Chapter Two

24 9 2
                                    


Chapter Two

I wake up in the morning and do my morning routine.

Bumaba na ako sa hagdan ng maalala ko ang mga nangyari kahapon.

Hindi mawala sa isip ko na pinag aagawan kaming apat ng mga iba't ibang naglalakihang kompanya dahil sa fresh graduate kami at kaka-pasa lang sa isang Certification Board. Katulad ng board exam, nag take din kami ng exam dito sa Certification Board para magkaroon ng license.

Ang Computer Engineering ay walang board exam dahil ayon sa sinabi ng professor ko noon, nagbabago ang bawat pinag aaralan dito. Maraming maiimprove at mababago.

Nagkanya-kanya sila nang pag bibigay ng mga calling cards sa aming mag kakaibigan.

Actually may napili naman na akong isang company eh. Sikat sya sa panahong ito. And I want to try it. Para makatulong na ako sa bahay.

Napatingin sa inuupahan ko nang makarating ako dito. Well hindi naman sya sira. Pero maaliwalas syang tingnan. Naalala ko tuloy ang bahay namin sa probinsya.

Ang bahay na nasa probinsya sa amin ay hindi na maganda ang tayo. Malapit na itong masira ng anumang bagyo na darating. Kaya kasama sa balak ko ang ipagpatayo ng Magandang bahay ang nanay at tatay doon sa lupa namin. At ngayon mangyayari na iyon dahil gagawin ko ang lahat basta mapili ko ang pinaka maayos na kompanya sa nagbibigay ng calling cards sakin kahapon.

" San ka pupunta? Kaka-graduate mo lang tapos lalayas kana ngayon? Alam mo naman ang mga pamahiin hindi ba?"
Siya si aling Rosy ang nag papaupa ng kwarto. Hindi kami close nyan pero, nagsasabi lang yan ng mga pamahiin. Yeah mahilig sya sa ganon.

Ang daming sinabi ng may ari nang paupahan na to. Daig ang inay. Actually pupunta na sana ako sa isa sa mga kompanya. Titingnan ko yung mga areas nila kahit may napili na naman talaga ako. Pero I think kokontakin ko na lang ang napili kong kompanya.

" Hehehehe jan lang po ako sa labas! Makikitawag ako sa Tindahan, sa may telepono ni aling Matilda!" Sabi ko na lang. At kumuha ng pera pambayad sa tawag. Kinuha ko ang calling card na napili ko. Ang isa sa pinaka malaking Kompanya ngayon.

(dp) Daighler Patch Inc.
☝👉 Daming profile. Hahaha lels Logo po yan.

Mr. Marco Preisler

Contact No.: **********

Asa tindahan na ako at nagsabi sa kay aling Matilda na tatawag lang ako. Eh bruhilda pa naman ang matandang yan. Pag hindi ka nagpaalam baka kung ano pang masabi.

* riinggggg riiiiinnnnnggggg

: Hello, Good morning ma'am what can I do for you?

: Uhmm Good morning ma'am, can I talk to Mr. Marco Preisler?

: He's in a meeting ma'am, may I know your name?

: Ashley Jade Laluna ma'am

: Oh! The fresh graduate right? He already said that if you contact him kindly go to our main building in ******** ******* and he will wait you there!

: Uhmm ok ma'am thank you!

I hang up the call. Nag bayad na din ako ng kinse pesos kay aling Matilda dahil antagal ko daw makipag-usap. Hindi ko na lang sya pinansin.

Kinabukasan pumunta na ako sa sinabing lugar ng kompanya. Tinanggap nya agad ako nang araw na iyon. Start ko na daw ngayon Sabi nung nag interview sa akin.

Nakausap ko na din si Sir Marco at igi-nuide ako ng secretary nya sa mga iba't ibang site ng kompanya. Hanggang sa makarating na kami sa lugar ng mga kabaro ko. Lels i mean yung site ng kinuha kong kurso.

End Up With You ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon