Chapter 3

70 3 0
                                    


Chapter 3

Makapal na kilay, sa ibabaw ng singkit kong mga mata. Maganda ang pagiging bagsak ng buhok ko na mas nagpapakita ng maliit kong mukha. Humarap ako sa malaking salamin ng kwarto ko.

Medyo namamayat na ako sa palaging maraming iniisip, nahihirapan na rin ako matulog sa gabi dahil sa nararamdaman ko sa dibdib ko.

Lungkot na hindi ko maintindihan, lungkot na nararamdan ko ngayon.

Siguro dahil na disappoint sa'kin si mama o baka dahil sa ginagawa ng tinuturing kong kaibigan?

Kinuha ko ang bag ko bago bumaba, tahimik at hindi ako nagising dahil sa sigawan ngayong araw. Wala silang dalawa ngayon, ang alam ko ay lumayas si papa dala ang mga iilan niyang gamit.

Napabuntong hininga nalang ako. Ganon ba kahirap ang magstay sa'min ni mama?

Kung sabagay, wala akong magagawa. Kahit nga ang tunay niyang pamilya ay nagawa niyang iwan kami pa kaya ni mama na kabit lang.

Dumiretso na ako palabas ng bahay, as always. Naghihintay ng pwedeng mapagchismisan ang mga chismosa sa labas ng bahay, wala na akong kailangan pang-aasahan.

"sus, 'yang si mae natira na 'yan ni Christian. Kunwari lang 'yang santo" bulong ni Rowena.

Napa-iling nalang ako, ang galing humanap nang butas ng iba pero ang anak naman niya ay isang malaking PAKARAT.

Hindi na ako nag-abala na tignan sila, nagdiretso na ako paalis. Mga gano'on bagay ay hindi kailangan pangpagkaabalahan.

Sumakay ako sa jeep, at ilang oras din ang byahe. Mas mahaba pa kesa sa inaasahan, mabuti nalang ay maaga din akong pumasok ngayong araw. Tatlong subject lang naman kami, konti nalang ang units namin ngayon kumpara dati na halos sa school na kami tumira.

Pagpasok ko sa room ay medyo marami na sila, nandon na rin sila Rose at Bea. Pansin ko ang masamang tingin sa'kin ng iilan kong classmate, mga tingin na hindi makapaniwala.

"Pwede bang sumama muna ako sa inyo?" tanong ko kay Beri, nagtinginan naman silang apat bago tumango.

Umupo na ako sa tabi nila, nasa gilid lang ako at hindi umiimik. Ayaw ko muna silang kasama, sa tuwing gumagawa sila ng bagay para pagtawanan ako ng iba at pumangit ang tingin sa'kin nasasaktan ako.

Tao din naman ako, hindi ako umiimik at nagsasalita gaano pero ang bawat ginagawa nilang ikapapahiya ko sa lahat ay nakakasakit din sa'kin.

Akala kasi nila ay hindi sila nakakasakit sa ginagawa nila. Hindi rin naman tama na pagtawanan ka habang nakatalikod mas lalo na kung ang mga tao na tumatawa sa'yo ay sarili mo ring kaibigan.

"Monica, bat nandyan ka? Diba kela Rose ka sumasama?" malakas na tanong ng isa, umiling nalang ako bago ngumiti.

Ayaw ko magkomento sa kahit anong tungkol sa kanila, dahil una sa lahat kaibigan ko pa rin sila. Ayaw ko silang mawala kahit ganito ang ginagawa nila sa'kin.

Baka masyado lang akong sensitive ngayon, mas lalo na't napapadalas ng nakaraan ang pag-aaway ni mama at papa sa bahay.

Kahit sabihin ng iba na ang problema sa bahay ay dapat sa bahay lang, syempre hindi pa rin ma-iiwasan na maapektuhan pa rin ako habang nasa school.

"Baka warla sila, hindi naman lalayo 'yan kung ayos sila." Sabat ng isa kong classmate. Parehas silang nakasimangot, tama naman sila. Hindi naman ako lalayo kung walang problema.

Mas ayos na rin ang ganito kesa makisama ako sa kanila at hindi ko maramdaman na belong ako. Minsan nga ay pinaparinggan pa ako sa twitter dahil alam nilang di ako gaanong active don.

"Totoo ba, Monica?" tumaas ang kilay ko. "Na sinabihan mo daw silang bobo dahil nagbibiro sila ng chikinini mo daw sa balikat pati may sugar daddy ka daw?"

"Sino?" pinapanatili kong kalmado ang boses ko.

"Si Bea, hindi nga ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ka naman ganon na tao, kaya ayaw ko sana maniwala sa sinasabi nila." pagpapaliwanag niya.

"Sinabihan nila ako ng may chikinini kahit pasa ang nakita nila.Pinapahiya nila ako sa klase kahapon, kahit nandyan si Sir.

Ano ba dapat ang asahan mo sa'kin?" hindi naman kasi porket mabait ako, hindi na rin ako napupuno at nasasaktan.

Hindi ako mahilig pumatol sa ganyan, ayaw ko nang gulo pero alam ko kung sobra na. Hindi rin ako pinalaki ni mama para api-apihin nila, dahil lang sa mas nakatataas ako o dahil lang sa inggit sila.

"Pero biro lang naman daw 'yon"

Umiling ako sa kanya bago ngumiti,

"May biro ba na pinapahiya ka sa harap ng maraming tao? Biro paba na inaakusan ka na ginagamit ang sariling katawan para magkapera at biro paba ang ginagawang paninirangpuri na ginagawa nila ngayon?"

Hindi siya makaimik. Tama ako, hindi mo kailangan gawing biro ang paninirangpuri na katulad nang ginagawa nila sa'kin kahapon. Kung tunay silang kaibigan dapat nasa amin nalang ang issue kahapon, hindi naman nila ikatataas 'yon.

"Ganon ang sabi sa'min kagabi, kachat ni Bea si Rushielle at ganon ang sabi niya."

"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, kilala mo ako. Ilang taon na tayo magkaibigan, alam ko ugali mo at alam ko na alam mo rin ang sa'kin. Nasa inyo na kung maniniwala kayo doon" mahinahon kong sabi kahit puno na ako ng galit.

"Tsaka sabi din ni Bea dati may sugar daddy ka daw dati" napakagat nalang ako ng labi ko. Hindi ba talaga sila titigil?

"Katulad ng sabi ko na sa inyo na 'yon kung maniniwala kayo."

Tumayo na ako, pakiramdam ko ay anytime tutulo na ang luha ko.

Wala nga akong boyfriend na mananakit sa'kin, pero mali naman ang sinasamahan kong kaibigan.

"Beri, CR muna ako" pagpapaalam ko, tumango naman siya at iniwan ko sila doon.

Kaya naman pala iba ang tingin ng iba sa'kin, bakit sa mga wala kahapon nila kwinento. Bakit sa mga nakakita kahapon ng mga nangyari di nila kwinento, siguro dahil alam nila na hindi nila ako masisiraan.

Gusto ko sila awayin, gusto ko silang prangkahin pero ang dami ko nang iniisip sa bahay. Ang dami ko ng problema sa magulang at pag-aaral ko dadagdag pa sila, anong klaseng tao ba sila?

Pumunta ako sa cr ng mag-isa, sanay naman akong mag-isa. Kakayanin ko naman ata na walang kaibigan na nasa tabi ko, hindi rin naman sila maituturing na kaibigan dahil sa ginagawa nila sa'kin.

Nakaraan ko pa sila naririnig at may nagsusumbong sa'kin na patalikod nila akong pinag-uusapan at pinagtatawanan pero hinahayaan ko lang. Ilang taon na kami magkasama kaya ayaw ko na sanang gumawa ng ikasisira namin.

Ngayon, nakita ko na ang tunay nilang ugali. Sila ang mga tao na mabait sa tuwing kasama mo at kung ano-ano na ang sinasabi sa tuwing nakatalikod.

Pagpasok ko ng cubicle agad na nagpatakan ang luha ko. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila, bakit ganon?

PSYCHOTHERAPIST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon