Chapter 21: Quarrel

13 0 0
                                    

ISANG BATOK ang sumalubong sa akin galing kay Adidas pagkadating namin sa guild house. As usual, I didn't winced nor felt hurt about it. Pero agad dumadagundong ang pag - alala ni Adidas ng makita niyang may sugat ako sa mukha.

"Where have you been?" Lumingon si Adidas kay West. "At anong nangyari? Bakit may sugat sa mukha si Pierra while you are left unscathed and who's that kid that you're holding?" Lintanya ni Adidas.

Tumingin ako kay West na akay - akay pa din si Drion. Tiningnan ko siya gamit ang napapagod kong mata. After the fight, I'm exhausted and I just want to rest, but of course I can't. Since this twerp won't let me rest if I don't answer his questions.

"West, ako na bahala mag - explain. Pakiakyat nalang si Drion sa kwarto ko." Mahinahong sabi ko kay West.

Tumango lang ito at tumalikod para umakyat sa taas. She sighed.

Bagsak ang pwetan niyang umupo sa pang - isahang sofa.

"May nakasalubong kaming hero hunter and the fight happened." Sabi ko.

Lumapit si Adidas at ginulo niya ang buhok ko kaya tinabig ko kamay niya. "Adi, ano ba! Yung buhok ko." Naiinis kong reklamo.

Adidas grinned. "Tsk, ang prone mo talaga sa pahamak."

Hindi na ako nag - abalang sumagot pa ay sa halip tiningnan ko si Vanice, Hayla at Diwa na ngayon ay tila naawa sa kalagayan ko. Paano ba naman kasi, halatang pagod na pagod ako tas itong kutong - lupa na 'to ay di ako tinatantanan.

"Let's talk with Pierra later and let her rest first." Biglang sabat ni Crimo.

Oh!

Ngayon ko lang siya narinig na tunog concern.

"Oo nga, she seems exhausted." Pagpapangalawa ni Mosley.

Mosley too?!

What's up with them?

"Yeah, Pei you better go upstairs. And we'll talk about what happened earlier. Is that okay with you?" Tanong ni Diwa.

Tumango ako. "Yeah, sure."

Tumingin ako kay Adidas pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

"Tsk, pahinga ka na pero gamutin muna natin sugat mo." Sabi ni Adidas.

"Maya na." Sagot ko.

"Okay."

Tumayo na ako at umakyat na sa taas. Diretso ako sa kwarto ko at di lumingon sa katapat kong kwarto. Pagod ang isip ko sa pangyayari kanina at ang kuryosidad ko para sa kwarto na yan ay di makakatulong sa akin ngayon.

Pagkabukas ko ng kwarto ay napasinghap ako ng nadatnan ko si West na nakaupo sa aking kama. Nandoon na din si Drion na mahimbing na natutulog ngayon.

Tila nakatigtig sa kawalan ngayon si West at malalim ang isip pero hindi kumawala sa paningin ko ang mata niyang tila nalulungkot [?] Tama ba pagkakakita ko o baka namamalikmata ako?

Tumikhim ako ng makita kong di pa niya napansin pagdating ko.

"Hi?" Awkward na sabi ko at lumapit sa kagawian niya.

"He's asleep." Sabi ni West sabay pilig ng ulo kay Drion.

"Oo nga, salamat." Ngumiti ako. "Pero ba't di ka pa nagpapahinga?" Tanong ko.

Sa halip na sumagot at may tila kinukuha ito sa inventory niya. Kaya sinundan lang ng mata ko ang bawat kilos niya.

Bakit ang pino ng galaw niya tapos sa akin ay parang ang gaslaw ko? Edi sanaol.

RPG: Virtual WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon