobrang laki ng impact non sa kanya. Buti na lang talaga ay sanay na akong pigilin ang luha ko kahit na nga ba nahihirapan na akong huminga. Sumisikip na ang puso ko dahil sa pagpipigil kong ilabas ang sama ng loob ko.
"Kanina lang sinabi sa akin ni Liam dahil hindi pa raw siya sigurado nung una kung totoo nga na may namamagitan sa kanila nung kasama niyang babae. Kanina lang niya naalala na sabihin sa akin nung nakita niya ulit si Trevor kasama ang parehong babae na kasama niya sa picture sa mall." Paliwanag pa ni kuya.
"Matagal na raw minamanmanan ni Liam ang mga kilos ni Trevor simula nung ilang beses niya ng makita na magkasama ang dalawa." He added.
"Nasaan daw si kuya Liam? Pwede ko ba siya makausap?" Nanginginig ang boses na sabi ko kay kuya dahil sa nagbabadya kong pag-iyak.
"Inutusan ko siya kanina na sundan ang dalawa hanggang sa maghiwalay ang dalawa. 'Yon ang ginagawa niya sa mga oras na 'to." Seryosong sabi ng kapatid ko.
"Tawagan mo siya kuya please. Gusto kong makausap si kuya Liam." Wala na akong pakialam kung punong-puno na ng pagsusumamo ang boses ko.
Napailing naman si kuya at tinawagan nga si kuya Liam. Nilouspeaker niya ang tawag para marinig ko kahit medyo malayo ako sa kanya. "Hello bud! Nasa mall ka pa rin ba?" Tanong ni kuya nang sagutin na ni kuya Liam ang tawag.
"Yes bud! Sinusundan ko pa rin yung dalawa. Nandito sila sa arcade naglalaro ng basketball." Sa sinabing 'yon ni kuya Liam ay hindi ko na napigilan ang maiyak. Tumalikod ako ng upo para hindi makita ni kuya ang pag-iyak ko.
"Alright. My younger sister is now in pain because of that bastard! Magtutuos kami kapag wala na akong duty." Narinig ko gigil na sabi ni kuya.
"Tell Y to quit playing the game with Trev. She lose already. Lalo lang siyang masasaktan kung ipagpipilitan pa niya lalo ang sarili niya kay Trevor. Mas mabuti pa na tigilan na niya ang nararamdaman niya kay Trev dahil may mas deserving pa na lalaki para sa kanya. Who knows if Trevor is really not the right one for her." Klarong sabi ni kuya Liam sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Love Me Back (COMPLETED)
RandomI give my everything! I don't know what is the reason why he still choose other girl over me. I always ask myself what else should I do so that he will choose me. But in the end he didn't appreciate my efforts. I hope and wished that he change his m...