Chapter 16: Friendship

31 3 0
                                    

REMEMBERING THE FIGHT with the Fiend Shadow, instead reminiscing the joyous moment of victory, Forbes can't feel that time. Now, he was sitting in one corner staring down at his worksheet. Inside his walk in closet which had a secret room or his lab room.

Here, he crafted many special weapons, tools and even armours. If its a normal sunny day, Forbes will work himself up in making essential needs that the guild needed.

Pero ngayon... nawalan siya ng gana. What Vanice said hit him a nerve. Nagalit siya kay Vanice, oo. Dahil hindi niya matanggap na tawaging wala siyang kwenta pero he realized, somewhat what she said is true.

Totoo naman e, he can't be any use. He is just a simple artisan, a craftsman who made weapons, armours and such. Hindi siya bagay sa mga laban.

This day is not normal for him. Sa mga oras na ito ay tiyak na nag-iimbento na naman siya o kaya naman ay nagpapatulong na kumuha ng mga sangkap para sa combination na gagamitin niya sa kanyang gagawing armas.

Oo nga pala, may gagawin sana siya. Iyong shield na pinapagawa ni Pierra. A special shield only made for defense. May special focus ang gagawin niyang shield sa vitality, sa tulong din ng balat ng Sea King.

Pero paano niya ito magagawa kung nawalan siya ng kompyansa sa sarili. Mismong gawa nga niyang special arrow para kay Crimo ay gayon - gayon lang itong sinira ng Fiend Shadow. Binali lang nito ng kay dali. Ang pinaghirapan niyang binuo na black dimensional arrow ay nasira lang sa isang iglap.

Ano ba ang kulang sa kanya?

Napatigil si Forbes sa kanyang pag-iisip ng may narinig siyang katok galing sa labas ng walk in closet niya.

"Forbes?"

Boses ni Hayla. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumabas sa kanyang walk in closet.

Nangingitim ang ilalim ng mata ni Forbes dahil sa kakulangan sa tulog. Simula ng makauwi sila galing sa laban ay iwas munang makipag-usap si Forbes. Kahit si Adidas na kahit anong kulit nitong kausapin ito ay hindi siya natinag.

Malamlam na nakatingin sa kanya si Hayla. Samantalang siya ay walang kabuhay - buhay ang mata nito ngayon.

"May kailangan ka?" Tanong niya. His voice is hoarse. Dahil siguro sa kakulangan sa tulog.

"Adidas told me you've been hiding inside your lab room. Are you okay?"

Hindi siya umimik.

Napatampal sa noo si Hayla. "Silly me! Of course, you are not okay. Gawd, why am I asking the obvious?" Hayla said, more like telling it to herself.

Hayla sighed tapos seryoso itong tumingin sa kanya. He just stood still.

"I know you are affected by Vanice' words. Pero alam mo naman ang ugali ni Vanice diba? Hindi niya sinasadya iyon. What she said was out of the spur of moment."

"Iyon nga e. Kilala ko ang ugali ni Vanice and what she said were true. Higit nating kilala si Vanice kanino man kaya kahit hindi niya iyon sinasadya? Ay totoo iyon. May laman ang sinasabi niya." Ani Forbes.

"Pero..." lumamlam ang tingin ni Hayla sa kanya.

Umiling si Forbes. "Hayla, stop it. If you're thinking that I'm mad at Vanice then you're wrong, hindi ako galit kay Vanice."

Hayla heaved a sighed. "I am, too. Kahit hindi niya ako sinasabihan ay alam kong may ikakasabi sa akin si Vanice pero diba? Why don't we use her words to make us stronger? Let's turn it into motivation para mas lumakas tayo. Let's improve ourselves. Hindi iyong nagmumok ka lang sa isang tabi at tinititigan iyang worksheet mo. Sa tingin mo? Kapag pinagpatuloy mo ang pagiging ganyan ay lalakas ka ba? Diba hindi? Pinaparusahan mo lang ang sarili mo. Sa halip na gawin itong motibasyon upang maging malakas ka at para sa susunod ay walang masabi ang mga tao sa iyo ay mas butihin pang mag-ensayo."

RPG: Virtual WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon