Chapter 13: Surpass

24 4 3
                                    

THINK SOMETHING, PIERRA. Think.

Nakatutok lang ang mata ni Pierra sa Shards Tornado na likha ng Fiend Shadow. Sumisigaw na sa sakit si Adidas at may humalo na ring kulay pula sa Shards Tornado na siyang dugo ni Adidas.

"Please, do something..." Vanice begged.

Ano pa ba ang magagawa ko sa mundong ito? Ano ba ang magagawa ko kapag ang kalaban ay ganito kabilis? Ano ba ang pwedi ko pang ilabas?

Adidas is now shouting in pain. "Ahhhhh! Argh!"

"HAHAHAHA! Louder! I can't hear you! Beg! C'mon! Beg for your life." Natutuwang sigaw ng Fiend Shadow.

"Akala ko ba gusto mong tawagin kita sa pangalan mo?"

West?

"Ano ba?! Wala kayong gagawin?!" Galit na sigaw ni Vanice.

Lumapit si Vanice sakanya at hinawakan ang magkabilang balikat at yinugyug siya.

"Pierra... tulongan mo siya. Akala ko ba matalik kayong magkaibigan? Akala ko ba poprotektahan mo siya?"

Malungkot na napailing - iling si Pierra. Nagalit naman si Vanice at tumulo na ang masaganang luha nito.

"But Adidas is dying! He's dying! Panonoorin mo nalang ba na mamatay siya? Na mawawalan siya ng isang buhay?!"

"Vanice! Huminahon ka muna!" Sita ni Forbes.

"Pierra, please... I know ikaw lang ang may kayang iligtas siya. If you can save him... I let him go and I'll support you both." She cried hopelessly.

Ramdam niya ang kagustuhan ni Vanice. Pero ano ang magagawa niya? Hindi siya papantay sa bilis ng kalaban nila. Napatingin siya kay West na nakatitig lang sa Fiend Shadow.

Ano kaya ang binabalak nito?

Nahalata ata ni Vanice na wala siyang imik at napatingin kay West kaya naiinis at dismayado itong bumitaw sa magkabilang balikat niya.

"So that's it? Wala kayong gagawin? Hindi kayo kikilos? West? Aba! Ikaw ang guild leader. You supposed to save your members if they are in danger! Mosley?! Akala ko ba magaling ka? Saan na iyong magic illusion mo?! Crimo? Tang'na! Akala ko ba magaling ka? Puro ka lang pala hambog. Forbes? Artisan ka, pero ano ginagawa mo? You are useless here! At ikaw Pierra---"

"Vanice! I said calm down!" Napipikang sigaw ni Hayla.

"Wala kayong gagawin? Sige ako nalang! Pambihirang guild na ito oh! Walang kwenta!" Galit na sigaw ni Vanice at nagmartsa papunta sa harapan ng Fiend Shadow.

"Vanice! Bumalik ka rito!" Sigaw ni Pierra.

Vanice gave them a quick glance with her cold eyes. Tila dismayadong - dismayado pagkatapos ay tumingin ito pabalik sa Fiend Shadow.

"Charm Spell!" Vanice chanted then wink at the Fiend Shadow.

The Fiend Shadow acted enticed by Vanice' Charm Spell. Napangisi si Vanice.

"Stop the Shards Tornado." Vanice commanded.

Vanice can manipulate people if it is under her spell, but it requires a big amount of mana.

"Yes, Queen." The Fiend Shadow said in a platonic voice.

Ramdam na ni Vanice ang tagumpay pero hindi niya inaasahan ang susunod na pangyayari.

Biglang ngumisi ng malaki ang Fiend Shadow. Katakot - takot ito at para na itong demonyo tingnan. Nakakatakot.

Napaatras si Vanice sa gulat. She can't believe na hindi man lang ito tumalab. It caused a lot of mana tapos hindi ito tinablan. Why?!

RPG: Virtual WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon