CHAPTER 13: WRONG PERSON

1K 23 0
                                    

Yoola's POV
Tumayo agad ako sa sofa nang marinig ko ang pagbusina ng sasakyan. Sinundo lang kasi si kuya ni kuya Liam dito at hindi na ito pinagdala ng sasakyan kaya obligado talaga na ihatid niya si kuya rito pag-uwi. 'Yon nga lang di ko na kaya ang pag-atake na naman ng sakit ko kaya naman tinawagan ko na si kuya kahit ayoko sana siyang istorbohin sa bonding nilang magkakaibigan.

Halos isang oras na ring dumudugo ang gums ko kaya naman natakot na ako. Baka maubusan ako ng dugo kung patuloy na dumugo ang gums ko. Buti na lang nga at medyo humina na ang pagdurugo. Patakbo kong tinungo ang gate nang makita ko si kuya Liam na akay na si kuya sa harap ng gate. Pinagbuksan ko naman sila agad at inalalayan ko sila habang papasok sa bahay.

"Dito na lang sa sofa kuya. Kapag nahimasmasan naman na si kuya ay kaya na niyang magpunta sa kwarto niya." Sabi ko kay kuya Liam na akay si kuya papunta sa sofa.

"You sure?" Paninigurado pa nito.

"Yes. Ako na ang bahala sa kanya." Inayos ko ang paa ni kuya na lumaylay sa sahig dahil sa paghiga ni kuya Liam dito.

"Aalis na ako. Kamusta ang pakiramdam mo?" Nabanggit ko kasi sa kanya na dumudugo ang gums ko kani-kanina lang. Hindi naman niya malalaman kung ano ang sakit ko roon kaya panatag ako.

"M-Medyo okay na ako kuya. Salamat sa paghatid sa kapatid ko." Tumango naman ito at saka ginulo ang buhok ko saka inabot sa akin ang isang plastic.

Inabot ko ito at nang buklatin ko ay naamoy ko agad ang amoy ng paborito kong hamburger. "Pulutan namin sa inuman. Eh di naman kami mahilig diyan kaya sabi ni X iuwi na lang niya sayo."

Naguguluhan man ay nginitian ko naman siya. Hamburger para sa pulutan?! "Salamat."

Ngumiti rin ito pabalik at naglakad na papunta sa bungad ng pinto. Sinundan ko siya para maihatid sa labas at ng maisara ko ang gate. Huminto siya nung palabas na kami ng bahay. "X told us." Mahina niyang sabi na ikinatingin ko sa kanya.

"Told you the what?" Nagtataka kong tanong.

"About your leukemia." Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko. Kung sinabi ni kuya sa kanila ang sakit ko ay makakarating panigurado kay Trevor 'yon. O baka alam na niya dahil hindi naman nawawala 'yon sa inuman ng barkada lagi.

Parang nabasa naman ni kuya Liam ang reaksyon ko kaya nagsalita siya ulit. "Don't worry. Trevor wasn't around when he told us. He also told us not to tell Trevor anything because you said so. Your brother is really worried of you Y, so take care of yourself very well. Sinabi niya sa amin ang bagay na 'yon para may mahihingan siya ng tulong kung kinakailangan. Leukemia is a cancer. Hindi dapat binabaliwala ang bagay na 'yan kaya sana maintindihan mo na malalapitan kami ni kuya mo kung kailanganin niyo ng tulong na dalawa."

Naintindihan ko naman agad ang sinabi n kuya Liam. Ayoko na ring pag-alalahanin pa masyado si kuya. Basta huwag lang malaman ni Trevor ang tungkol sa bagay na 'to. Ayokong mas kainin pa siya ng konsensya niya. "Salamat ng marami kuya Liam. Ingat sa pag-uwi."

Natawa naman ito at nagsalita bago dahan-dahan na naglakad papunta sa gate. "Hindi pa ako uuwi. Babalik pa ako sa inuman. Maaga lang talagang nalasing si X. Siya nga pala ayos lang ba na banggitin ko kay Lady Boss ang tungkol sa sakit mo? Baka kapag kasi gumamot ka ng mga may sakit sa Camp-O mapahamak ang lagay mo."

He is referring to Seindra Figuerro. Lady Boss kasi ang tawag nila rito bilang paggalang dahil ito ang pinuno nila ngayon. Lady Boss na rin ang tawag ko sa kanya dahil tinanggap ko ang alok nila sa akin. Dahil nandito lang naman na ako sa bahay ay pwede nila akong tawagan anytime, huwag lang kapag nandito si kuya dahil mahuhuli niya ako.

"Okay. Thank you for asking." Kumaway naman na ito habang naglalakad na papunta sa gate.

Tinulak na ni kuya Liam ang gate para makalabas siya at nung tumingin ako sa sasakyan niya dahil parang may nakatingin sa akin ay natuod pa ako sa kinatatayuan ko. Trevor is inside the car of kuya Liam while looking at me and his right hand is outside the car with a cigarette on it. Akala ko tumigil na siya sa paninigarilyo niya, pero hindi pa rin pala.

Love Me Back (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon