Chapter Eight

11 5 0
                                    

Chapter Eight


Pumunta ako sa may Veranda nang resort. Gabi na noon. Malamig ang paligid. Buti na lang at may dala akong balabal.

" You're waiting for my brother?" Napalingon ako sa pinanggalingan nang boses. Nasa may pathway iyon.
Kahit hindi ko sya makita alam kong yung antipatikong yun ang nagsalita.

" So?" At lumingon muli ako sa baba. Sa may tyangge.

" Be my girl!" Biglang Sabi nito. Napalingon ako sa kanya.

" Nahihibang kana!" Sabi ko sa kanya. Nag Simula nang uminit ang ulo ko sa taong kaharap ko ngayon.

" No, don't mis-interpret with it!" Humakbang sya palapit sa akin. " Ang sa akin lang, ay para hindi masira ang kinabukasan nang kapatid ko dahil sayo!" Nakatingin na sabi nya at mababakas sa mukha nito na seryoso talaga sya sa binibitiwan nyang salita. " And if you really don't have a feelings for him, then be my girl to stop himself to get attached to you! Do you get my point?" Dagdag pa nya. Naliliyo ako sa sinasabi nya. Parang ang dali lang sabihin sa kanya nang mga bagay na iyon

" Unbelievable! Huh? Why don't you talk to your brother! Para magka-intindihan kayong magkapatid!" Inis na sabi ko sa kanya. Iiwan ko na sana sya nang bigla syang magsalita.

" Don't turn your back on me woman!" Sabi nya kaya humarap ako sa kanya.

" Alam mo bang nakakainis kana? Ipinipilit mo ang isang bagay na hindi naman talaga nangyayari! " Nanggigigil na paliwanag ko sa kanya. " At please wag mo na akong kausapin pa! Nag iinit ang ulo ko sayo!"

" Just agree to my proposal! O ngayon pa lang sasabihin ko sa kapatid ko na wala syang mapapala sayo! " Inirapan ko sya. Ewan lang kung nakita nya. Madilim pa naman dito.

Iniwan ko na sya at pumasok sa kwarto. Nakita ko naman na nag reretouch ang mga kaibigan ko. Si ate Marites naman tulog na.

" Babe, let's go sa may tyangge! Manchichicks!" Sabi sa akin ni Charlotte.

" Ah paano si ate Marites!" Sabi ko.

" La-lock natin ang pinto. Pero syempre dadalhin natin ang susi." Paliwanag ni Sophia.


Magsasalita na sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Liam.

" Ate!!!!!!" Tawag nya sa akin at sabay yakap. " Thank you!"

" Teka! Teka! Anong meron?" Tanong ko at kinalas ang yakap nya.

" Dahil tinupad mo ang pangarap ko! Kahit HB ka pa!" Tapos ngumiti ito sa akin niyakap ako.

" Teka! Ano ba yan Liam?" Curious na tanong ni Olivia habang nagpe-face powder.

" Sabi ni kuya na wag daw akong kalapit sayo kasi ang sama namang tingnan na sya yung karelasyon mo tapos pa yakap-yakap ako sayo------"

" SAY WHAT?!" napasigaw kaming apat sa gulat sa sinasabi ni Liam.

Napatingin agad ako kay ate Marites. Buti na lang at hindi nagising.

" Ha?" Takang tanong ni Liam.

" My ghad! Ano bang pinagsasabi mong bata ka?" Tanong ko agad dito .

" Sabi ni kuya na mag-on na kayo, para na din daw sa pag-mo-move on mo!" Gulat akong napatingin sa kanya. Tiningnan naman ako nung tatlong bruha.

End Up With You ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon