CHAPTER 15: NOT GETTING BETTER

1K 19 0
                                    

Yoola's POV
Pag-uwi ko rito sa bahay ay wala pa si kuya at wala pa kaming dinner kaya naman ako na ang nagluto ng dinner namin ni kuya kahit pagod na pagod na ako galing sa Camp-O. Hindi pwedeng mahatala ni kuya na pagod ako dahil mag-aalala na naman 'yon ng husto saka isa pa ay wala siyang alam na umalis ako ng bahay ngayong araw.

Kinuha ko ang hipon sa ref saka hinayaan kong matanggal ang pagyeyelo nito habang hinahanda ko na ang paglulutuan. Pagkatapos kong maigayak ang kawali, tong at ang mga breading ay binalikan ko ang mga hipon na sakto namang hindi na sobrang lamig. Nagsaing muna ako bago ko inasikaso ang mga hipon.

Pagkatapos kong isalang sa rice cooker ang kanin ay ang ulam naman namin ang tinutukan ko. Nilagyan ko ito isa-isa ng binating itlog, harina at bread crumbs saka ko pinainitan ang mantika sa kawali. Ramdam na ramdam ko ang pagsakit ng mga buto ko habang inaasikaso ko ang pagkain namin ni kuya sa gabi na 'to.

Napatakbo ako sa lababo nang may malasahan na naman akong konting dugo mula sa bibig ko kaya naman nagmumog agad ako para macheck at medyo nagbibleeding na naman nga ang gums ko. Sinilip ko sandali ang niluluto kong tempura na nasa kumukulong mantika at saka ko hinango ang mga ito nang makita ko na luto na ang mga ito. Nagsalang pa ulit ako ng ilang hipon na natira sa plato bago ko inasikaso ulit ang sarili ko.

Laking pasasalamat ko nang sa wakas ay naluto na ang ulam namin at wala naman dapat ikabahala sa kanin dahil hindi naman ito masusunog. Pagod akong umupo sa upuan sa hapag kainan pagkatapos kong takpan ang mga tempura. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko na naninikip ang puso ko at nahihirapan akong huminga.

Rinig na rinig sa buong dinig area ang mga paghinga ko ng malalim dahil natatakot ako na baka bigla na lang akong mawalan ng malay dahil sa nangyayari sa akin. Ayokong mangyari 'yon dahil baka maabutan pa ako ni kuya na ganito ang lagay at talagang mag-aalala na naman ng sobra 'yon.

Tinakbo ko ang hagdan papunta sa kwarto ko at saka hinanap ko ang mga gamot ko. Hinalungkat ko ang gamot ko na iniinom ko sa tuwing nagtitrigger ang mga sintomas ng sakit ko pero parang nawalan na ako ng pag-asa nang makita ko na wala ng kalaman-laman ang basyo. What to do Y! Think fast!

Tumakbo ulit ako pababa ng hagdan kahit na nahihirapan pa rin akong huminga saka kinuha ko ang susi ng kotse ko sa sabitan at umalis ako ng bahay para pumunta sa pinakamalapit na botika. Halos hindi na ako makapagdrive ng maayos dahil sa nararamdaman ko.

Pagdating ko sa botika ay inilabas ko agad ang reseta sa akin ng doktor pero may tatlo pang nauna sa akin sa pilihan. "P-Pwede po bang mauna na ako sa i-inyo? Umaatake po kasi ang sakit ko." Pakiusap ko sa kanilang tatlo at buti na lang ay mababait ang mga ito at pinauna na nga ako.

Pagbalik ko sa kotse ay ininom ko agad ang gamot ko saka hinayaan ko munang kumalma ang sarili ko bago ako bumalik sa bahay namin ni kuya. Naabutan ko ang kapatid ko na sinasara na ang gate namin at nakapasok na ang kotse niya sa garahe pagbalik ko. Bumusina ako kaya napatingin siya sa dala kong kotse saka kunot nuong pinagbuksan ako ng gate.

Pagkaparada ko ng kotse ko sa garahe namin ay nakatayo na si kuya sa bungad ng pinto at hinihintay ako na dumaan doon. Mukhang bad mood na naman ang isang 'to pero gwapo pa rin at ang angas ng dating sa suot niyang uniporme ng doktor. Bagay na bagay talaga sa kanya ang propesyon niya.

"Saan ka nagpunta?" Tanong niya pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya. Sabi na nga ba at ito ang ibubungad niya sa akin eh.

"Bumili lang ako ng gamot sa botika. Umatake na naman kasi ang mga sintomas ng sakit ko at wala na pala akong stock ng gamot pampakalma." Inangat ko ng bahagya ang maliit na paper bag na naglalaman ng mga binili kong gamot saka pumasok sa loob ng bahay.

Ibang-iba na ang pakiramdam ko kaysa sa kanina. Wala na ang mabigat na paghinga ko at ang mga buto ko ay hindi na rin ganoon kasakit.

"Diba sabi ko sayo kapag umaatake ang sakit mo tawagan mo lang ako?" Sabi ni kuya at saka umupo sa tabi ko.

Love Me Back (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon