Chapter Four

18 7 1
                                    

Chapter Four

Tinanghali ako nang pasok sa opisina. Hindi naman ako napagilitan ng manager namin pero nasita naman nya ako.

" My ghad Ghorl anong nangyari? Mukha kang Zombie!" Sabi ni Charlotte sa akin.

" Omg! Don't tell me na tumama ang hula mo kahapon? Na aksidente ang babylabs mo?" Tanong naman ni Sophia.

Hindi ko mapigilan ang umiyak sa kanila. Sobrang sakit pa din talaga ng mga nangyayari. Hindi ko ini-expect na magiging ganoon si Avan . Sa sobrang concern nya sa feelings ko at sa mararamdaman ko kapag may ginawa siyang kalokohan.

In-assure nya sa akin hindi sya magloloko. Na hindi sya papatol sa iba dahil ako ang nag iisang mahal nya.

Pero anong nangyari? Isang taong pang-ga-gago.

" Girl ok lang yan! Tara dadalawin natin sa hospital!" Sabi Olivia habang yakap naman ako ni Charlotte at Sophia.

Sa kanilang tatlo, si Sophia ang may soft heart. I mean madaling maawa yan at pang hinaan ng loob pag Wala kami sa tabi nya. Si Charlotte naman may pag ka palengkera, kapag may naagrabyado saming tatlo may gagawin yang kamalditahan, pero this time kino-comfort nya ako without knowing na may ginagawang katarantaduhan si Avan. Tapos Si Olivia naman, mataray, fashionista. Fashionista naman silang tatlo pero angat si Olivia at ang mataray nitong aura. Siya din ang may matapang na personality saming apat. Mataas ang pride nyan. Pero nababa naman pag kami na ang usapan.

" Mga baliw walang nangyari sa kanya!" Sabi ko sa kanila at binatukan naman nila ako.

" Ewan sayo ghorl!" Sabi ni Charlotte.

" Eh bat ka ba naiyak na babaita ka ha?" Segunda agad ni Olivia. Taray.jpeg

" Nagtampo kasi sya nung sinabi kong hindi ako a-attend sa birthday party nya at syang dahilan ng hindi pag sipot nya kahapon!" I lied. Napatingin sila sa akin at mukhang hindi alam ang sasabihin.
" Nakakainis na sineen nya lang ako kahapon tapos nag-alala pa ako tapos ganoon pala ang nararamdaman nya? Ba't hindi nya agad sinabi?"

" Gaga! " Sabi ni Sophia tapos kinurot nya ang tagiliran ko. Minsan nagiging brutal na din ito eh.
" Hayaan mo syang mag tampo! Isu-surprise mo naman sya sa birthday nya, tanggal ang tampo non!" Dagdag pa nya.

Nag agree naman yung dalawa tsaka nag apir silang tatlo.

Nakakatuwa na nandyan sila para pagaanin ang loob ko.

Bigalang sumagi sa isip ko yung usapan namin nung nakaraang araw.

' bakit hindi mo pa inili-legal yan? Baka makahanap na yan ng iba! Kaya bakudan mo na!'
At nag paulit-ulit ito sa pandinig ko.

Napabuntong-hininga ako at nasabi na, ' tama ang sinabi nila! Hayysssttt!'

" Ash!" Tawag sa akin nang isang pamilyar na boses. Ang boses na minahal ko nang ilang taon at patuloy paring mamahalin hanggang ngayon. Nilingon ko sya at nakita ko ang mukha nyang nakangiti.
" Sorry kahapon! May emergency eh! Naiwan ko din yung phone ko sa condo tapos pagbukas ko na may missed call ka pala! I'm sorry Hon!" Tapos Yinakap nya ako. Nakita ko si Charlotte na sumenyas na aalis na sila. Kaya tumango ako.

End Up With You ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon