CHAPTER 22: BRUISES

993 20 0
                                    

Trevor's POV
"Hey Trev. Good morning dude." Bati sa akin ni Liam mula sa tawag. Nakabusangot akong umupo sa kama ko at saka sumandal sa headboard ng kama dahil medyo inaantok pa ako. Ito kasing si Liam ginising ako sa pagtawag niya.

"Good morning. Bakit ka napatawag?" Napahikab pa ako dahil sa nabitin pa talaga ang tulog ko ng konti.

"Papasok ka ba ngayon? Pinapasama ka kasi ni Lady Boss. May pupuntahan kaming clearing operations." Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa akin at saka ako umalis sa kama na pupungas-pungas.

"Okay. Ano ba ang gagawin ko at kailangan ko pang sumama?"

"Ikaw ang taga dala ng mga bala namin para kapag naubusan kami sa gitna ng laban nasa 'yo ang mga reserba." Napatingin ako sa salamin ko rito sa kwarto at nanlaki ang mga mata ko. Bakit naman doon pa ako napiling pasamahin ni Lady Boss.

Isn't she aware that I'm inexperienced in that matter? Baka mabaril lang ako ng mabaril at mamatay na lang sa kalagitnaan ng laban. "I know what you are thinking. We will let you wear a bulletproof! No need to be scared. Saka isa pa sa likod lang naman kita lagi para hindi ka mapahamak." Liam added.

"Pero kahit na Liam! Nakakatakot 'yon. Bakit doon pa ako gustong pasamahin ni Lady Boss. Mas pipiliin ko pa na makulong ulit sa loob ng Camp-O ng ilang linggo kaysa naman sumama sa pakikipaglaban niyo." Ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko habang papasok ako sa loob ng sarili kong banyo para makapaghanda na.

"Para raw alam mo ang consequences ng mga ginawa mo. Tutal ikaw naman ang puno't dulo kung bakit nagkakagulo kami ngayon ng mga Salvatierra." Dahil sa sinabi niya ay naisip ko na naman agad si Y.

"H-How about Y? Kasama rin ba siya?" Hindi ko maiwasan na hindi mag-alala dahil baka mapano si Y kung isasama rin siya sa battle field.

"Hindi. Pero tinawagan na rin siya ni Lady Boss na pumasok ngayon dito sa Camp-O incase na marami na naman ang maging sugatan sa araw na 'to. Hurry up! We'll leave after an hour."

Nagpanic ako sa sinabi ni Liam. "S-Sandali! Hindi ba pwedeng tumanggi? Sabihin mo kay Lady Boss hindi ko talaga kaya." Nagsusumamo kong sabi habang nanlalata na sumandal sa lababo.

"Tsk! Magagalit pa sa atin 'yon eh. Sige na gumayak ka na. Hindi naman kita hahayaan na mamatay roon. Saka huwag ka ngang duwag! Nagawa mo ngang iwan si Y para sa ibang babae kaya harapin mo 'to." Aalma pa sana ako sa kanya pero wala na akong nagawa dahil pinatay na niya ang tawag.

Inis na inilapag ko ang cellphone ko sa gilid ng lababo at saka tinignan ang sarili ko sa salamin. Gulo-gulo pa ang buhok ko at inaantok pa ang mga mata ko sa repleksyon ko sa salamin. Walang buhay na inabot ko ang toothbrush ko at saka nagsipilyo na ako para makasama ako kila Liam. Sana makauwi pa ako ng buhay dito sa amin dahil di ko talaga alam ang paliwanag na gagawin ko kung mapuruhan ako mamaya sa pupuntahan namin.

Damn! I am not trained and equipped. Ang training lang na nasalihan ko ay boy scout nuong bata pa ako kaya anong malay ko kung paano humawak ng baril. May knees and hands were shaking. Baka nasa bungad pa lang kami ng labanan ay puro tama na ako ng baril. Bahala na nga si Liam sa akin!

HABANG nagmamaneho ako papunta sa Camp-O ay maya't maya ako bumubuntong hininga. Kinakabahan ako sa gagawin namin nila Liam ngayon. Bakit ba kasi isasama pa ako sa misyon nila ngayon? Ayoko pang mamatay.

Pagkaparada ko sa parking area ng Camp-O ay nakita ko na ang isang mahabang hilera ng mga sasakyan sa gitna ng Camp-O. Pagbaba ko ng sasakyan ay doon ko napansin na may mga tauhan ang mga Figuerro na naghahanda na para sa pag-alis. Marami silang mga bitbit na baril at inilalagay nila ang mga ito sa loob ng mga sasakyan.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko nang marinig ko itong tumunog. Si Liam lang pala. "I'm already here." Sabi ko at saka naglakad na papunta sa unit ni Liam na malayo pa mula rito sa parking lot.

Love Me Back (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon