Trevor's POV
Napatingin agad ako sa entrance ng building kung nasaan ang unit ni Y. Kanina ko pa siya inaantay na lumabas ng building pero isang oras na akong mahigit dito sa isang hilera ng mga puno malapit sa building nila ay hindi pa rin siya lumalabas. Nakaupo lang ako sa semento na pwedeng upuan habang pinagmamasdan ang kabuuan ng Camp-O.Ilang minuto pa ako nakaupo rito hanggang sa lumabas na rin si Yoola sa entrance. Kahit tirik na tirik ang araw ay hindi ko ininda ang init at buti na lang nga ay maraming silong dito dahil sa mga puno na nasa likuran ko lang. Hindi ko kasi siya matyempohan sa hospital dito sa Camp-O at saka madalang naman siya rito kaya naman napagpasyahan ko na lang na hintayin siya rito.
Sa paglabas niya ay hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Liam at nakaakbay ito sa kanya habang palabas sila. Masaya silang nag-uusap hanggang sa naglakad na sila palabas ng building. Walang imik akong tumayo at saka sinundan silang dalawa. Halatang hindi nila napansin na nakasunod ako sa likuran nila hanggang sa maihatid ni Liam si Y sa loob ng hospital.
Hindi na pumasok si Liam sa loob ng hospital at basta na lang niya hinayaan si Y na pumasok sa hospital at saka naglakad na ulit papunta sa kung saan. Nang maihatid niya si Y sa entrance ng hospital ay hindi ko na sinundan pa si Liam o si Y.
Naglakad ako papunta sa restaurant na madalas naming puntahan ni Liam dito sa Camp-O saka umorder ng dalawang hamburger. Ilang restaurant din kasi ang nandito sa loob ng Camp-O pero dito lang din kasi nakakabili ng hamburger. Nang makuha ko na ang dalawang hamburger na inorder ko ay lumabas na ako ng restaurant at nagpunta sa hospital.
Hinanap ko si Y at natagpuan ko siya sa ward at mag-isa lang siya roon. May salamin kasi sa pinto kaya naman kitang-kita mula rito sa labas ang loob ng ward. Tahimik lang siya habang nakaupo at inaayos ang mga gamot na nasa harapan niya. Kumatok ako saka binuksan ang pinto ng ward.
Tumingin naman siya agad sa akin at saka hindi maipinta ang mukha niya nang makita ako. Ang sakit para sa akin na makita ko ang reaksyon niyana jlna ganon. Ibang-iba sa reaksyon niya dati na sa tuwing nakikita ako ay para siyang bata na sabik na sabik na mayakap ako.
Hindi niya ako pinansin at parang walang nangyari saka tumalikod sa akin at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hey. I bought you a snack. Your favorite." Lumapit ako sa kanya at inilapag sa lamesa niya ang binili kong dalawang hamburger na nakalagay sa paper bag.
Tinignan lang niya ito saka bumalik sa ginagawa. I sighed before I speak. "You can't ignore me for your whole life Y."
Binitawan niya ang mga hawak niyang gamot at saka tumingin sa akin pero nag-iwas din siya agad ng tingin. "Of course I can! Tigilan mo na kasi ako Mr. Legaspi. Nakukulitan na ako sayo alam mo ba 'yon?! Of course I can do that! Basta lumayo ka na sa akin at tigilan mo na ako, kaya kitang hindi pansinin habang buhay at umakto na parang walang nangyari sa pagitan natin. Go and look for other girls that is willing to give their attention to you."
Nakasimangot na sabi niya kaya alam ko na wala na siya sa mood. Sa ilang taon na kaming halos laging magkasama kaya alam ko na ang mga kilos niya. Pinanunuod ko lang siya na inaayos sa mga lalagyan ang mga gamot at saka tumayo ng mabilis. Sakto naman na may pumasok na isang nurse at bahagya pa siyang nagulat nang makita ako na nasa loob nitong ward kasama si Y.
Inalis nito ang tingin sa aming dalawa ni Y saka pumunta sa upuan niya. Natuwa ako nang kinuha ni Y ang paper bag na may lamang hamburger na binili ko bago ako magpunta rito pero nagbago rin agad ang nararamdaman ko nung iabot niya ito sa kasamahan niyang nurse na kapapasok lang dito.
"Sayo na 'yan. Wala naman ako sa mood kumain." Hindi agad nakaimik ang inabutan niya ng dala ko pero sa huli ay nagpasalamat ito.
Bumalik si Y sa mesa niya kung saan ako malapit. Kinuha niya ang mga box ng gamot saka niya ito dinala palabas ng ward. Lumabas na rin ako ng ward at sinundan siya palabas. Nang maramdaman niya na sinusundan ko siya ay huminto siya sa paglalakad saka humarap sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Me Back (COMPLETED)
RandomI give my everything! I don't know what is the reason why he still choose other girl over me. I always ask myself what else should I do so that he will choose me. But in the end he didn't appreciate my efforts. I hope and wished that he change his m...