Chapter 15: Sunflower Field

29 3 0
                                    

SAAN BA KASI SILA PUPUNTA?

Hila - hila pa din siya ngayon ni West. May naririnig na nga siyang bulongan e pero tumitigil naman ang mga ito kapag tinitingnan niyang may nagtatanong na mata. Tila takot o iwas sila sa kanila ni West.

Napatingin siya sa malapad na likod ni West.

Kinatatakutan ba nila si West? Sino ba talaga ang lalaking ito sa Virtual World?

Bago pa lang sila ni Adidas kaya halos wala pa siyang alam. Itong si West, he still remained mysterious in her eyes. Kahit gaano niya itong tingnan at pagmasdan ay hindi niya talaga mabasa kung ano ang nasa isip nito.

"West? Saan ba kasi tayo pupunta? Tsaka pwedi namang lumakad ako ha? Kinakaladkad mo na ako oh!" Inis na reklamo niya.

Biglang huminto si West kay napahinto din siya. Lumingon ito sa kanya, glaring at her. Napalunok siya. His cold gray eyes are staring at her.

Parang nawawalan siya ng lakas sa klase ng tingin nito. His eyes are hypnotizing.

"Zip your mouth and just follow me. Got it?" Mala-awtoridad na sabi nito.

She pouted then nodded. "Fine."

At hinila siya ulit.

Nang dahil sa munting pag-uusap nila ay parang lumakas ang bulongan tuwing may madadaan silang tao. Ano ba ang meron? Nakakawarak naman ng isip ang mga tao dito. Naiinis na siya ha!

"Oh my! Who's that girl?"

"Don't you know? She's the novice who had the guts to talk back with the Rank 1 Hero."

"Shocks! So that's why the girl looks familiar."

"Yeah, IKR! HAHAHA!"

Tiningnan ni Pierra ang dalawang babaeng nagbubulongan pero ng tingnan niya ito ay tumahimik ito bigla.

Weird.

"Bakit sila magkasama? Sila ba?"

"The novice and the old player. What a great team."

"The novice who raided a Level 5 Dungeon and win it."

"Woah, that's awesome."

"Yeah, IKR. It was said that she was slowly becoming the Beast Queen."

"Beast Queen? Oh my! Really?"

"Yeah, really."

Napakunot ang noo ni Pierra sa kanyang naririnig. Sinong Beast Queen na tinutukoy nila? At sinong pinagbubulongan nila?

Ang weird naman ng mga tao dito. Nagkibit balikat nalang siya. Hindi namamalayan ni Pierra na nakarating na pala sila sa isang lugar kung saan papalubog na ang araw. Woah, ganito na ba sila katagal na naglalakad? Sa pagkaka-alala niya ang umaga palang ah.

"West? Ilang oras ba tayong naglakad para pumunta dito?"

"10 minutes."

Namilog ang mata niya. "Ha?! Ten minutes?! Pinagloloko mo ba ako?" Tinuro niya ang araw. "Look! Papalubog na ang araw oh!"

West tsked at pwersahang pinihit ang ulo niya papaharap sa isang magandang tanawin. Isang tanawin na siyang ikinatigil niya at ikinamangha niya.

It was a sunflower field under the sunset. Ang ganda. It was majestic. It was breathtaking. Nasa isang cliff pala sila ni West kaya pumunta siya sa may unahan. Wow!

"Ang ganda~" tila nagniningning na ang mga mata niya.

Sunflower... ngayon lang siya nakakita ng ganito karaming sunflower.

RPG: Virtual WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon