CHAPTER 19: CURIOUS OR JEALOUS

1K 25 0
                                    

Trevor's POV
"Ang sakit ng paa ko." Daing ko pagkaupo naming dalawa ni Liam dito sa sofa na nandito sa unit ko.

"Masasanay ka rin kapag lagi kang nandito sa Camp-O at maya't maya ay may kailangan kang gawin sa baba. Nakakatamad kayang mag-akyat baba kahit na may elevator naman." Liam added while seating comfortably in the sofa with me.

"Excuse me." Paalam niya nang tumunog ang cellphone niyang hawak.

Tumango lang ako at saka tinutok ko ang atensyon ko sa cellphone ko naman. "Hello Y." Napasilip ako kay Liam nang marinig ko na binaggit niya si Y.

Tinuon ko ulit ang pansin ko sa cellphone ko pero ang pandinig ko naman ay nakapokus kay Liam na kausap yata si Y. Dahil katabi ko lang siya ay madali para sa akin na marinig lahat ng sinasabi niya. "What?! Okay wait for me. Kukunin ko para sayo."

I observe Liam while putting his phone back to his pocket. "May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya nung tumayo na siya.

"Hindi naman importante. Alis na ako Trev." Sabi nito habang nagmamadaling magpunta sa pinto ng unit ko.

"Sandali!" Tumayo rin ako saka ko siya hinabol palabas ng unit. "May nangyari ba kay Y?" Dagdag tanong ko pa sa kanya.

Hindi naman ito makatingin sa akin at sa halip ay sa hallway itinuon ang tingin. "Wala naman. May pinakuha lang siya sa akin. Nakisuyo lang. Mauna na ako sayo." Sabay tapik pa niya sa balikat ko.

Tumalikod na siya at papunta na sa elevator nang pigilan ko siya ulit. Sa kilos ni Liam na may pagmamadali ay alam ko na may hindi magandang nangyayari. May itinatago ba sila sa akin? Madali lang naman paaminin 'tong si Liam kung ano man ang tinatago niya sa akin kaya huwag na siyang mah-agsaya ng oras na magsinungaling sa akin.

"May itinatago ka ba sa akin Liam?!" Kalmado kong sabi dahil ayoko na pag-awayan pa namin 'tong dalawa.

"Nagmamadali ako Trevor! Mamaya na lang tayo mag-usap pagbalik ko. Saka wala akong tinatago sayo. Kailangan ko lang talagang magmadali dahil kailangan na kailangan na ni Y ang pinapasuyo niya sa akin." Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa balikat niya at naglakad na ulit papunta sa elevator.

Dahil may pagkamakulit din ako ay sumunod ako sa kanya hanggang sa makapasok din ako sa elevator pababa kasama niya. "Tsk! Ano ba Trev! Mamaya na tayo mag-usap. Huwag ka munang makulit bro!" Yamot na sabi niya sa akin.

"Isang tanong isang sagot Liam. Nililigawan mo ba si Y?!" Wala na akong pakialam kung ano ang dating sa kanya ng tanong ko. Ang gusto ko makuha ko na ang sagot sa tanong ko.

Tumingin naman siya sa akin na naguguluhan. "Ano ba namang tanong 'yan Trevor? Kung nililigawan ko man nga siya wala ka na roon. Ako na ang bahala sa bagay na 'yon."

Lumakas ang tibok ng puso ko at hindi ko nagustuhan ang narinig ko mula kay Liam. "You can't court her Liam." May pinalidad ko na sabi.

He look at me then he sarcastically laugh. "And why? May I know why? Kasi wala naman akong nakikita na dahilan para itigil ko ang ginagawa ko kay Y. Hmm?"

Kinuyom ko ang kamao ko at pinakalma ko ang sarili ko. Buti na lang ay walang ibang tao rito sa loob ng elevator habang pababa kami sa ground floor. "Masisira ang pagkakaibigan niyo ni X. Baka magaya ka rin sa akin. Hindi siya boto sa akin para kay Y at baka ganon din siya sayo."

Nangingiting lumabas si Liam ng elevator at nakasunod lang ako sa kanya palabas. Huminto siya pagkalabas na pagkalabas namin ng elevator kaya naman pareho kaming nasa bungad ng elevator. Lumingon siya sa akin habang nakapamulsa sa kanyang pants.

"I don't think that will happen Trev. Me and X were best of friends compared to you. Saka kung nililigawan ko man nga si Y bakit naman kami magkakagulo ni X? Let me tell you why X hated the fact that you've been connected to his younger sister for years. It is because of his man instinct. Kutob niya na wala ka talagang nararamdaman sa kapatid niya at isa pa, halata naman na hindi mo naman pinaghalagahan si Y nung mga panahon na nanliligaw pa siya sayo."

Love Me Back (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon