Chapter Eleven

9 4 0
                                    

Chapter Eleven

Suot ang puting dress at hawak ang puting rosas sa aking kamay. Nakaharap kay Father sa pagsisimula nang dasal nito.

Nang matapos ay binasbasan na nito si Liam, kasama ang ataul at ang lupa na paglilibingan dito.

Namasa ang pisngi ko. Pinunasan ko ito pero mas lalong dumami at hanggang nag sunod-sunod na. Isa-isang pinalapit kami nang ibababa na ito. Nag isa-isang inihagis ang puting rosas sa kabaong nito.



Maski si Charlotte ay umiyak na din. Pare-pareho naming hindi matanggap ang nangyaring iyon. Lahat kaming mag kakaibigan ay umiiyak na. At hanggang sa ako ang kahuli-hulihang naglagay nang bulaklak. May kasama iyong sulat.



A Farewell letter.



Almost 1 month na lang ang natitirang araw ng bakasyon ko. Wala na akong ibang mapuntahan bukod sa condo ko.

Maski si Lincoln ay hindi ko nakakausap. Siguro ay pareho kaming nagluluksa pa din.





Kagagaling ko lang sa probinsya namin at umuwi na nang Manila para sa nalalapit na muli kong pag alis.

Ako lang ang aalis dahil dito na muli sa pilipinas ang tatlo kong kaibigan. Balak ko din na bumalik nd pilipinas pagkatapos ng project sa US.

Nasa ganoong pag iisip ako nang mag text si Sharia na pumunta sa ganitong lugar para sa advanced celebration ng kanyang birthday party.


Nag desisyon akong pumunta para maglibang at malimutan saglit ang nangyari.

Tinext ko si Lincoln at sinabing nasa Manila na ako. Nagreply lang sya na magkita daw kami bukas at i reply ok.

Biglang nag ring ang phone ko.

" Woyyyy Gray San kana?" Sabi ni Sharia sa kabilang linya.

" Asa gate na! Asan ka?" Tanong ko dahil sobrang Dami nang tao sa loob hindi ko sya makita.



" Asa garden!" Agad naman akong pumunta don. Hinila nya ako nang makita. Pinaalalahanan ko pa syang wag magmadali dahil apat na buwan na itong buntis.

Kaya daw sya nagmamadali ay ipapakilala daw nya ako sa gwapo nyang Fiancé. Kaya pinagbigyan ko na pero. Alalay pa din ako.

Nakarating kami sa Garden at nakita ko ang isang naghihintay na lalake.




" Ley?" Tawag nito sa akin. Nawala ang ngiti ko nang marinig ang boses nya.

' history repeats itself!'


Para akong nasa Mobile Legend ng oras na iyon. Double Kill.

" Do you know him Love?" At lumapit si Sharia kay Lincoln.

" I gotta go!" Sabi ko. At tumalikod

" Teka kakadating mo lang ah!" Sabi naman ni Sharia. At lumapit you sa akin at kumapit sa braso. " Enemies ba kayo?" Tanong pa nya.


End Up With You ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon