Trevor's POV
"Good morning." Bati ko kila papa na kumakain na. Ngayon lang ako nagising dahil sa ilang gabi na rin akong puyat sa trabaho."Papasok ka ba? Akala ko mamaya ka pa gigising." Sabi ni mama saka ikinuha ako ng pinggan.
Nang mailagay na niya ang pinggan sa harap ko ay nagsimula na rin akong kumain kahit inaantok pa ako. Inaantok pa talaga ako pero hindi naman na ako makabalik sa tulog. Puro masasama kasi ang napanaginipan ko kaya naman mas pinili ko na lang gumising at sumabay na mag-agahan kila mama. Mamaya ko na lang itutuloy ang tulog ko. Maaga na lang makauwi mamaya galing sa work.
"Magpahatid ka na lang dito kay bunso Honey. Kaysa naman mamasahe ka pa. Saglit ka lang naman diba?" Napatingin ako kay ate dahil sa sinabi ni papa.
"Bakit saan ba ang punta mo?" Tanong ko tuloy sa kanya.
"Sa Safewest. Kukunin ko lang yung blood test ko. Naflat kasi yung gulong ng motor ko kaya mamamasahe na lang ako papunta roon." Sagot naman ng kapatid ko habang humihigop ng kape.
Nagpantig naman ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan ng hospital. It is the hospital owned by Y and X. "Blood test? May sakit ka ba?" Usisa ko pa sa kanya.
Bahagya naman siyang natawa bago sumagot ulit. "Loko wala! Nagpablood test lang ako kasi requirement sa medical ko bago ako maaprubahan papunta sa South Korea." Napatango naman ako habang kumakain.
Matagal na rin kasing balak ni ate na magtrabaho abroad at ngayon lang siya nakahanap ng magandang trabaho roon. Madami kasing naghahanap ng domestic helper sa South Korea pero ayaw ni ate ng ganon. Isa pa ay kontra rin sila papa dahil nakapagtapos naman si ate ng pag-aaral kaya mas mainam daw kung sa mga opisina siya mapapasok.
"Baka may lakad ka pang iba. Sasamahan na kita." Alok ko pa sa kanya.
"Ahm wala naman na. 'Yon lang talagang result ng medical ko na lang ang inaasikaso ko. Maligo ka na, antayin kita." Tumango ako at tinapos ko na ang pagkain ko.
"Kamusta na kayo ni Yoola? Nagkausap na ba kayo ulit?" Tanong naman ni mama habang kumakain pa ng longganisa.
"Hindi pa nga rin mama eh. Saka pinagbawalan na ako ni X na lumapit kay Y." Sabi ko naman.
"Bakit hiwalay na ba kayo ni Y?" Sabat naman ni ate na walang kaalam-alam sa nangyari.
Dahil sa tanong ni ate ay si mama ang nagkwento sa kanya ng nangyari sa amin ni Y habang ako naman ay hindi pa rin umaalis sa hapag dahil inilabas ni mama ang leche flan na ginawa niya pa kahapon. "Hala ka bunso anong ginawa mo kay Y?" Nang-aakusa na sabi ni ate.
Hindi na lang ako umimik at kumain na lang ako nang kumain ng leche flan. "Diba sabi ko sayo dalhin mo rito yung nililigawan mo. Ano nga ulit pangalan non?" Dagdag pa ni mama. Hindi ko pa nga naikukwento sa kanya yung ginawa sa akin ni Raven nung isang araw.
"Binasted na niya ako ma. Nung isang araw lang." Walang buhay na sagot ko.
Si papa naman ay napatigil sa pagkain ng agahan. "Marami pang ibang babae riyan Trevor. Makakahanap ka pa." Sabi naman sa akin ng ama ko na para bang pinalalakas niya ang loob ko.
Binatukan naman ito ni mama kaya naman napa-aray ito. "Bakit mo naman ako binatukan ma?" Ungot ni papa rito na katabi lang ni mama.
"Kinukunsinti mo kasi 'tong si Trevor kaya tignan mo ginawa. Pagkatapos ligawan ni Y iniwan lang niya yung bata. Alam mo natuwa pa nga ako ng malaman ko na binasted ka nung nililigawan mo anak. Karma mo 'yan sa lahat ng ginawa ko kay Y." Giit naman ni mama.
"Ma ang prangka mo na naman magsalita." Saway naman ni ate rito na tumayo na at inilagay ang pinagkainan sa lababo.
"Bakit Honey totoo naman kasi ang sinasabi ko. Hayaan niyo lang akong pagsabihan ng pagsabihan 'tong si Trevor dahil parang kulang na sa sermon at nananakit na ng babae." Napailing naman si papa saka bumaling sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Me Back (COMPLETED)
DiversosI give my everything! I don't know what is the reason why he still choose other girl over me. I always ask myself what else should I do so that he will choose me. But in the end he didn't appreciate my efforts. I hope and wished that he change his m...