Chapter Six

16 5 0
                                    

Chapter Six

Natapos na ako sa pagluluto ng carbonara. Nilagay ko na sya sa Tupperware na parang binalutan ang style. Yung parang lalagyan ng crinkles na nabibili sa Tindahan.

Matapos ma-impake ang mga Tupperware sa isang malaking bag ay sya namang pag lalagay ko nang mga magiging desserts sa cooler.

Hindi naman ako nahihirapan sa pagdadala non dahil may service kami.

Matapos noon ay naligo na ako at nag ayos ng mga gamit. Pero napagdesisyonan ko na lang na ilipat sa isang backpack ang mga gamit ko kesa hilahin ko pa yung maliit na maleta.

It takes a minutes to fixed it.

Umupo ako sa may side table para kumuha ng isang shades na nakasabit doon.

Pero napasulyap ako sa may isang picture frame na kung saan nandoon ang picture namin ni Avan.

Kumuha ako nang gunting. At saka kinuha ang picture sa picture frame. Ginupit ko ang mukha nya sa litrato. At pinaraso-piraso ito. Itinabi ko naman ang kalahati ng litrato sa isang lugar na hindi ko na makikita kahit kailan.

* Rrrriiiiiiiinnnnnnnngggggg Riiiiinnnnnggggg

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

" Uyyy girl ano na? Nandito na kami sa tapat ng Condo mo!" Boses iyon ni Olivia na may paarte pa nang pag sasalita.

They want me to become ok. Then I'll try this time. Parang may kumirot sa isang bahagi ng dibdib ko nang maalala ang nangyari kahapon. Parang sumisikip ang dibdib ko. Ganitong-ganito yung nararamdaman ko kahapon.





" Oh guys, a little help naman! May dala kasi akong para sa lahat!" At mukhang naka loudspeaker ang tawag dahil nagsigawan lahat ng nasa paligid.

Maya-maya lang ay may nag-door bell na. Nang buksan ko ay nakita ko ang tatlong bruha. Kasama Si Jayson at Mark para daw sa pag-dadala ng mg gamit ko. Pinakuha ko naman sa kanila yung dalawang cooler. Isang malaki at isang katamtaman lang. At dalawang bag na malaki na may laman na carbonara at isa pang dalawang bag na may laman namang sushi.

" Andami!" Reklamo ni Jayson.

" Woyyy baka para sating lahat yan! May parti din kayo!" Sabi ni Charlotte.

" Basta kasama Talaga kami jan Ash huh?" Paninigurado sakin ni Jayson . Samantalang walang reklamo si Mark na binuhat na iyong mga bag .

" Oo nga! So go! " Pilit ang ngiti. Kahit halata pa rin sa mukha ko ang mga eyebags dahil sa pagmumukmok ko kahapon .

Kanya-kanya na kami nang lakad. Palapit sa Van. Bale kausap ng girls sila Jayson at Mark. Nang yumakap sa akin ang pinaka bata sa grupo. Sya si Liam. Yinakap ko din sya pabalik.

Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin. At ngumiti. Sya yung bata na sabik sa kapatid na babae. Kaya naman pumayag ako maging ate sa kanya.

Nagulat ako nang may biglang sumuntok sa kanya. Tingnan ko kung sinong may kagagawan non at gumuhit muli yung sakit.

" What the hell Avan?" Agad kong nilapitan si Liam na napahiga sa sahig.

End Up With You ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon